Quote Originally Posted by RVRSSG2.0 View Post
Yung Ate ng mom ko nakapangasawa ng Arab na napaka-bait. AS IN. tapos may anak sila dalawa. Taga-Riyadh sila. Hindi sila yung kagaya ng tumatak sa isip ng iba na masungit, bastos, at siyempre mabaho. Kabaligtaran sila. Yung tatay mabait kahit in-laws niya lang kami parang anak niya na kami kung ituring pag nandito sila. At daig pa kami sa pasikot-sikot sa Manila. Syempre magaling din mag-tagalog. Tapos yung mga pinsan ko, mababait din. Every year sila umuuwi dito.

Pansin ko lang halos lahat ng teens sa Saudi eh yung tipong walang ibang hilig kundi Hard Metal na songs, Tapout and Affliction shirts at siyempre, Mayaman. Yung pinsan ko nga eh, naka Subaru Legacy (pang mayaman na ito sa atin), pero yung mga kaibigan niya naka Land Cruiser, LX570, Porsche 911, Porsche Cayenne, etc.

Nakwento ng pinsan ko na sa Saudi pag lumaki na na ang mga pinsan mong babae, hindi mo na sila pwedeng maka-salamuha at makita ng basta basta.

At ang oras daw nila ganito, pag umaga tulog sila tapos pag gabi na, dun sila lalabas at mamasyal.

Hindi lahat ng Arabo eh mabaho, bastos at masungit. Kaya umusok ako sa inis nung nag-discuss yung Values teacher namin tungkol sa "buhay Saudi", eh saksakan naman ng racial comments yung pinagsasabi niya, naturingan pa namang Values teacher.
Ang Arabo, kapag naging kaibigan mo sila, parang kapatid na ang turing nila sa iyo.......siguro kahit naman anong lahi, meron o marami namang ganyan....me mabuti at me masama...

Ang mahirap pakisamahan e yung mga di maayos ang pinag-aralan o di nakapag-aral....akala mo laging galit kung magsalita....pero natural na pala nila yun....
Capital Riyadh, jan maraming bigtime na arabo....kaya maski bata pa makikita mo nakaCayenne na...

pagkaka-alam ko kapag tumuntong na ng 9years old ang anak na babae, dapat inihihiwalay na ito ng tulugan sa magulang o kapatid na lalaki...

Kapag niregla na, dapat me takip na ang mukha....at tama ka, di na pwede makisalamuha sa lalaki na di kapatid at tatay...bawal na....

Yun naman e kapag Ramadan, fasting sila the whole day kaya gising sa gabi hanggang madaling araw....pero kapag ordinary days, normal din lang...

Bob Marley ang paborito ng mga kabataang lalaki dito...

Sa mga babae, No idea, siguro mix na din me english at arabic....