New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 33 of 89 FirstFirst ... 232930313233343536374383 ... LastLast
Results 321 to 330 of 883
  1. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    120
    #321
    Quote Originally Posted by domfredrick View Post
    5. mabagal ba talaga mg-accelerate ang matic? kasi minsan mataas na rpm di pa rin ngchange gear.
    ganun din pregio(matic 2002 GS) namin at hindi ko maintindihan bakit. brand new namin binili pero underpowered. mga pregio experts ano ba maganda gawin sa ganun?

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    9
    #322
    Quote Originally Posted by drunkpunk View Post
    ganun din pregio(matic 2002 GS) namin at hindi ko maintindihan bakit. brand new namin binili pero underpowered. mga pregio experts ano ba maganda gawin sa ganun?
    bro, na try mo na ba mgtanong sa casa re sa pagiging underpowered ng pregio? ano sabi? kasi ung sa amin pag neitral abot sa red mark ung rpm pero pag umaandar na, hnggang 3000rpm na lang. bakit kaya?

  3. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #323
    try mo pa advance or adjust injection pump or cable sa gas pedal

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #324
    mga sir, regarding your concerns kung underpowered ang makina ng pregio? actually hindi, design talaga ang makina to haul 10 or more than 10 pa nga na tao. Ang pick up ng torque ng makina nasa 2.2 to 2.5rpm doon mararamdaman yung lakas ng makina at hindi ka ibibitin kung nandun na ang rpm mo.

    yung pregio ko 98 model manual tranny malakas naman sa akyatan syempre iba pa din ang naka turbo mas makaka-overtake.

    suggestion ko lang para mapalakas ang hatak pacheck nyo ito

    1. injection pump
    2. nozzle (baka hindi na maganda ang pagdaan ng diesel dito)
    3. pressure plate sa transmission (baka may slip na kaya hindi tugma ang binibigay ng makina sa transmission)


    kaya tumakbo ng 140kph ang pregio basta maganda ang condition ng makina. sa sctext napatakbo ko ng 135kph ang pregio ko nasa near 4K ang rpm

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #325
    Quote Originally Posted by domfredrick View Post
    Sirs,

    kinuha na namin Pregio. Una namin ginawa, nagpalit ng radiator - 3 rows na.. hanggang less than half pa rin gauge pero di na lumalagpas dun at madaling lumamig.

    iniuwi ko na siya sa Nueva Vizcaya last week, Friday night. I will post here some of my observations and then kindly tell me if normal o hindi ung mga na-observe ko sa pregio namin. and advice also kung ano pwede gawin para ma-improve ang performance. btw, matic ung sa amin, 2.7.

    1. top speed ko 100kph lang, sagad na talaga. saka lang lalagpas pag pababa.kahit naka-floor na ang gas pedal hindi umaabot sa more than 100kph ang speed? kung ganyan bro pacheck mo injection pump malamang sinakal yan kaya pigil ang pasok ng fuel
    2. starting - minsan bigla na lang ayaw mgstart. parang loose contact siguro kasi ok naman redondo - 1 click nga lang at mabilis lang mgstart.check mo wiring sa injection posible loosen lang yun lalo na yung may mga connection
    3. mahina sa akyatan - hanggang 40kph lang pag umaakyat. worried ako kasi 3 lang kami nksakay nun, pano na kaya pag puno kami.injection pump ang problem dito katulad ng una mong sinabi na top speed ay 100kph
    4. regarding sa mahina umakyat, hndi kaya kailangan na mgpalit ng clutch disc (di ko alam equivalent nito sa matic eh). or baka pwede rin ung sinasabi nila na palinis ng drum brakes?
    5. mabagal ba talaga mg-accelerate ang matic? kasi minsan mataas na rpm di pa rin ngchange gear.

    i need ur inputs guys. so far, medyo satisfied ako sa pregio - malamig aircon at roomy siya. problem ko lang is ung kahinaan ng makina lalo na at sumasagad kasi takbo at power eh. Thanks in advance.
    so far sir ang nakikita ko na problem ay sa injection pump, yung mekaniko kaya niya pahinain ang hatak ng makina, may inaadjust siya sa injection pump para humina o lumakas ang fc

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #326
    sir esnie wala ako ma say sa manual trans ng pregio talagang powerful but sa matic hehehe parang ala din presure plate clutch disc ang matic kaya rebuild ulit ng matic trans hehehe

  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    9
    #327
    Quote Originally Posted by Esnie.com View Post
    so far sir ang nakikita ko na problem ay sa injection pump, yung mekaniko kaya niya pahinain ang hatak ng makina, may inaadjust siya sa injection pump para humina o lumakas ang fc
    salamat sir esnie. try ko pa check injection pump. any suggestions kung san reliable na talyer? at kung mgkano?

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #328
    Quote Originally Posted by domfredrick View Post
    salamat sir esnie. try ko pa check injection pump. any suggestions kung san reliable na talyer? at kung mgkano?
    try mo sa jobstar. sila mismo gumagawa ng kia, expert sila dito. tawag ka muna 09279741944

  9. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    25
    #329
    Quote Originally Posted by Esnie.com View Post
    Sir madali lang malaman kung uneven ang brake hub o yung bakal na plate. salatin mo lang ng daliri kung pantay ang surface o malubak, kung malubak- resurface lang gagawin dyan. kung gusto mo malaman kung the same ang thickness ng dalawang front brake hub mo sukatin mo ng caliper ang thickness.

    may brand ng brake fluid na ang recommendation nila for replacing ay 1yr yung iba naman 2yrs, sa case ko naman bleeding lang ang ginagawa ko para lang mapalitan ang luma na nasa wheel cylinder or sa break master.
    * bluwave, pwede rin makinis o pantay ang surface ng disk mo pero warped (deformed) naman o hindi na direcho, nangyari na ito sa ride ko dati na kia pride. sa simpleng tingin sa side ng disk ay makikita mo kung deformed ito o hindi. itanong mo sa mekaniko mo kung magkano magpa-REFACE (sa machine shop ito ginagawa kaya mahal), baka naman mas mura pa na bumili ng surplus.

    sa brake fluid naman, malabo ang water contamination, mauunang mag-leak ang brake fluid bago mapasukan ng tubig ang system. mahirap naman din ang mag-total drain ng brake system. tulad ng sabi si sir esnie, magpa-bleed ka na lang regularly, say every six months o kasabay ng change oil mo.

  10. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    25
    #330
    Quote Originally Posted by Esnie.com View Post
    clutch fan ito yung fan na nakakabit mismo sa water pump. sabay ang ikot nito sa rpm ng engine. dun sa pinagkakabitan ng elisi, ayun ang tinatawag ng clutch. nilalagyan ng silicon oil yun kapag maluwag ng iikot ang blade o elisi.
    na-gets ko na ang sinasabi mo. ang rad fan pala natin ay hindi basta-basta umiikot, kumbaga e bumubwelo pa ito, langis sa clutch ang nagko-control sa pag-andar nito. ang advise sa akin ng mekaniko ko ay gawing permanent ang pag-ikot nito para mag-improve ang cooling, bale maglalagay ng bracket para ma-connect ang fan directly sa mounting plate para ma-bypass ang clutch. marami daw gumagawa nito. isa pa para ma-ensure ang good water circulation at cooling ay tinanggal niya ang thermostatic valve (para maging free-flowing ang circulation ng tubig). pag nag-fail kasi ang valve na ito siguradong mag-o-overheat ang engine natin. (nangyari ito sa honda civic ko dati).

Kia Pregio [merged]