
Originally Posted by
Dende
Coming from someone who previously rode the MRT twice a day, five days a week, karamihan sa kilala ko ayaw sa kanya. Kung alam niyo lang hirap namin, 6:30 pa lang ang pila sa Trinoma haba na. May ilang beses umabot na sa taas ng footbridge papuntang SM North. Ilang beses din akong dumating sa opisina ng 11am (8:30am) sira mrt, at napilitan akong magbus dahil trapik. Yung pila sa gabi na paikot ikot at sobrang init grabe talaga yun.
Ilang beses na rin akong nakauwi ng 11 ng gabi at di nakapasok ng sumunod na araw dahil sira mrt at walang masakyan. Ilang beses na rin akong naglakad sa riles o kaya ibinaba sa cubao or ortigas dahil sira tren. Wala akong choice kung hindi magtaxi dahil late na naman. Nasubukan ko rin gumastos ng 800 a day para mag uber. Kasi no choice. Mawawalan ka ng trabaho kapag hindi ka pumasok o parati kang late.
Yung hirap na dinanas namin na hanggang ngayon ganun pa rin. Ang masaklap pa kasi nung nasira yan dati sinisisi pa sa dating administrasyon. Tapos biglang taas pasahe. Alam naman natin na dapat talaga magtaas, pero mali ang pasok. Kung kelan sira dun pa nagtaas.
Nung buntis asawa ko at dun ako sumasakay sa pambabae, kawawa mga tao dun. Sira aircon, at tinutulak tulak lang mga buntis. Sa awa ng Diyos nakabili na rin ng sasakyan at di na ako sumasakay ng mrt pero tuwing umaga kita pa rin ang pila pag dumadaan ako ng trinoma at qave.
Yung mga bagong tren tagal ng pinangako darating last year pero kelan lang dumating? Magagamit daw end of March pero anong petsa na? Halos lahat ng kaopisina ko na gumamit at gumagamit pa rin ng MRT hindi iboboto si Roxas. Pati mga boss namin na naapektuhan dahil sa parating late mga tao ganun din.
Kaya inis na inis kami kapag parati niyang binibida yang dumating na tren na hindi pa rin naman nagagamit hanggang ngayon. Hoy Mar di yan achievement.
Yung mga statements dati ng Malacanang na parang iniinsulto pa mga MRT riders na subukan magbus. Kapag sumakay ka ng bus at umalis ka ng 6:30 sa Trinoma,10am ang dating mo dahil sa trapik at paghinto hinto nila.
Hindi kami reklamador. Subukan niyo sumakay ng MRT araw araw tapos wala kayong choice kung hindi sakyan yun dahil malalate kayo sa trabaho. Malaki ang epekto ng pagkasira ng MRT sa mga empleyado.
Maraming nagawa ang administrasyon ni Pnoy. Pero marami ring hindi. Isa na yang mrt na yan. At wag ng sisihin dating administrasyon, kasi kasalanan pa rin nila na hinayaan nilang umabot sa ganyan.