This is also the reason why Isuzu is replacing the current 2.5 with their new 1.9 Blue Ddi engine. Smaller engine with more power operating at lower RPM = better overall performance as compared sa 2.5 as evident on the video during their launching and another thing... they also paired it to a 6 speed transmission.
So this also shows na even it's small less stress ang engine dahil it's able to cruise at lower RPM contrary to a common belief na mas stress ang small high output engine.
What's interesting to know is ilang RPM kaya sa cruising speed na 100KPH ng 3.0 VGS?![]()
Specific ba yung fuel gauge ng mux natin? Kasi kakaiba yung range eh.. Nung unang full tank nasa 410 tapos 430.. Dahan dahan umaakyat hangang 560 tapos.. Bumaba na yung meter.. Nasa 560 parin.. Kanina bumagsak bigla ng 310 yung range..
Wala bang nanghuhuli ng overspeeding kapag Sunday? Marami-rami na rin kasi akong friends na nahuli bukod sa penalty seminar pa.
Ako nga one time nag-alangan sa SLEX kailangan ko iwasan biglang nag bagal sa maximum allowed speed yung nasa harap ko alanganin din ako biglang mag preno kaya iwas sa kanan kaso may parating din kaya napatakbo ko ng 110kph para maka-iwas pag dating ko sa dulo ng exit after ng toll gate pinatabi ako laking gulat ko sabi sa akin overspeeding daw sabi ko kelan at anong speed? Sakto pala may naka-speed gun kung saan ako umovertake. Naki-usap ako ayaw pumayag kung ayaw ko daw magpa-ticket tatanggalin daw plates ko so ticket na lang. Nung tubusin ko sa LTO sa Lipa kinausap ko yung chief nila para mag paliwanag sabi sa akin pasensya na po Sir talagang mahigpit yung mga deputized patrol meron din nga daw hinuli na nag reklamo dahil 105kph lang takbo nya.
So from then on ingat na lang ako, mahirap nang ma-isahan sa pangalawang pagkakataon. Mabait naman yung chief nila pinapasok pa ako sa ofc nya at nag offer ng kape... buti na lang masarap yung kapeng Batangas nakakawala ng sama ng loob Hehehe...![]()
Wala naman humuli sakin. Mas mahigpit yata sila dun sa pa north na part kasi yung isang office mate nahuli sa may luisita exit 130kph. May mga naka bigbike na 200kph sigurado ang takbo ewan ko lang kung nahuli sila. Nung nag slow down na ako to around 100 to 120 may mga dumadaan na mabibilis din may bmw at audi na magka convoy hataw din. Nahuli ako ng overspeeding sa macapagal, nung wala pang construction, Sunday ng tanghali muntik ko pa mabundol ang walang hiyang mmda TE humarang sa daan naka dipa parang nakikipag patintero. Sorry po sa ot...
Btt, so far wala naman issue sa MuX ko. Wala ako na experience dun sa suspension sa ride side kahit nalulubak ako. Pantay naman ang tunog.
Gearing plays a big factor in fuel economy. I think the final drive gear of the current 2.5 Manual MUX is at 4.1 and the Automatic is at 3.9.
Assuming IPC will use the same transmission on the 3.0 MUX, mas malakas ang fuel consumption nito vs those equipped with the 2.5 4JK1-TC Hi.
Here's a photo of the 1.9Ddi Dmax testing in Thailand.
120kph at 1950 or 2000 rpm so sa 100kph baka mga 1600 rpm lang sya.
![]()
Last edited by aar0nix; November 8th, 2015 at 07:03 PM. Reason: Typo
Bro please try this as an experiment: isampa mo sa bangketa both right side wheels, then ibaba mo sya pakaliwa habang naka quarter or full turn yung steering wheel. Dun lumalabas yung knocking/thud sound sa mux ko. Then usually pag right turning at uneven yung daan like sa entrances ng gasoline stations or parking lots, rinig na rinig yung thud.
Yup ganun na nga. Walang sound kapag lapat ang gulong, pero yung mga instances na biglang bagsak, like pag habang tumatakbo tapos biglang may cut yung kalye at babagsak ang gulong (pero pag dahan dahan at mababa lang na bagsak walang sound). Hirap explain haha.
Eto mods muna ng kaunti. Fogbreakers for Hi beam.
![]()
Estimate lang yung range, sa long drive medyo accurate yung estimate. It adjusts based on an average rate of consumption computed ng computerbox vs remaining amount of fuel.
My observation pag 1/2 mark sa gauge with MID usually around 35-38 liters consumed na.
Pag 1/4 mark, around 15 liters remaining. Pag umpisa na ng blinking yung fuel bar 5 liters remaining.
Sir sa akin nman habang nag break.in ako of my 2 days old MU-X LSA kanina yung fuel meter ko nasa just a little below 1/4 pag akyat ko sa steep hill biglang umilaw ang fuel amber light tapos mga .5 kilometers biglang nag flashing yung meter at all of a sudden wla na akong makitang graph ng fuel level tumabi nlng ako sa road side at bumili nlng ako ng fuel sa pinaka malapit na fuel station. My point is nahirapan ako mag estimate sa fuel guage kase nga eratic yung pag baba ng meter.
Nice yan. Osram and PIAA lang ang may tiwala ako na performance halogen bulbs. Philips mabilis kasi mapundi.
I'm currently using PIAA ArrowStar Whites on lowbeam and high beam, but going hid retrofit soon. Gusto ko yung mailawan ko 4 na lanes ng nlex. Malakas kasi ako mag byahe.
![]()
Sa Blade Timog ko nabili last year 2399.75 yung h11, 2499.75 yung HB (hb3 or hb4 pwede). Yes medyo mahirap na nga makahanap nito. Try mo PM PIAA Philippines sa fb baka may stocks pa sila.