nangyari din to sa akin last October nung nagrenew ako ng license ko. Nahuli kasi ako nung 2007 for Yellow Lane Violation along EDSA sa may Cubao. Hindi ko kasi alam na may separate lanes for light vehicles kung pupunta ng Cubao Ibabaw, kaya yun nahuli ako. Ginawa nung MMDA officer e nag-issue na lang ng ticket, then bayaran ko na lang daw sa Metrobank. He was also kind enough to tell me to keep the a copy of the deposit slip kasi daw baka magka-aberya sa pagrerenew ng license. Binayaran ko agad yung ticket sa Metrobank 2 days after na mahuli ako.
At yun nga! Nung nagrenew ako last October, nagulat ako at nakaflag pa din yung license ko sa MMDA! Sabi ng LTO officer e pa-clear ko daw sa MMDA head office. Buti na lang sa Ayala MRT station ako nagrenew ng license ko nun at malapit dun sa head office ng MMDA. Buti na lang at tinago ko din yung deposit slip ko as proof na nasettle ko na yung violation ko, so nagtatak lang sila ng papel na cleared na ko. Nung bumalik ako sa LTO, sabi sa akin nung officer, buti tinago ko yung resibo ko, kasi kung wala yun sisingilin pa ulit ako. Doble kita pa ang mga mokong!
Point ko lang e bakit pa nila ginawa yung ticketing system na yun kung hindi rin nila iki-clear agad yung record mo? Aside from that, may mga nakausap ako dun na mga drivers din na nagpapa-clear ng violation na hindi nila nagawa (aside dun sa mga talagang violators. may nakita pa ako dun pinagmamalaki nya yung sangkatutak na ticket nya na napaclear na nya).
Tip para dun sa mga naticket-an: Have a photocopy of your violation tickets as well as your payment receipts. Although hassle pa din yung pababalikin ka ng LTO sa MMDA para ipaclear yung violation, at least may proof na kayo na naclear na yung violation nyo at di na nila kayo mahuhuthutan ng pera.



Reply With Quote

