Pinay nurse patay sa chopper crash
Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated January 09, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse ang iniulat na kabilang umano sa apat na crew members na nasawi sa isang helicopter crash na naganap sa southern Riyadh sa Saudi Arabia nitong Biyernes.
Batay sa natanggap na report ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakilala lamang ang Pinay sa pangalang Rosella, habang ang iba pang nasawi ay nakilalang sina pilot Capt. Khaled Al-Dakhil at First Lt. Mandeel Al-Subaihi, mga Saudis; at Egyptian doctor na si Amjad Al-Iraqi.
Sinasabing sakay ng isang medical helicopter ng Saudi Armed Forces ang mga biktima patungo sa Hawtah Bani Tamim, 240 kilometro mula sa capital, upang sunduin ang isang pasyente nang mag-crash ito.
Hindi pa naman matukoy ang sanhi ng aksidente. Nabatid na sa Saudi, gumagamit ng medical choppers para ilipat ng pagamutan ang isang pasyente.

Well compensated si kabayan sa Saudi Government....

Sa RP government kaya?

RIP kabayan, isa kang bayani sa paningin ng mga Saudi at ng mga kapwa mo Filipino.