Results 181 to 190 of 332
-
February 23rd, 2008 11:39 PM #181
I am new here, but in my case, 28/28 din ako sa Total, Yemen. Paguwi namin ay overnight kami sa hotel in Sana'a city, dun binibigay yung 56 days salary namin plus 2 days travel allowance and other bonuses, cash(dollar).
Pag ayaw mo nang bumalik ay ok lang pero di makukuha other bonuses and service award mo (as per contract kasi ay 30 days notice), tulad ng ginawa ng mga kasama kong pinoy, they went to Russia dahil malaki raw bigayan doon. BTW, sa instrumentation ang field ko.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 15
February 24th, 2008 03:02 PM #182kay 1AE,
dre, apply ka sa BW Shipping or sa Phil Hammonia na ngayon ay TeamBSM na. pwede rin sa SOS or sa Barber-Smithbell. pasyal ka rin sa Luneta, maraming offshore job offerings dun which consider Marine Engineering grads. curious lang ako pre, bakit gusto mo pang lumipat sa offshore eh management level na positon mo? i believe, pag nalipat ka sa offshore, back to zero ka uli.
-
February 25th, 2008 10:45 PM #183
Ruff, I think isang bagay na sure gusto ni 1AE sa offshore is the schedule which is 28 days work / 28 days off. If pamilyado ka, malaking bagay ito. At malalaki din ang sweldo offshore lalo na pag direct hire. I know some guys getting between $6,000 - $10,500 which is mas malaki pa sa salary ng mga ship Captain.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 15
February 26th, 2008 06:15 AM #184Jeanpierre,
Thanks for enlightening me. Tama ka, what makes offshore jobs so enticing and enviable is the vacationing and salary schemes. Biro mo, bakasyon ka na me sahod pa. Parang ako eh gusto na ring mag-apply dyan lalo na't kapapanganak pa lang ni misis (first baby namin)...parang ayaw kong iwanan 'yong pamilya ko. Kung ganyan lang din sana field na napasukan ko eh di kahit papano hindi masyadong masakit sa kalooban pag aalis na dahil after 28 days makikita ko na naman loved ones ko.
Sir, pls paki assess mo naman ako kung me pag-asa akong makapasok dyan para di na 'ko mag try kung sa tingin nyong mga nasa field na yan eh malabo. Actually, like 1AE, second engineer din ako sa mga LPG-carrying tankers. I am also a licensed Mechanical Engineer na nalihis dito sa seafaring field. Naging Safety Engineer muna ako with D.M. Consunji Inc. noong 1995-1996. Mula 1996, sumasakay na ako kaya wala na akong naging landbase job since that time...puro lungkot na lang at alon sa barko nararanasan ko. Gusto kong bumalik sa Mechanical Engineering practice kaya lang parang obsolete na 'yong mga nalalaman ko dahil me kaibahan na ang turo ngayon sa mga institutions.
Sumasahod ako ngayon ng USD 6100, kaya lang "all-in" yon, meaning, umabot ng ganon dahil pinagsamasama na 'yong stand-by pay at return bonus na binibigay lang pag paalis na uli (deceiving nga itong salary scheme na 'to). 4 months ang contract kaya medyo nakaka homesick pa rin lalo na't redundant na halos ang mga trabaho.
Kung makakapasok ako dyan at sasahod ng kahit USD 3000 as starting salary, ok na sa 'kin dahil sandali lang makikita ko na uli pamilya ko.
Paki assess mo naman ako sir. Thanks a lot!
-
March 5th, 2008 10:02 PM #185
Ruff gaya ng nasabi ko before, medyo may kahirapan pumasok sa oilfield kung wala kang oilfield experience. But with your course, experience at swerte eh may chance ka yon nga lang possibility is that mag umpisa ka sa ibaba uli. Pagmakapasok ka naman, kailangan learn as much as you can and as fast as you can para di ka mababad sa position mo. Actually mas mahirap ranking ng seaman kasi you have to do reviews and exams at pagnakapasa saka maelevate sa next rank but sa oilfield wala niyan unless na mag umpisa ka as a trainee kagaya ko. Sa totoo lang, I have done all the offshore personnel training there is at pinakuha pa ako AB exam sa singapore which I also passed. You have to give it a try by applying don sa mga companies na you have mentioned na nag rerecruit offshore. Pwede ka naman sa drillship though sa pagkakaalam ko may sariling crew ang barko at ang drilling but the mere fact na nandon ka na rin, pwede mo take ang opportunity to learn more about the mechanical aspects ng drilling.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 15
March 30th, 2008 07:12 AM #186thanks jeanpierre! totoo ba itong mga job offers sa rigzone? nag try na kasi akong mag apply pero i haven't heard anything from any company. siguro di talaga sila naghahire directly pag baguhan pa sa oilfield.
is it really advised for one to already have secured certificates in BOSIET, HUET, and some sort of a basic oilwell drilling familiarization training before he applies to offshore jobs? sagot ba ito dapat ng kompanya?
me mga nabasa ako sa forum na ito na kalakasan ngayon ng hiring kahit sa mga baguhan dahil sa boom nga ang exploration activities ngayon at marami ring mga nagreretire na tumanda na sa offshore pero i have continuously and religiously read the Manila Bulletin sunday edition pero wala naman akong nakikitang hiring para sa mga baguhan. kalimitan ang kinukuha nila eh yong mga experienced na. am i missing something? baka meron kayong alam dyan na kompanya na talagang naghahire ng "oilfield dodos", pakishare naman mga sirs!
thanks a lot again! sir yebo, baka pwede mo akong maging trainee rig mechanic o referral man lang sa isang company. hehe. thanks!
-
March 30th, 2008 11:42 AM #187
Just a simple question lang po sa mga nag 28/28 or 3months/1month..
Compensated ba yung off (R&R) nyo? For example, if your monthly base salary is 4,000 USD, you will also get 4,000 USD when you are on R&R? or is the base pay normally smaller?
-
April 4th, 2008 05:02 PM #188
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 354
April 4th, 2008 05:32 PM #189
bro sa pagkakaalam ko depende sa company
yung iba kahit naka R&R may bayad pa din, yung iba naman wala nga bayad pero medyo malaki naman ang rate kaya parang compensated na rin kahit nasa bakasyon sila.
by the way OFW rin bro, kaya medyo marami na rin nakasabay na mga taga Oil & Gas.
-
April 12th, 2008 12:32 AM #190
I'm back....
Sa case ko ay 1:1. Pag 28 days ka sa worksite ay 56 days ang salary mo then plus two days travel allowance. This rotation ay di bumalik back to back ko kaya extended ako ng 1 week kaya 70 days plus 2days ang nauwi kong compensation. Maraming other benefits pa sa oil and gas, like monthly production bonus, yearly bonus, safety bonus, end of service award, etc..
Replaced with the Pilot Sport 5 na ata, but the available sizes aren't yet as broad as the PS4.
Finding the Best Tire for You