May probinsya sa Batangas na tinayuan ng planta kaya kailangang tabunan at tanggalin ang lahat ng punongkahoy don sa site. Subalit don sa gitna ay may isang puno ng talisay na marami na ang nag-attemp na putulin pero lahat ng equipment na gagamitin nila ay either di gumagana or namamatay pag puputulin na. Kaya ang ginawa nila ay hinayaan na lang yong puno at tinabunan na lang ng lupa hanggang kalahati para mapantay yong lupa. Kaya ngayon andon pa rin yong puno.

Ilang taon pa bago itinayo ang planta na yon ay may isang jeepney driver na may bigla na lang na nakitang nakasakay na isang babaeng nakaputi sa jeep nya tapos bigla ring nawala. Madaling araw ito nangyari at nag-iisa lang yong driver.

Natapos na ang planta at sa karatig baryo, ilan namang mga batang babae ang sinasama'n ng lasa at sinasabi na may nakikita silang kapre. May mga taga-ro'n na nakakakita rin sa kapre na yon. Sa palagay namin don sa tinayuan ng planta nakatira yong kapre kaya lumipat sya ng tirahan. Pinsan ko yong isang dalagang nakakakita sa kapre at minsan nga tinuturo nya sa kasamahan nya pero di naman nila makita. Di sya nasisiraan ng bait. Minsan may nakakita don sa kapre na first time lang sa lugal na yon at di sya aware na may ganong nilalang don, kaya sure kami na nagsasabi sya ng totoo. Basta ang description ay malaki raw na lalaki.