IMO masyado na kasi marami yun stock chrome trims ng Sportage, pag dinagdagan pa medyo OA na.
Kayo na magsabi, maganda ba tingnan 'to?
Pero syempre personal preference yan, pag puno ng chrome yun sasakyan at maganda para sa paningin ng may ari, wala akong magagawa. Siguro sa paningin ng ibang tao maganda rin, kung pareho ng taste.
Pero wag dapat masaktan kung may magsasabing baduy ang sasakyan sa dami ng chrome, mukhang hardware na kasi. Kinakahiya ko yung mga Tucson na ganyan, lalo na yun kaparehong variant pa nung sa akin.
BTW, palagi ako may nakakasalubong na Sand Track na may "K" badges.... Napapa-ibig na rin ako dun sa badges.....
