Results 151 to 160 of 404
-
February 14th, 2012 04:05 PM #151
tama si sir darkhorse, check mo muna yung mga yun. pati yung contacts ng ground mo, sakin dati biglang di nagstart, medyo maluwag lang ang ground, nung hinigpitan, nagstart na. pag walang redondo, baka loose contact or sablay na starter, pag may redondo pero ayaw mag start, sa supply ng gas o sa kuryente. check mo muna fuel filter mo baka luma na, palitan mo ng bago. check mo resistance ng spark plug wires mo gamit ang tester, (yung akin nabili ko lang sa cdrking na P120)kabit mo sa magkabilang dulo ng sparkplug wires, set mo sa resistance, dapat di lalagpas ng 25,000 ohms ang reading.
about sa sparkplug, may mga pics na akong nilagay sa page 17 for reference natin. dapat properly tuned talaga ang carb para effecient unlike sakin (loose thread na kasi ang auxilliary idle mixture ng carb ko,pero compared sa magtaxi,mas matipid parin sakin), sakin nga lagpas 1 year na sparkplugs ko di ko pa pinapalitan, ok pa naman sya. di pa kasi rounded ang electrode kung saan dumadaan ang kuryente, yun kasi ang basehan. check nyo nalang yung pics para mas madaling intindihin...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2012
- Posts
- 32
February 14th, 2012 10:31 PM #152sir may redondo, nakapagpalit na pala ko fuel filter yung orig. nakapagpalit na rin pala ko ignition coil.. ok sir yung carb hindi sya lunod. na-check na din resistance ng mga plug wires, ok naman. nag.check ako boltahe sa wires connected sa distributor 12v measured sa isang wire yung black with yellow trim. nag-check ako service manual kaso pang-efi. ask ko lang mga sir, may igniter ba distributor natin?
-
February 15th, 2012 03:04 AM #153
check mo lang muna starter, panoorin mo sa youtube kung pano malaman ang working na starter, check mo to...
quick test starter motor - YouTube
dapat tuloy tuloy ang ikot (pag natanggal na syempre).sa pagtanggal, merong 3 bolt o turnilyo yan 14-15mm ata. dapat may extension yung socket mo kasi yung isa kapaan lang para matanggal,meaning di mo makikita yung mismong bolt at malalim sya. madali lang naman magtanggal kabit ng starter.pag ayaw matanggal bastabasta, wag mo pwersahin, baka ma loose thread. konting pukpok ng martilyo, tanggal. ganun ng ganun lang para matanggal yung mga nakastuck dun sa bolt. sa sobrang katagalang di natatanggal, mahirap talagang tanggalin. update mo nalang ulit dito sir.
-
February 15th, 2012 04:18 AM #154
May igniter yung distributor natin. And FYI pla, andun sa igniter ang RPM sensor natin. Tinanong ko to sa isang electrician. YUng RPM readings ko kse di na sya accurate so kakahanap ko ng RPM gauge nkakita ko ng electrical specialty na shop. Ayun sa mga gnwa nilang honda na kamodel nung sten, wala daw nakahiwalay or external sensor yung RPM. Nasa loob tlga sya ng igniter, so ibig sbhn pag nagloloko RPM gauge mo kelangan mo na palitan yun.
-
February 15th, 2012 06:17 AM #155
check mo rin battery mo baka sumasablay na. dapat ang reading nyan 12.4-12.6v pag nakapatay, 12.6v ang ideal nyan. pagmababa sa 12..4v, hirap na talaga magstart yan. gamit ka digital multi-tester tapos kabit mo sa battery, dapat nakatapat sa 20v (dc) yung tester or any volt na mas mataas sa 15v (wag naman masyadong mataas). dapat may isang magpapa andar sa makina,yung isa titingin sa multitester, mapapansin mo, bababa yung voltage nyan pagmag-i-start na tapos babalik sa dating voltage sabay magcha-charge na. ganyan din yung akin, 12.6v, nung pinai-start ko, nag read ng 11.9 sabay taas uli papuntang 12.6v. 1 second lang sya sa 11.9v
-
February 15th, 2012 07:26 AM #156
sa manual ng lx natin carb at efi, punta na lang po kayo dito (credits kay sir darkhorse for the manual)
https://emerson.sendthisfile.com/5WV...IsBgMenZaA1cqZ
-
February 15th, 2012 06:24 PM #157
nice to see this thread still around! sir menggoy, darkhorse musta ang LX natin? dami rin pala naka LX.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2012
- Posts
- 32
February 15th, 2012 10:48 PM #158
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2012
- Posts
- 32
February 15th, 2012 10:53 PM #159thank you sir.. yun ba yung may apat na wires sa loob ng distributor? hindi kasi sya kamukha nung mga nasa efi eh.. nag-try kasi ako na i-start oto ng tanggal ang spark plugs.. pansin ko eh madilaw yung spark, sa pagkaka-alam ko kasi di ba dapat bluish white yun. alam nyo ba sir panu i-check kung ok pa igniter?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2012
- Posts
- 32
Interesting thread—really important to consider the broader impact of the National ID Law beyond...
National ID Law