New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 106

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #1
    dagdag ko rin sa OFW advice section;
    a. courage and heart - if you plan to be an OFW, make sure you have plenty of them. if you don't have now, nurture them. sabi nga nila, maraming naloloko pag nawalay sa pamilya. maganda na ngayon meron ng libreng tawag thru internet, dati approx 100 SR/5 mins (circa 80).
    b. credibility - you have to preserve this for longetivity.
    c. do your best - even a smallest thing of your work, get it done correctly and efficiently. people around you (especially you superior) will notice when contract extension comes... hehehe
    d. flexibility - will be able to adapt in any circumstance, be it in your work environment, time and people around you.
    e. don't step on others while "climbing the ladder" or else they will pull you down.
    f. others - refer to previous posts.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #2
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    dagdag ko rin sa OFW advice section;
    a. courage and heart - if you plan to be an OFW, make sure you have plenty of them. if you don't have now, nurture them. sabi nga nila, maraming naloloko pag nawalay sa pamilya. maganda na ngayon meron ng libreng tawag thru internet, dati approx 100 SR/5 mins (circa 80).
    sir Danny ,grabe pala rate noon araw ..ang laki non hah



    elem pa. yata ako non ..hehehe

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #3
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    sir Danny ,grabe pala rate noon araw ..ang laki non hah
    elem pa. yata ako non ..hehehe
    Tsip Boeing, wala pang card phone dati puro coins tapos meron ka pang "gunner" dahil mas mabilis ang pasok ng coins kaysa salita mo...hehehe.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #4
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    Tsip Boeing, wala pang card phone dati puro coins tapos meron ka pang "gunner" dahil mas mabilis ang pasok ng coins kaysa salita mo...hehehe.
    naalala ko yan mga pinoy din nagbebenta nyan sa Jeddah noong araw extra income din ng mga kabayan na napatungo sa mga establismento.

    ang hirap talaga ang buhay noong araw sa middle east mabubuwang ka pag di ka marunong i suppress ang homesick mo ang libangan mo lang noon eh sports. I remember dahil sa homesick ko natuto akong maglaro ng cricket pero ngayon lalo na sa mga technology na naglalabasan ang laking tulohng nito maibsan ang iyong lumbay.

    kaya kung kailangan mo talagang umalis go go go go....

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #5
    at marami din naging ME OFWs noong araw na kahit mababa lang ang sahod ay lumarga pa rin... dahil sa sugal - dito sila kumikita ng malaki (mga hustler talaga) at yung talagang trabaho nila ay bale yun ang sideline.

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #6
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    at marami din naging ME OFWs noong araw na kahit mababa lang ang sahod ay lumarga pa rin... dahil sa sugal - dito sila kumikita ng malaki (mga hustler talaga) at yung talagang trabaho nila ay bale yun ang sideline.
    hahaha nabaligtad...ang malakas din kumita diyan ay iyon nag papasugal pag malakasan ang taya na mas lalo lumalakas ang "Tong " kung mga 500 sa isang gabi lang ay payat iyon..dami nga daw pwede isanla noon alahas ,stereo ,relo na mamahalin

  7. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,113
    #7
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    at marami din naging ME OFWs noong araw na kahit mababa lang ang sahod ay lumarga pa rin... dahil sa sugal - dito sila kumikita ng malaki (mga hustler talaga) at yung talagang trabaho nila ay bale yun ang sideline.
    parang yong tito ko yan. nalulong sa sugal sa ME, e hindi naman sya magaling. pag-uwi, wala ring pera.. kung meron man konti, pambayad utang lang. pareho rin kalagayan nung bago sya umalis. tsk tsk gusto kong :hit:

  8. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,113
    #8
    IMO, last option na po dapat yong pag-OFW at iiwan ang pamilya dito. Kung kakayanin ng pagtatanim sa bukid(at the worst case) ang mapakain ang pamilya ng desenteng pagkain tatlong beses isang araw, at mapag-aral ang mga anak at mapagtapos ng kolehiyo(kahit hindi sa ateneo..hehe)...e di dito ka na sa Pilipinas.

    Yong ibang pagkukulang mo sa pamilya mo, bawiin mo na lang sa pagmamahal - pag-aaruga, pag-attend ng graduations/birthdays, PTA meetings, pamamasyal sa park tuwing sabado kasama pamilya, pagbabantay kapag may sakit si nene/totoy..in short, masubaybayan ang paglaki ng iyong mga anak.

    Gaya ng mga nag-OFW, higit na sipag at tiyaga lang din kahit nandito sa Pilipinas. At syempre, bawas luho sa buhay. Ang main goal mo, mapakain at mapaaral ang mga anak mo. Bahala na sila sa luho nila pag may trabaho na sila.

    Advise sa mga gusto mag-OFW?

    Napakahirap iwanan ang pamilya. On the other hand, pag nandun na, napakahirap din iwanan ang trabahong nakasanayan na at nagbibigay sayo ng limpak limpak na salapi buwan buwan. Lalo na kung ang alternative ay one low-paying job sa Pinas o kaya pagtatanim.

    BUT, make sure you always prioritize your family. I'm sure, they are the reason why you opt to be an OFW in the first place, but there may come a time(sana hindi dumating) when you need to choose between their welfare(not the financial one) and your high paying job abroad. Aanhin pa ang madaming pera, kung napapariwara na ang pamilya? Lagi kasing nasa huli ang pagsisisi.

    In short, Contentment lang po sana.

    If you really need to be an OFW, then keep all these pieces of advice posted here.
    Last edited by swordsman; August 18th, 2006 at 10:02 AM.

  9. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #9
    Quote Originally Posted by swordsman View Post
    parang yong tito ko yan. nalulong sa sugal sa ME, e hindi naman sya magaling. pag-uwi, wala ring pera.. kung meron man konti, pambayad utang lang. pareho rin kalagayan nung bago sya umalis. tsk tsk gusto kong :hit:
    Ganyan po talaga ang buhay ng mga OFWs (lalo na sa ME). Minsan nga uuwi na lang, nagsusugal pa, at may pagkakataong natatalo... Mayroon ngang malaki na ang suweldo, kaso gusto pa ring mag-sideline,- nagbe-brew ng 'sadike',- nahuli,- kalaboosh! Ewan ko kung anong nangyari... Mushkela!

    Kaya ingat lang. At kung maaari, sundin ang batas ng bansa at huwag magbibisyo. Kaya ka pumunta roon ay para magtrabaho, hindi para ilarga mo ang luho sa katawan...

    Isa pa, may ilan sa ating mga Pinoy/Pinay na nasa ibang bansa ay umaastang 'binata'/'dalaga'.... Tsk tsk... kawawa rin naman ang mga naiiwanan sa Pilipinas....

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #10
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    Tsip Boeing, wala pang card phone dati puro coins tapos meron ka pang "gunner" dahil mas mabilis ang pasok ng coins kaysa salita mo...hehehe.
    sabi din ng uncle noon araw bigat daw ng pants niya before sia pumunta sa booth ,papalit daw sia ng puro coins ,ayaw cguro mabitin sa tawag,kaya dami reserba,kahit may sand storm hindi daw mapigil sa sobra homesick

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #11
    nung nagsisimula pa lang ako mag abroad sabi ko sa sarili ko 2 yrs lang at babalik na ako pinas , pero hanggang ngayon after 9 yrs di pa rin ako makabalik balik ng tuluyan sa pinas. habang lumalaki ang kinikita lumalaki din ang gastos at dumadami ang umaasa sa iyo. dami ko na kasamahan sumubok makipagsapalaran ulit diyan sa pinas pero di umubra mga negosyo nila at nagkautang pa so karamihan o halos lahat balik pag aabroad ulit. maraming sakripisyo talaga ang mag abroad, di mo makikitang lumalaki mga anak mo at ang napakasakit nun di sila ganun ka close sau. mabuti nga ngayon may internet na so napakadali na ng communication, minsan napapaisip ako hanggang kailan kaming ganito, nakakasawa na, pero pag inisip mo ang mga taong umaasa sau wala ka na ding magawa. kaya ako dinadalasan ko na lang uwi hanggat may pagkakataon, pasalamat na din ako at within asia lang ako nakabase so madaling umuwi.

  12. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #12
    Sarap basahin ang thread na to. Ang dami kong natutunan. Sakripisyo talaga ang mag-work sa ibang bansa. Kaya kailangan na disiplina, sipag at tiyaga ang laging pairalin. At wag kalimutang magdasal. Importante ito.

    Bago pa lang ako dito sa M.E. at 2 taon pa ang bubunuin ko.

  13. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #13
    [QUOTE=WeaponX;625175].
    Kaya kailangan na disiplina, sipag at tiyaga ang laging pairalin. At wag kalimutang magdasal. Importante ito.
    Bro.WeaponX..Tutuo iyan ,pero wag mo din kalimutan ang mag bao ng maraming PACENCIA(hindi iyon Biscuits)

    Bago pa lang ako dito sa M.E. at 2 taon pa ang bubunuin ko.
    wow..congrats,sandali lang iyan two years ang bilangin mo lang iyon Payday.after mo maka one year mas lalo pa bibilis iyan ,baka kung kaylan ka due for vacation gusto mo naman mag extend pa ..hehehe
    BTW.saan ka sa ME?

So gusto mong maging OFW?