I was in the same predicament three years ago. Yes, it was because of my training sa Europe kaya may contract..medyo unfair dahil work related naman yung byahe at saka ibabalik mo din sa company yung natutunan mo..pero kailangan din nilang gawin dahil protection din nila..paano nga naman kung ipapadala ka tapos pagbalik mo resign kaagad..sayang naman yung investment sa iyo..

Ilang buwan na lang tapos na yung contract ko, kaso may opportunity talaga na di pwedeng palampasin, what I did was gumawa ako ng resignation letter tapos may another letter ako na ginawa sa company na sinasabi ko na "I am forced by circumstances" na kailangan ko na talagang magresign kahit na alam kong may contract ako, sinabi ko na yung sweldo ko ay hindi na kayang buhayin yung pamilya ko. Sinabi ko rin sa sulat na lahat naman ng natutunan ko sa training na binigay nila sa akin ay naishare ko na sa mga colleagues ko at ginawa ko naman lahat ng best effort ko before I tendered my resignation. Sinabi ko rin na alam ko na may contract ako sa kanila at may bond, I asked for reconsideration at sinabi ko na kahit gusto ko man silang bayaran ay wala din talaga akong pera.

Di naman sumagot sa akin at hindi na rin nila dinemand na bayaran ko yung bond. Pero yung ibang kasamahan ko na basta na lang nagresign at di na nagpakita at ni walang turnover na ginawa..yun ang hinabol..nagbigay ng demand letter pero ang balita ko..wala rin, di na rin nagpursige yung company namin..kasi pagaaksayahan pa ba nila ng panahon yung ganong bagay?

yun nga lang dapat aware yung lilipatan mo sa situation na yon..kasi pag nagverify sila dun sa company lalabas na hindi maganda ang exit mo..pero kung ok lang sa susunod mong employer at aware naman sila sa set-up na yon oks lang...

ganyan sinabi ko sa current employer ko bago ako lumipat at ok lang sa kanila..