
Originally Posted by
joshua_ching
Binili ko yung polisher ko sa Ace Hardware nung mag-sale sila last month. Bosch ang brand at multi-speed. Kailangan e multi-speed, kasi masyadong mabilis ang ikot nung single speed lang at baka magasgas ang paint job mo (although palagay ko e hindi naman). P3,900 + ko nakuha pagkatapos ng 10% discount, at additional yung binili kong velcro-polishing disc at saka foam. Ang husay at recomendado ko! Mga dalawa o tatlong gamitan mo nito sa Carens mo e katumbas na nang pagpapa-detalye sa shop, kaya bawi ka kagad ng puuhunan dito.
Ang galing, tanggal lahat ng water spots sa body at saka sa mga windshield at side mirrors. Bumili ako ng liquid rubbing compound ng 3m, inihalo ko sa tubig at saka Turtle Wax para di masyadong matapang ang rubbing compound at ini-spray ko sa body/windshield...tapos niratsada ko na nang polisher. Karaniwan madaling tanggalin, pero may mga bahagi na mahirap tanggalin ang water spots kaya pinaulit-ulit ko. Yung mga shops e "kerosene" ang ginagamit na liquid, pero natatakot ako na gamitin ito kasi baka mabakbak ang pintura, di naman ako "pro". Okay lang ang tubig ang ihalo, kaysa sa kerosene..