sir, nakita ko tong ride niyo for sale sa sulit..sayang at nakabili na ako bago ko napansin yon...anyway, sir nabanggit niyo yong ac mechanic ng van niyo na gumawa na sinabi niyong kinombine niya parts ng delica........pwede niyo ba ako reto don sir?............kailangan talaga ayusin yong ac ng bago kong nabiling lumang l300...pinapaayos ko sir e..salamat po..............
mga masters, nag hahanap ako ng bullbars wrap around my L300 baka may alam kayo..prefer ko yong stainless..thanks..
Mga sirs, may ma-recommend ba kayong auto shop that do diesel change oil and basic PMS? Sa QC-banawe area sana or somewhere near that vicinity.
Out of warranty na kasi yung L300 namin and balak ko sa labas ng casa na lang ipa-service.
TIA.
medyo mabagal yong l300 club mag repy...asan na ba kayo ..gisinggggggggggg.............
Sir mukhang nabasa ko na din yan. Compressor lang ata ang linagay sa L300 galing sa delica. Better na lang siguro bumili ng bagong compressor kesa kumuha ng surplus na compressor galing sa delica. Ang modification siguro pang likod na aircon ng L300 e gawin ito na yokohama type. Yan ang next na project ko sa VV namin. Ang prob ko na lang e yung upholstery nya kung saan ko papakabit para hindi litaw yung tubings kapag nakamount na sa ceiling. Kila mang mario ko na siguro pakabit kapag nakabili ako. Ano nga pala consumption ng gas VV mo? Balak ko din kasi na palitan ng carb ito na pang kia b1 carb o yung pang suzuki kasi medyo malakas sa gas yung sa akin e. Ayaw ko naman ipasakal.
up to now, wala pa din binago sa design ng L300.
pero matibay talaga ito, dami kong gamit '88 model gas variant pa. ni minsan di ako tinirik at talagang pang byahe ito.
yung nga lang hinde talaga ito pang city driving kasi sunog pwet mo sa makina sa init.![]()
Join narin ako ha! Bago lang ako dito L300 din ride namin ng family ko. Kakahilamos lang niya, bina-buffing pa lang nga eh! hehe.. Sunod pag tapos nun papalagyan na namin ng racing decals sa both sides, front & back. Pinopormahan ko para ma-distinguish siya from others van na ang tingin sa L300 ay delivery van. Kasi para sakin, kung ano meron ka makuntento ka sa nagyon & kung posible pormahan mo. Yung iba nga may magagandang auto pero barubal humawak ng manibela, mamahalin nga oto wala namang road & traffic knowledges. Ngayon tapos na nga hilamusan plano ko, sunod body decals, install new tint (3M), buy HID conversion headlight set & buy 15"-16" mags, saka na sounds pag maayos na labas.. visual muna bago, audio..hehe! With God's help & wil, we will make this happen. Sa dami ng plan ko, pray for me guys!
New pics. are to follow on my profile..
MABUHAY!!!
DRIVE SAFELY!!!
^^ Good afternoon sir TheBonafide,
Just one advice sir. Don't overdo your vehicle as it may it look ricey.
You may add a few aesthetic modifications in it but please sir, know the limits
Just keep it simple & clean, most important is be proud of it, and I`m sure, it will outrun any L300's there.
Oh, and one more thing, you may add some things in it that can be used in the future ( i.e. carrier, bullbars, rear stepboard, rain visors and stuff )
Just my advice though.
I'll take your advice sir Renzo with all due respect.. I used to be a bullbar fan but after i've read some forums discussing the positivity & negativity of having a bullbars, I realized na medyo may negative effect ang bullbars, but i'm not saying that i'm nt a bullbar fan now. Nagdadalawang isip lang ako. May rain visors na'ko, may amplifier na rin sana ako (Alpine) pero tinanggal muna namin dahil walang pwesto pag naglagay ng speakers sa likod. The ride that i'm talking about is an L300 FB, hindi po pala versa van. Kaya gusto ko siya bigyan ng "character" & ma-distinguish from other FB..
Thanks sa tip sir Renzo. I appreciate your inputs very much. Sana pala walang discrimination dito porque't versa van o FB "lang" ang mga ride ng iba dito. L300 is a one hell of a "workhorse". And additional info. po mga sir sa ride namin, kung hindi natanggal yung hose sa radiator hindi pa sana kami tumirik kahit kailan! Yes medyo madali siya uminit, pero hindi pa sana tumirik nun kung hindi lang nahugot yung hose nga sa radiator. Believe it or not! No major probs. awa ng Diyos!
Thanks ulit sa input it is surely absorbed!
God Bless!!!
DRIVE SAFELY!!!
ma pafs tanong ko lang kung delikado ba sa L300 natin ang may play na o umaalog na centerpost?
Mga kapatid, I would like to humbly ask kung normal lang ba sa L300 ang parang ugong na tunog sa makina pag tumatakbo na ng halos 100 km/h.. Wala namang kalampag o pangit na tunog, yung parang medyo nag-iiba lang ang tunog ng makina pag umi-100 na ang takbo. Wala din siyang unusual na vibration. Talagang parang ugong lang or nag-iiba ang tunog ng makin. Normal lang ba yun? Ganun din ba L3 niyo pag umi-100 na ang takbo?
Salamat sa mga sasagot!
Nah. No discriminating whatsoever. Promise.
After for so many years, the FB is still going strong, which I doubt if any other vehicle can do, with obviously applying too much work.
Other options may be :
Replace the gauges
Replace the steering wheel
Add power windows
Add keyless entry
Add a nice HU with the IPOD ready function
Replace the rims
.....![]()
[SIZE="3"]Newbie quey lang.. Ano ba ang standard o default offset ng L300 VV & FB both front wheel offset & rear wheel offsets? Pareho lang ba offset ng VV & FB? Pareho din ba offset ng mga gulong sa harap & likod?[/SIZE]
TIA!!!
Sir ask lang ako kakabili ko lang ng L300 versa van gas engine 92 model ok porma at interior ang problema ko konsumo sa gas wala ako alam na ganun pala kalakas sa gas ito bsta binili ko dahil klangan ko agad ng family van. Para sa akin ok ang L300 malaman ko lang sana pano ko mamomodify ang makina para tumipid kahit konti ayoko naman pagalaw ang jet sa carburetor hihina hatak e any suggestion guys ayoko na benta kasi to nagagandahan na ko sa porma nito e
Congrats sir sa bagong kuhang L3 mo! Just give it a T.L.C. wala kang magiging prob. it'll give & serve you long-lasting years!!!
Kung yung ibang car model thread dito they're showing-off their vehicle. Tayo namang mga may L3 let's post & show our sturdy & very durable ride..
POST pics. of your L300 either VV or FB & let's show force.. :sumo:
What will be the best solution to improve the air-conditioning of our L300 VV?
Dapat di nag o-overheat during traffic sa tanghali kahit bilad sa araw malamig ang loob at di nag ooverheat pag paahon.
Hello Guys! Newbie lang ako dito sa forum, but we have our L300VV since 1997 pa (but it is a 1991 model), It was a very good car/van and all it needs is TLC. Pero meron kong problem, meron kasin bumasag nung 2 tail lights nung van, i was wondering where i could get a replacement that is of quality but a cheaper cost. Nakakatakot kasing bumili sa banawe baka galing sa chop-chop yun, sa casa naman ng mitsubishi napakamahal. Hoping to hear from the gurus here soon! Thanks and Cheers!