i almost got my montero gls v 2015, virgil gray, today!
habang papunta na sa dealer kanina [20 kms from our home kasi medyo malaki ng kaunti discount nila kesa sa iba], at habang nag aantay ng masasakyan ng halos 1 hr na kasi puno mga taxi....saka tumawag si agent na di pa clear check [managers check] sa banko!!! ....at higit sa lahat...last day ng bank transaction today at wala ng pasok tom.
The other day kasi, nagdeposit ko ng 18k para sa chattel using my personal check, wala namang question si agent at yung accounting dept nila about sa resibo ng bank na pinadala ko sa kanya thru viber. kaya on the ff day [yesterday], nagbayad ko ng full down [30%] using managers check sa account nila hoping na mas madali ang transaction kesa personal check gagamitin. send na rin resibo ng deposit thru viber. akala ko madali lang ma clear kasi good as cash na yung mc...
yun ang mali ko, nagdeposit ko mc...nagmagandang loob pako...kailangan pa pala ng clearance...tumagal pa tuloy pagkuha ng sasakyan....kahit abut tanaw ko na sya na nakadisplay sa tabi at ready na for release. na check ko lang sya sandali kasi kailangan na rin umalis dahil may mga pasok pa.
vinerify ko mabuti kung anong bago sa 2015...maganda 8" monitor nya [from 7"],at may kasama na ring tire monitoring system. meron din syang DRL at rear spoiler. yung drl standard na rin kahit sa glx.
habang malungkot na umuuwi at sinabayan pa ng matinding trapik...napansin ko na lang sa likod na may sumusunod na montero virgil gray sa aming taxi. at di lang natapos dun, hanggang sa pag uwi ko sa bahay may ganun ding kulay ng montero ang nakaharang sa taxi namin...para bang nang iinggit!!!
sayang ang bakasyon. commute uli. maghihintay na naman ng matagal [1 week] hanggang sa ma clear cheke
mahigit 1 month na rin ko nag aantay ng 2015, kasi di nakapag release unit nung end of dec. kaya bago pa lang magsimbang gabi, dumaan ang christmas at new year....wala pa ring sasakyan. at ayoko na paabutin ng chinese new year/valentines...
moral of the story...pay in cash sa bank o sa dealer [not check] o kung mc sa dealer.
pay check kung di ka nagmamadali sa pag release ng sasakyan at kung di magkakaroon ng matagal na holiday para ma clear nila.
di kasi sinabi ng dealer na kung check pambayad at idedeposit sa bank, kailangan pa ng 3 days clearance...at ganun din pag nagdeposit ng mc. sa kamalas malasan nagkataong bakasyon na naman.
nung friday afternoon kasi nagsabi si agent na darating unit in 4 days time [yesterday]. ang problema, tuwing monday at tues busy schedule ko kaya sa iba ko pinaayos transaksyon sa banko.
kasi din, yung previous bank ko [other bank] nung nag car loan ko, di nako nagbigay ng down sa dealer. yung bank ko na bahala dun... auto debit pati down...
well... hard lesson learned!!!