Good day po, Wala po talaga akong alam pag dating sa car parts and issue kaya dinala ko sa Honda service for leaks issues, kasi every cold start ko ng sasakyan is nagleleak nang kaonti sa may passenger side. Ngayon naayos na nila ung sa power steering pump, and nung na seal na daw lahat, saka pumutok or nag leak daw sa power steering gearbox na sinasabi.. Ngayon panibagong bayarin nanaman, bakit naman ganon? Dba dapat na oversee nila yung sa gearbox para naprevent ung pag putok dun? Mechanic po ba nila ung may mali dun? additional 22k ako ngayon para dun.. sino po kaya ang pwedeng makausap dun regarding if ung pag service nila ang mali? or sadya na talagang mahina ung part na un kaya di sila liable?