New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 6 of 41 FirstFirst ... 234567891016 ... LastLast
Results 51 to 60 of 404
  1. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    43
    #51
    Mga tsikoteers,

    May issue yung LX ko, isang beses kasi nagda-drive ako siguro 15 minutes pa lang from start, bigla nalang akong namatayan ng makina...yung tipong parang bigla nalang na-off yung kotse at umilaw na yung mga dashboard lights niya...

    Ini-start ko ulit, at umandar naman kaagad ang makina. Tinapakan ko yung accelarator at nag-rebolusyon ako. Pero nung binitawan ko na ang silinyador, namatay na naman...parang nawala yung menor niya...ginawa ko 'to mga 3-4 beses to no avail...

    napilitan nalang tuloy akong itulak ang kotse ko sa tabi ng kalsada para hindi maging sagabal sa trapik...pinapahinga ko ng konti, siguro after the 13th try, ayun napa-andar ko na ulit ng maayos...bumalik na yung menor niya...tumuloy na ko sa pagdrive at nakarating naman nang maayos sa aking destinasyon...

    ano kaya naging problema dun?

    bago nga pala yung carb ko (surplus) tsaka nagpa-timing na rin ako a few months back...

    nakakatakot tuloy dalhin itong kotse kasi baka mangyari ulit sa akin sa hiway at madisgrasya pa ako...ano ba mai a-advise ninyo, mga katsikot?

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #52
    Quote Originally Posted by immersiondepth View Post

    bigla na lang namatay? try mo magpalit ng fuel filter, linis sparkplug (gamit ka carb cleaner at steel brush), iset mo ng tama ang air/fuel mixture ng carb mo. ganyan din nangyari sa akin. usually pag eratic idling, sparkplug at fuel filter ang unang inaayos, paghindi nawala dun, carb na. kaso, ang mahirapn lang magpalit sa lx natin ay yung fuel filter, sa ilalim ng kotse sa likod. unless nalang kung pinalagay mo sa under hood para no hassle ang pagpalit. nag DIY ako nun, nilagay ko na sa ilalim ng hood para hindi mahirap palitan.

    nga pala sir, magakano bili mo sa 2nd hand carb mo at saan? sana pinatune up mo sa m2m sa kamuning para sure ball ka an ok.

  3. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    43
    #53
    Quote Originally Posted by menggoy View Post

    taga-Cebu kasi ako boss kaya more than P5K ang nagastos ko sa surplus carb (inclusive of shipping costs from Manila)...sige, try ko magpalit ng fuel filter tsaka yung sparkplug niya, papalinisan ko na rin gaya ng advise mo...how about yung ignition coil niya, ok pa kaya ito? hindi pa kasi napapalitan eversince...

    thanks sa reply, boss!

    edit: tsaka nga pala boss, pa'ano ba mag DIY ng paglinis ng carb using carb cleaner? ty!
    Last edited by immersiondepth; December 6th, 2011 at 12:54 AM. Reason: added add'l query

  4. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #54
    Quote Originally Posted by immersiondepth View Post
    taga-Cebu kasi ako boss kaya more than P5K ang nagastos ko sa surplus carb (inclusive of shipping costs from Manila)...sige, try ko magpalit ng fuel filter tsaka yung sparkplug niya, papalinisan ko na rin gaya ng advise mo...how about yung ignition coil niya, ok pa kaya ito? hindi pa kasi napapalitan eversince...

    thanks sa reply, boss!

    edit: tsaka nga pala boss, pa'ano ba mag DIY ng paglinis ng carb using carb cleaner? ty!
    5k, pwede na. kung may redondo, tingin ko ok pa ang ignition coil.
    buksan mo yung lagayan ng airfilter, may makikita ka dung bilog na may screen, tanggalin mo yun para makita yung carb. sprayan mo muna ng carb cleaner yung mismong carb. hintay ka 5 mins tapos buksan mo makina mo.mapapansin mo medyo hirap mag start makina, tapakan mo lang ang accelerator para mabigyan ng gas ang carb.

    pag nagstart na, bugahan mo ng carb cleaner yung mismong carb. dapat may katulong ka na mag tatapak sa accelerator habang binubugahan mo ng carb cleaner para hindi mamatayan ng makina. pero kung alam mo yung fuel screw (facing the engine sa left side sa baba ng carb), pwede kahit ikaw lang mag rev ng makina habang binubugahan mo ng carb cleaner.

    ang purpose ng pagbuga ng carb cleaner habang bukas ang makina ay para madaling pumasok sa loob ang carb cleaner para malinis. pwede na mga 5 sec na continouos spray ng carb cleaner (3 times mong gagawin habang bukas makina). pero linisin mo muna sparkplug mo bago ka magspray ng carb cleaner.

    sa paglinis ng sparkplug, kelangang malamig ang makina para iwas disgrasya (madaling ma loose thread ang pinagkakapitan ng sparkplug kapag pinilit tanggalin habang mainit ang makina at napakalaking gastos ito pag kaganon). alalay lang sa pagtanggal ng plug, sprayan mo ng carb cleaner ang tip nito( dun sa bandang may thread ). gamit ka ng steel brush para madaling matanggal ang carbon. may standard gap rin ang sparkplug. gawin mong .043 inch ang gap para sa civic lx natin (search ka na lang sa youtube). wag mo masyadong higpitan ang pag balik sa plug. tamang hand tight lang, wag na wag mong pwersahin sa paghigpit.

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    43
    #55

    naku sir! napaka-comprehensive naman nitong instructions mo, maraming salamat dito! siguradong malaking tulong ito sa mga newbie na katulad ko...

    saludo ako sa inyo, keep sharing!

  6. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #56
    Quote Originally Posted by immersiondepth View Post
    naku sir! napaka-comprehensive naman nitong instructions mo, maraming salamat dito! siguradong malaking tulong ito sa mga newbie na katulad ko...

    saludo ako sa inyo, keep sharing!
    salamat at nakatulong, post nalang po kayo ng problems nyo dito at mga ise share nyo about sa civic lx natin. tayo tayo nalang ang magtutulungan dito. try kong sagutin ang mga problema sa lx natin, kami lang kasi ng tatay ko ang nag aayos ng lx namin, mahal kasi pag pinagawa sa labas.

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    43
    #57
    Quote Originally Posted by menggoy View Post
    salamat at nakatulong, post nalang po kayo ng problems nyo dito at mga ise share nyo about sa civic lx natin. tayo tayo nalang ang magtutulungan dito. try kong sagutin ang mga problema sa lx natin, kami lang kasi ng tatay ko ang nag aayos ng lx namin, mahal kasi pag pinagawa sa labas.
    tama po kayo jan, boss...bukod pa sa mahirap na mahagilap ang mga shop na magaling mag-troubleshoot ng mga old models ngayon...

    'wag po sana kayong magsawang tumulong...thanks!

  8. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #58
    pag may problema sa carb natin, dalhin nyo sa m2m kamuning. maraming positive feedbacks dun. bago mag pasko, papalinis ko carb ko dun at magtatanong tanong kung ano ang mga tips nila about sa carb natin, kung paano i-troubleshoot. postko kagad dito pag nakapunta na ako.

  9. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #59
    mga idol, pwede nyo bang ipachange ang name ng thread natin? gagawin sanang honda civic LX users. nag message na ako sa isa sa mga kanila, pero wala pa rin. baka lang may kilala kayong moderator na pwedeng ipapalit ang name ng thread natin.

  10. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #60
    [size=4]TIPS WHEN BUYING A CAR[/size]

    * syempre unang titingnan ay yung makina. kelangan maganda ang takbo.
    * one click start kagad
    * smooth ang takbo ng menor, hindi gumagaralgal.
    * walang tagas ang mga fluids (break fluid, power steering fluid)
    * walang tagas ang radiator

    when engine is on...
    * kunin ang dipstick,dapat hindi umuusok at halos walang nagtatalsikang oil
    * buksan ang radiator cap (kabubukas lang ng engine para iwas paso), dapat hindi bumubulwak ang tubig at hindi kulay milo
    * if power steering, steer it from left to right ng ilang beses baka kasi may play na cv joints (maingay kasi pag may play na,mas maganda kung ittry mong idrive, din kasi talagang malalaman)
    check nyo baka sliding clutch na (walang kahatak hatak na yan,pag aakyat sa 2nd floor hirap na hirap na)
    * buksan ang engine, nasa neutral ang kambyo
    * taas ang emergency break
    * ilagay sa 5th gear (pwede ring 4th gear o 3rd gear)
    * unti unting irelease ang clutch
    * pag namatay, hindi pa sliding ang clutch. (mahal kaya magpalit ng pyesa non at hindi pwede 2nd hand)

    * kelangang ok pa ang gulong (di pudpod)
    * may spare tire na same size rin sa 4 na gulong mo
    * may jack na kasama
    * malamig ang aircon
    * all gauges are working,lights, check nyo rin wipers from mild, moderate, fast
    * if power window, icheck nyo rin lahat.

    kung may mga napansin kayong sira at tolerable naman, pwede nyong ipabawas ang mga gagstusin nyo. nasa usapan nayan. kung medyo malaki ang sira at kayang kayan nyong ayusin, tawaran nyo ng malaki, sabihin mo yung ang normal na gastusan sa ganung problema.

    dagdagan ko nalang pag may nakalimutan ako.
    pwede nyo pa pong dagdagan ang mga nilagay ko.

    ......................

    pag kayo naman ang nagbebenta, iwas sa pekeng pera.
    at todo ingat para maiwasan ang nangyari kay venson evangelista.

Page 6 of 41 FirstFirst ... 234567891016 ... LastLast
[Renamed] Honda LX users thread