ah.. may iba kasi shops na nag lalagay ng jack sa suspension arm eh.. sa ibang design, manipis lang yun at hindi kaya mag carry ng bigat ng kotse..

na experience ko din yan recently nung nagpapalit ako ng gulong.. yung technician, balak nya ilagay yung jack dun sa rear suspension arm ng kotse.. eh manipis lang yun.. ako pa nagturo ng correct lift point dun sa likod..

kung di ko nakita, malamang bumaluktot yung suspension arm..

sa sides, along running board madalas ang jack point ng unibody design.. pero hindi advisable na gamitan yan ng crocodile jack kasi may tendency yung crocodile jack to pull the car sideways na pwede mag bend dun sa jack point..

if ever na gagamit ng crocodile jack, make sure na naka position yung jack almost parallel dun sa running board