
Originally Posted by
wicked
*mda and lamborghinione
maraming salamat sa feedback nyo po...
we have one more problem left mga fafs, regarding sales rep ng mazda mga fafs... ganito po kasi situation...
syempre lahat nman tayo gusto naten ng the best kung gagastos tayo, ang nangyare po kasi may kinausap kameng "1st branch" ng mazda then nagbigay sila ng offer, medyo ok ang binigay nilang offer so nagbigay kame ng reservation fee para sa offer nila, kasi during that time we are still considering other options like honda... so para mareserve ang offer nila sabe nila magbigay ng reservation fee kasi hanggang end of month lang nun ang offer daw na iyon... then ng nakapag decide na kame na mazda3 na talaga nag decide kame na balikan ang "1st branch" ng mazda para tingnan uli, then "napilit" nila kame na mag commit na kunin na pero hindi pa kame nagbabayad syempre... parang pumayag lang kame na sige yan na kukunin namen...
then sunod po na nangyare e sa hindi inaasahang situation nalaman namen na mas ok ang offer ng "2nd branch" ng mazda, malake difference... as in malake talaga, so syempre hindi pa naman final ang sa "1st branch" at wala pa namng bayaran na nangyayare we decided na sa "2nd branch" na bumili... then nagulat kame tumawag ang sales rep ng "1st branch" nangungunsensya na dapat daw sa kanila kame kumuha dahil nagsabe na daw kame dati at parang nag order na sila ng kotse na pag hindi namen kinuha e may babayaran daw sila na 1% each month... e baket sila nag order agad in the 1st place na wala pang natatanggap na bayad at hindi pa talaga final kasi wala pa ngang bayad...
so para maging ok ang sabe namen e tapatan na lang nila ang offer ng "2nd branch" at sa kanila na kame kukuha kasi malake ang difference at pumayag naman sila... then ang sumunod na pangyayare ang nakakairita na talaga, tumawag naman ngayon ang sales rep ng "2nd branch" nagsasabe na mateterminate daw sya pag hindi kumuha sa kanila, nagbayad din kame ng reservation fee sa "2nd branch" pero walang commitment na nangyare like sa "1st branch".
take note po na ang reservation fee ay hindi na ibabalik pag hindi ka tumuloy na bumili ng car sa kanila... ano po sa tingin nyo nangyayare? nanghahabol lang ba sila ng komisyon? medyo nakakairita kasi ginagawa nila, parang nakakawala ng gana, hindi naman siguro nmen kasalanan kung mag change kame ng desisyon kasi karapatan namen yun... sila ang nag finalize ng wala pa kameng binabayaran... ok lang sila??? any suggestion po will be much appreciated, ano dapat gawin? thanks po