New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 34 of 89 FirstFirst ... 243031323334353637384484 ... LastLast
Results 331 to 340 of 883
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    25
    #331
    Quote Originally Posted by Esnie.com View Post
    yes sir ikakabit na lang yang evercool na rad na pang pregio, tignan mo din baka yung clearance naman ang magkaproblem kung 4rows ang kukunin mo, pero yung 2 rows salpak lang talaga.

    bukas ang goodgear kapag sunday up to lunch time lang
    sir esnie at sir aga, eto naman ang sad story ko regarding radiator: na-research ko ang isang gumagawa ng replacement radiator para sa ating rides, Radphil ang company. So kinontak ko ang planta at dahil sa magandang in-house price nila ay nag-decide ako na ang brand na lang nila ang bilhin (impressive din kasi ang website nila at madalas ako malapit sa area nila). eto ngayon ang problema, kahapon nang ikakabit na namin ang 3-row rad na bago HINDI magkasya dahil malapad ang radiator nila (kaya sala din ang mga mounting holes). before that napansin din ng mekaniko na pilipit ito, bale hindi aligned ang top at bottom part ng radiator. isa pa, mukhang may dugtungan sa bandang gitna ng top ang bottom parts na pwedeng ang ibig sabihin ay repaired ang ibinigay sa akin o re-processed ito galing sa ibang model o stock na hindi talaga para sa kia pregio natin. isosoli namin ito bukas kaya sana lang ay ibalik na lang nila ang pera ko.

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #332
    Quote Originally Posted by chiefmagz View Post
    na-gets ko na ang sinasabi mo. ang rad fan pala natin ay hindi basta-basta umiikot, kumbaga e bumubwelo pa ito, langis sa clutch ang nagko-control sa pag-andar nito. ang advise sa akin ng mekaniko ko ay gawing permanent ang pag-ikot nito para mag-improve ang cooling, bale maglalagay ng bracket para ma-connect ang fan directly sa mounting plate para ma-bypass ang clutch. marami daw gumagawa nito. isa pa para ma-ensure ang good water circulation at cooling ay tinanggal niya ang thermostatic valve (para maging free-flowing ang circulation ng tubig). pag nag-fail kasi ang valve na ito siguradong mag-o-overheat ang engine natin. (nangyari ito sa honda civic ko dati).
    kung benefits ang pag uusapan mas maganda talga kung clutch fan kasi mas doble ang ikot ng blades kumpara sa naka-rekta na yung blades. marami nga gumagawa nito usually yung mga nagtitipid pero ang disadvantages ng naka rekta yung blade kapag natrapik doon makikita na tataas ang temp kaya yung iba naglalagay pa ng aux fan sa rad.

  3. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #333
    Quote Originally Posted by chiefmagz View Post
    sir esnie at sir aga, eto naman ang sad story ko regarding radiator: na-research ko ang isang gumagawa ng replacement radiator para sa ating rides, Radphil ang company. So kinontak ko ang planta at dahil sa magandang in-house price nila ay nag-decide ako na ang brand na lang nila ang bilhin (impressive din kasi ang website nila at madalas ako malapit sa area nila). eto ngayon ang problema, kahapon nang ikakabit na namin ang 3-row rad na bago HINDI magkasya dahil malapad ang radiator nila (kaya sala din ang mga mounting holes). before that napansin din ng mekaniko na pilipit ito, bale hindi aligned ang top at bottom part ng radiator. isa pa, mukhang may dugtungan sa bandang gitna ng top ang bottom parts na pwedeng ang ibig sabihin ay repaired ang ibinigay sa akin o re-processed ito galing sa ibang model o stock na hindi talaga para sa kia pregio natin. isosoli namin ito bukas kaya sana lang ay ibalik na lang nila ang pera ko.
    evercool na lang ang bilin mong brand, sigurado ka pa sa quality at sure na kakabit na lang kasi yun ang ginagawa ng evercool, kinokopya nila yung design ng rad ng car then yung rad nila ang magiging replacement.

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #334
    naku sabit yung sa kia pregio ko 3 rows evercool user friendly plug and play walang ka sabit sabit,, kahit evercool na 4 rows kasya,,

  5. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    17
    #335
    mga sirs,

    saan pwede makabili/hingi/hiram/copy/download ng user manual ng pregio gs '97? tsaka saan ang magandang talyer for pregios sa may alabang/sucat area? first diesel ko ito.

    salamat.

  6. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1
    #336
    Good pm po

    meron po akong KIA PREGIO... 2nd hand n namin nabili un . plano sana namin palitan ng makina ..2L turbo b ang pwede..at kung saan sa banaue makkabili ng mura.. pwede b sa subic? nabasa ko kasi mura makina sa subicpls advice poh

  7. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #337
    Quote Originally Posted by mitch_03 View Post
    Good pm po

    meron po akong KIA PREGIO... 2nd hand n namin nabili un . plano sana namin palitan ng makina ..2L turbo b ang pwede..at kung saan sa banaue makkabili ng mura.. pwede b sa subic? nabasa ko kasi mura makina sa subicpls advice poh
    naku sir baka madaming convertion ang gagawin nyo kung magchange kayo ng ibang engine.... mura talaga sa subic kasi free port at tax free pa.

  8. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    3
    #338
    mga sir ask ko lang kung saan pwede makabili ng harness for my 97 model pregio. tumirik sya sa flyover yon pala nasusunog na mga wires pati negative and postve batery wires nya. ok lng kahit surplus. ty po

  9. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #339
    Quote Originally Posted by Abe buyacao View Post
    mga sir ask ko lang kung saan pwede makabili ng harness for my 97 model pregio. tumirik sya sa flyover yon pala nasusunog na mga wires pati negative and postve batery wires nya. ok lng kahit surplus. ty po
    sir anu cause at nasunog mga wirings? dapat fuse muna ang masira before masunog ang wires.

    afaik wala naman nabibili na harness except for grounding kit, pwede mo dalin saan man na electrical shop na kilala mo para ma-rewire nila ulit at macheck ang cause.

    keep us posted sir, malaking tulong yan para hindi mangyari sa ibang owner ng pregio.

  10. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #340
    sir baka over ang amp ng mga fuse mo at saka baka mga lokal ang fuse kaya di nag cu-cut off mag cacause talaga ng sunog yan o baka naman ang nasunog eh yung fuse box malapit sa tuhod natin? btw sunog na din pala fuse box ko kaya naka hiwalay na lahat ng fuse hehehe

    meron din pala tayong mga fuse sa malapit sa battery mas delikado yun kaya di ako nagbubuhos ng tubig sa battery dahil maselan yung mga fuse dun

    naranasan ko na yun total black out kuryente ng pregio ko

Kia Pregio [merged]