Minsan lang ako napunta sa Cubao. Bakit ganon sa Cubao? Kakaiba ang traffic rules. Pwede kang hulihin ng dahil sa kahit ano. In exactly one week, nahuli ako ng mga TE ng dalawang beses. Una, dahil pakanan ako from Aurora ata yun. First time ko nakarinig ng bawal mag-kanan. Pag kaliwa maiintindihan ko pero bakit bawal magkanan? Quezon City TE ang nanghuli. Mainit ang ulo nung hinuli ako at sinasabing delikado daw ginawa ko kasi galing daw ako sa kaliwa. Di niya alam na nasa right lane na ako. Nag-explain lang ako na di ako galing sa kaliwa. Tinawag yung superior at nag "lights, camera, action" at nagacting ng good cop, bad cop. Galing niyo mag-acting. Di ko maintindihan ang traffic flow sa intersection na yun sa totoo lang dahil mukhang bawal lumiko papuntang EDSA, puro tawid-tawid lang. Hindi ko alam paano bumalik papuntang EDSA.

Yung pangalawang beses, kanina(exactly one week nangyari yung isa). MMDA naman. Mas maayos naman kausap yung nanghuli sa akin. Pero di ko parin maintindihan yung violation. Bale binaba ko yung kaibigan ko malapit sa footbridge. Hinuli ako pagkatapos dahil bawal daw magbaba sa may bus loading bay. Pero hindi ako sa loading bay nagbaba. Bago pa ako umabot sa loading bay ako nagbaba. Sige, siguro valid reason nga yun. Ang magulo lang eh, maging considerate daw sila kung nilagpasan ko nalang yung bay. Paano ko malalaman yun? Puro yellow lane yung buong edsa. Walang pwede puntahan ang private vehicles kung may kailangan ibabang kasama. May acting rin akong nakuha sa mga ito. Ngayon yung superior yung bad cop at yung nanghuli sakin yung good cop.

Naiinis lang ako dahil kakaiba ang mga rules sa Cubao at EDSA. Kung di ka familiar sa lugar, mahuhuli ka talaga. Eh diba ang traffic rules dapat common sense at pwedeng iapply universally? Bakit ganun?