OT: there's nothing wrong with magtanim. I have friends who are, in essence, farmers. And they are better off than most people who have white collar jobs.
OT: there's nothing wrong with magtanim. I have friends who are, in essence, farmers. And they are better off than most people who have white collar jobs.
dagdag ko rin sa OFW advice section;
a. courage and heart - if you plan to be an OFW, make sure you have plenty of them. if you don't have now, nurture them. sabi nga nila, maraming naloloko pag nawalay sa pamilya. maganda na ngayon meron ng libreng tawag thru internet, dati approx 100 SR/5 mins (circa 80).
b. credibility - you have to preserve this for longetivity.
c. do your best - even a smallest thing of your work, get it done correctly and efficiently. people around you (especially you superior) will notice when contract extension comes... hehehe
d. flexibility - will be able to adapt in any circumstance, be it in your work environment, time and people around you.
e. don't step on others while "climbing the ladder" or else they will pull you down.
f. others - refer to previous posts.
naalala ko yan mga pinoy din nagbebenta nyan sa Jeddah noong araw extra income din ng mga kabayan na napatungo sa mga establismento.
ang hirap talaga ang buhay noong araw sa middle east mabubuwang ka pag di ka marunong i suppress ang homesick mo ang libangan mo lang noon eh sports. I remember dahil sa homesick ko natuto akong maglaro ng cricket pero ngayon lalo na sa mga technology na naglalabasan ang laking tulohng nito maibsan ang iyong lumbay.
kaya kung kailangan mo talagang umalis go go go go....
at marami din naging ME OFWs noong araw na kahit mababa lang ang sahod ay lumarga pa rin... dahil sa sugal - dito sila kumikita ng malaki (mga hustler talaga) at yung talagang trabaho nila ay bale yun ang sideline.![]()
nung nagsisimula pa lang ako mag abroad sabi ko sa sarili ko 2 yrs lang at babalik na ako pinas , pero hanggang ngayon after 9 yrs di pa rin ako makabalik balik ng tuluyan sa pinas. habang lumalaki ang kinikita lumalaki din ang gastos at dumadami ang umaasa sa iyo. dami ko na kasamahan sumubok makipagsapalaran ulit diyan sa pinas pero di umubra mga negosyo nila at nagkautang pa so karamihan o halos lahat balik pag aabroad ulit. maraming sakripisyo talaga ang mag abroad, di mo makikitang lumalaki mga anak mo at ang napakasakit nun di sila ganun ka close sau. mabuti nga ngayon may internet na so napakadali na ng communication, minsan napapaisip ako hanggang kailan kaming ganito, nakakasawa na, pero pag inisip mo ang mga taong umaasa sau wala ka na ding magawa. kaya ako dinadalasan ko na lang uwi hanggat may pagkakataon, pasalamat na din ako at within asia lang ako nakabase so madaling umuwi.
Sarap basahin ang thread na to. Ang dami kong natutunan. Sakripisyo talaga ang mag-work sa ibang bansa. Kaya kailangan na disiplina, sipag at tiyaga ang laging pairalin. At wag kalimutang magdasal. Importante ito.
Bago pa lang ako dito sa M.E. at 2 taon pa ang bubunuin ko.![]()