Sa mga howto videos na napanuod ko kasi yung Plexibond hinahalo dapat sa semento bago itapal sa pader. Yung ibang pang-waterproof din kailangan i-scrape off yung lumang paint bago i-apply. Eh itong pader namin kasi hindi kininis kaya parang mahirap yatang ma-scrape off ang lumang pintura. O kaya pa rin bang tanggalin ang pintura sa hindi makinis na wall para mapahiran ng pang-waterproof? Ano ang magandang gamiting pang waterproof?
Ano pa ang ibang paraan? Ang pintura kasi sa loob ng bahay nagkakaroon ng parang mapa. Akala namin sablay lang ang pagkakapintura pero recently may nakita kaming crack sa finishing na may tumutulong konting tubig pag matagal na umuulan.
Isa pang tanong should I be worried sa structural integrity ng pader na ito?