
Originally Posted by
5Speed
halos lahat ng pros and cons eh nasabi na ng iba nating kasamahan na OFW dito sa Tsikot.....
Mahirap talagang mawalay sa pamilya pero mahirap din namang nakikitang nagugutom o naghihikahos ang iyong pamilya... The choice is yours kapatid...me mga OFW na sinuswerte at minamalas, oo kapatid,mahirap talaga ang mawalay sa pamilya,may mga time na nalulungkot ka pag silay naaalala,at tama ka din mas maganda na yon kaysa naman magutom pamilya mo or matigil sa pag aaral mga anak mo...
Para sa akin ang isang napaka-importanteng aspeto ay ang malakas na relasyon, pag-uunawaan at komunikasyon ng isang nangingibang bansa at ng kanyang mga mahal sa buhay para maiwasan ang mga di kanais-nais na mangyayari sa isang pamilya. Dito nakasalalay ang maganda o magulong kinabukasan ng isang mag-anak. Pangalawa lang ang masinop na pangangalaga ng pananalapi.