Same problem po sa unit ko (Hyundai Accent 2014 1.4 e cv), bumababa po rpm ng between 750 or 760 once idle ang unit ko, and worst pag pinaandar na ung aircondition talagang bumabagsak ng 600 then may time na namamatay talaga makina. Pumunta na ako ng casa to check it pero sabi nila baka sa ECU daw kasi naka ilaw daw ang Check Engine indicator, di na nila tinuloy ang pag check kasi babalik at babalik lng daw ang issue pag di napalitan or na repair ECU. Ito rin isang problema ko mga master, ang previous owner kasi pinalitan na ng pang 2018 model ang ecu nito tapos di na mahanap and stock ECU, gusto ko palitan ng ECU na matching ang year model ng unit pero di ko alam ano part number ng ECU nito. Any suggestion po mga master.