New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 80 of 90 FirstFirst ... 3070767778798081828384 ... LastLast
Results 1,581 to 1,600 of 1783
  1. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1581
    kamusta na picanto owners?

    galaw galaw guys

  2. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    4
    #1582
    new owner of A/T picanto here. any tips to improve FC?

  3. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1583
    Currently averaging 8.5km/l. Very very poor mileage at 3,000kms

    Hope it improves, but I'm no longer expecting...


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  4. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,442
    #1584
    Grabe nakakahiya.naman yan 8.5km / liter for a mini car. CRV ko 13 years old na pero 7km/liter. ano ba nangyari dyan sa Kia gasoline line-ups lahat gas guzzler. Shortage, rio, and now picanto.

    Sent from my iPad using Tapatalk

  5. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #1585
    bakit kaya ganun ang kia. ganda sana ng year 2012 sakanila, eto lang panira, FC issues

  6. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1586
    Overall it's a very nice and comfortable car.

    Tingin ko kaya malakas sa gas kasi mabigat ang kaha, if you knock on the panels, makapal lahat.

    Matic, mabigat and 15 inch stock wheels.


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  7. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    1,646
    #1587
    hala pati ba naman picanto...anu na nangyayari sa kia ...ok na sana kaya lang ang pinoy sadyang concern yan sa FC...gwapo pa naman lahat ng line up nila...sayang naman

  8. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    4
    #1588
    despite what I read in this thread about FC issues, bumili pa rin kami ni misis ng 1.0 AT picanto last friday. sa looks department, talagang ok sya. and in my opinion, maganda sya overall and satisfied pa naman kami sa pinapakita nya in terms of performance. ilang araw pa lang naman kasi. kinakabahan lang talaga ako sa FC consumption nya. but i'm still hoping na magi-improve FC nya after break-in. wala pa akong actual computation sa FC pero ang naikakarga ko na na fuel is 2.5k at ang naitakbo ko is 294 kilometers na. may laman pa naman ang gas tank ng more than half ayon sa gauge. daily ko sya ginagamit.

    guys, kung sino man ang may experience na nakapagpa improve ng FC nya sa picanto AT nya, baka pwedeng mag share naman. ty

  9. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    21
    #1589
    *Hivemind

    Paconfirm naman specs ng rims mo bro. Nagpalit kasi ako ng rims to 15x6.5 ET40 pero protruding sa body yung gulong at may slight rubbing sa likod kung may tao sa likod. From the pic that you posted, parang ok sha. TIA.

  10. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    9
    #1590
    Hello guys, update na din ako tutal nabuhay ulit yung thread. Nasa 1700KMs na yung sakin at FC is 11-12 KM/L using manual computation. Yung onboard computer reads 7.4-8.5 depende talaga kung traffic or hindi.

    Hindi ako expert pero tingin ko FC would not depend on the car alone. Kelangan din siguro natin check kung pano natin i-drive yung sasakyan.

    Don't get me wrong, di ko sinasabing mali pagmamaneho nyo. Minsan talaga napapatapak tayo sa gas pag nagmamadali =D

  11. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1591
    Quote Originally Posted by filmblender View Post
    Hello guys, update na din ako tutal nabuhay ulit yung thread. Nasa 1700KMs na yung sakin at FC is 11-12 KM/L using manual computation. Yung onboard computer reads 7.4-8.5 depende talaga kung traffic or hindi.

    Hindi ako expert pero tingin ko FC would not depend on the car alone. Kelangan din siguro natin check kung pano natin i-drive yung sasakyan.

    Don't get me wrong, di ko sinasabing mali pagmamaneho nyo. Minsan talaga napapatapak tayo sa gas pag nagmamadali =D

    Hi Bro, medyo parehas tayo ng consumption when i was at the same mileage as yours, medyo nag-iimprove ako ngayon nung lumagpas ng 3,000kms. naglalaro from 8.5 to 9km/l

    To think na ang pasok ko is 1PM to 10PM, wala masyado traffic sa edsa papunta and pauwi.. usually Fridays lang ako nata-trapik

    I brought it once sa tagaytay 3 passengers, nakuha ko 12km/l lang no traffic, although medyo hirap sya paakyat so more power is used.


    Still hoping na lumagpas sya ng 10km/l... kahit 12 lang masaya na ako.

  12. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    9
    #1592
    *cal0i

    Manual ba yung sayo or automatic? So pwede pala siya i-akyat ng Tagaytay. Subukan ko nga din.

  13. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1593
    Quote Originally Posted by filmblender View Post
    *cal0i

    Manual ba yung sayo or automatic? So pwede pala siya i-akyat ng Tagaytay. Subukan ko nga din.
    Matic bro. And yes, kaya naman nya makarating ng tagaytay. In my case medyo puno pa ;)

  14. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    100
    #1594
    hi all,

    sorry di na ako nakakapost. daming ginagawa sa opisina. break ko ngayon so pwede ako magreply hehe.

    some updates lang sa Picanto. kakalampas ko lang ng 4500KM mark 2 weeks ago. last FC via manual calculation ko is 15KM / L. i'm very happy with this car i hope na gumanda din FC ng mga ibang owners. i noticed na yung mga A/T owners lang yung medyo hindi masaya sa FC nila. I already anticipated na mas-magastos talaga sa gas ang A/T kesa manual kaya M/T ang binili ko. A/T cars generally have bad FC compared to their M/T counterparts. I bought the Picanto with the intention of saving Gas money so I made it a point to get the 1.2 M/T variant. That way I can get better power to weight ratio (in my mind at least). To be honest, all I know was that an M/T car would save more gas than an A/T variant.

    Question lang, ano gas gamit niyo sa Picanto niyo? I always filled up with XCS and didn’t have any problems with it. For my last fill, I tried Shell Fuel Save. Personally, masgusto ko talaga ang Shell so I just gave it a try against my usual XCS. Napansin ko na maslumakas hatak niya. I first attributed it to passing the 4500KM mark. Pero nung naubos Fuel Save ko, nagpa-gas uli ako using XCS. Napansin ko na humina hatak nung kotse. Ano experience niyo sa iba’t ibang gas?

    As for akyatan, walang problema ang 1.2 m/t variant. Naikayat ko nan g antipolo (last month) and tagaytay (just this weekend). No problems with inclines. Just be sure to be in the right gear during the right time. Kakayanin pa ng 3rd gear kung may bwelo pero halatang kelangan na mag-shift down before hitting the peak. I suggest staying in second or first.

    Gherule, di ko na matandaan ang specs ng mags ko bro. the only info I can give you is that I’m using my stock rubbers. Meaning halos parehas lang ang specs ng mags ko from stock. I opened my tyre calculator and ang last na naka-save na specs is 6.5 inches ang width, diameter is still 15 (like stock), my offset is at 28. Medyo lumabas ang wheels ko pero overall eh hindi naman mexi-flush ang dating. No rubbing issues as well for either front and rear wheels. Naka-lowering springs pa ako and never had to experience rubbing. I’ve never “loaded” the back of the car though. Hanggang 3 passengers lang ako since pina-lower ko ang kotse.

    By the way, nagdevelop ng weird clicking sound ang kotse ko. Napansin ko na lumalabas lang ang tunog kapag naka-andar ang aircon at naka-idle ako. Kung tinapakan ko ang gas, nawawala din ang sound. Parang nanggagaling sa loob ng dashboard eh. Anyone has this clicking sound as well? Tolerable siya (mahina) pero once na marinig mo, di mo na maalis ang sound sa isip mo.

    Lastly, may nahanap akong nagbebenta ng NEFD kits sa SULIT. Search ni ang NEFD at lalabas dapat ang account ni Alexhan. Kaya niya i-import from Korea for a cheaper price compared sa mag-order from Korea mismo. Gusto ko sana pero wala akong budget. FYI lang in case may gusting kumuha 

  15. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    21
    #1595
    Thanks for the info Hive!

    Regarding sa FC, naglalaro din FC ko from 14-15km/l usually with 2 passengers (btw, 1.0L variant gamit ko). Mukhang interesting ung Shell Fuel Save experiment mo ha. I will try it mag may budget. Sa clicking sound, narinig ko na din sha pero pag nasalabas ako ng kotse. Hindi ko pa sha narinig habang nasa loob ako. Siguro dahil mahina nga sha. I saw the seller Alexhan sa sulit. Sana ok na seller pero sana may seller na ng factory side skirt natin.

  16. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1596
    Guys kamusta ang front suspension nyo?

    At 3k kms, may onting rattling/vibrating sounds na akong naririnig..

    Baka ibalik ko na for warranty


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  17. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    100
    #1597
    gherule, yup.. mukhang aircon nga. probably the condenser? gusto ko sana paayos pero kaya ko pa naman tiisin. ang gusto ko lang iwasan is baklasin nila ang dashboard ko para mahanap yung tunog lol. parang nasa loob kasi eh :P good (or bad?) to know na hindi lang pala ako ang nakakapansin nito haha!

    cal0i, i had trouble with my front suspension nung nagpalit ako ng springs. naayos naman to nung pinalitan namin yung rubber stopper. ngayon wala na akong problema. tahimik pa rin ang kotse. dalhin mo na lang for warranty and balitaan mo kami kung ano meron sakaling ma-experience din namin yan

  18. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    100
    #1598
    may mga bago akong pics. matagal nang nakatambak sa laptop. ngayon ko lang na-edit at pinost hehe.








  19. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    162
    #1599
    Quote Originally Posted by hivemind View Post
    may mga bago akong pics. matagal nang nakatambak sa laptop. ngayon ko lang na-edit at pinost hehe.







    Ganda! Simple lang pero madating!

    Anong next target upgrade mo bro?


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  20. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    100
    #1600
    salamat pre

    actually marami akong gustong gawin pero wala lang talagang budget. kung mas may pera pa sana haha.

    anyway, eto gusto ko gawin eventually:
    1) papa-buo ko na yung tint ko sa windshield. sa ngayon hati pa siya eh. (asa 2500 ata to kung gusto ko ng magandang tint)
    2) leather seat covers (6K sa Leather 1. may alam pa ba kayo na cheaper? subok na kasi namin ang Leather 1 eh)
    3) papalitan ko soundsystem ko. habol ko is simple SQ. (HU, separates and amp lang. no need for subs i think. unless nagutom ako hehe)

    externally, parang wala na akong gustong galawin eh. baka ayusin ko na lang yung drop niya. mababa kasi yung likuran at mataas ang harap. after nun, gusto ko rin sana lagyan ng black glossy vinyl sa bubong (inspiration from the Sonata). medyo di lang ako sigurado kasi baka magsisi lang at ang magmukhang rice habang tumatagal. simpleng sideskirt atsaka front and rear chin siguro. nothing flashy na mukhang pang racing, gusto ko malinis eh

    kayo? ano plano niyo? kelangan muna umani ng pera haha!

Kia Picanto [Merged]