Hello sir, ano ba itsura ng nakuha mo? Sakin kasi yung parang kulduroy na Silver, medyo cheap tignan pero oks lang sakin kesa wala. Naiinitan kasi ako kapag walang nakalagay na seat cover. BTW, GLX MT yung sakin, 6month old. Tina-try ko din minsan sumilip sa mga ibang Monty na naka park or nasasaktuhan ko na may bumababa or nag oopen ng door nila para masilip yung kanila and mukhang parehas din nung sakin yung mga ibang nakikita ko. So I assume na yun talaga or ganun talaga yung itsura ng free seat cover.
Sa tint naman, concern ko din yan na ang nakalagay sa papers eh 3M yung brand ng tint na kasama pero yung full windshield ko lang ang may nakikita ako na nakasulat na 3M. Yung husband ng pinsan ng asawa ko, sa Izusu nag wowork and one time nung dumalaw kami sa kanila may nag lalagay ng tint sa auto nya, installer daw nila yun ng tint sa branch nila and nakita ko na 3M yung nilalagay nya dahil nga may naka sulat na 3M. Tinanung nya yung tint ng auto ko, sabi ko sabi sakin ng dealer 3M pero wala naman ako makita na 3M aside dun sa nasa windshield. Sabi nya sakin may ibang brand daw kasi ng 3M na wala talaga nakalagay, parang korean or something daw. Mahahalata mo daw yun kung kapag hinawakan mo tapos makapal. So pinacheck ko sa kanya yung sakin, sabi nya 3M nga daw yun, original. So there, ang importante sakin eh hindi kukupas, so far ok naman sya. HTH![]()



Reply With Quote



Try to check this
