kaya ako iwas talaga ako dyan magdala ng sasakyan sa cubao area. mag-commute na lang kung di maiwasan pumunta. parang makati rin na ang gulo ng mga traffic rules.
kaya ako iwas talaga ako dyan magdala ng sasakyan sa cubao area. mag-commute na lang kung di maiwasan pumunta. parang makati rin na ang gulo ng mga traffic rules.
magulo talaga dyan sa cubao.. once nag try kami mag farmer's market.. mga before 5am yun.. wala kami mapasukan.. lahat may harang.. don sa edsa sa araneta may harang.. umikot pa kami sa aurora para makapasok.. tapos yung mga bus sa edsa naman hindi gumagalaw..
Di nagwork sa akin yung bait baitan dyan. Sinabihan ko na lang yung TE na nakikita ko sya dyan sa cubao araw araw. Matetyempuhan ko din sya. Walang sense yung sinabi ko pero biglang nag bago ang attitude ng TE. Siguro sa dami ng kalokohan nila, natakot.
May sign na no right turn to edsa pag galing ka ng e. rod. pero napakaliit talaga. di napapansin. dapat mareport sa MMDA yan.
Only in the Phils, bawal kumanan sa intersection????? its more fun in the Philippines
galing ako Japan at USA live for 15 yrs, walang ganun. funny!!!
Baka gusto lang ibandera na 15 years siyang nasa US at Japan.
OT: Is it illegal to take a video of the whole apprehension process of the MMDA? Usually naman kasi dala ko camera ko sa kotse. In case mahuli ako, I plan to take a video of the MMDA para pag nagkasagutan or whatnot, may ihaharap akong ebidensiya.
Actually galing ako Katipunan tapos gusto ko sana kumaliwa sa EDSA pero di pwede so dinerecho ko. Namali ako ng pasok dahil pa sta. ana pala yung napuntahan ko at nag-illegal u-turn ako dahil no choice. Ang hirap maghanap ng daan para lang mag-edsa. Ayun so sa kanan ako nagstay, may fence nga dahil puro jeep katabi ko. Pero nasa kanan na ako nun at wala ako idea na PUV area yun. Sa may jollibee ako nahuli.
same spot kung saan ako nahuli last june.. MMDA yung humili sa akin pero may TE rin naka green hindi ako pinara.. galing din ako ng E.Rod may kinuha sa PCCI sobrang liit ata nung sign na bawal kumanan sa edsa pag galing e.rod.. :| dapat pinapalitan nila yung sign ng mas malaki..
OT...
ako dati sa may airport from terminal 1 right turn to terminal 2, may dalawang sign and arrow sa taas na yung lane pwede kumanan... I'm following the sign knowing the parehas lane pwede. So pag dating sa dulo biglang nag merge so nag merge ako sa kanan. then pinara ako ng MMDA sabi wrong lane daw ako.
MMDA: wrong lane ka, lisensya...
Ako: (mainit na ulo ko), sir tara tignan natin yung sign sumunod lang ako
MMDA: Mali ka, san na lisensya mo
Ako: eto (pinakita ko pero malayo sa kanya)
MMDA: anu ginagawa mo..
Ako: sabi mo patingin.. o ayan..
MMDA: patingin at pahawak
Ako: pag eto binigay ko huhulihin mo ko eh.
MMDA: hinde kita huhulihin (so binigay ko)
MMDA: o ayan warning ha
Ako: bakit warning eh talaga naman taman lane ko at mali ang sign nyo, yan mga jeep na yan ayaw nyo hulihin.
nag kakainitan na kame sigawan na..
MMDA: tumingin ka pa sa iba eh... (sabay alis then sabi sakin..) GUNGONG
Ako.. hoy G"G* ka siraulo bumalik ka dito sino gungong...
back to topic...
magulo nga sa cubao pero di pa naman ako napapara dyan... minsan pag nahuhuli ko nakikipag talo talaga ako lalo na pag di ako nagmamadali kailngan nila patunayan na mali ako bako ko magpahuli... pag hinde maghapon kame magtatalo sa kalye hheheh
WOW bawal pala kumanan don.. last december lang dumaan ako dyan at kumanan sa edsa but I was more worried about coding. nalimutan ko na coding ako hehehe kaya laging na bumper to bumper sa mga PUJ.. ng maka tyempo harurot pakanan sa EDSA..
Aba, diyan yung nahuli ako dati ah. Wala naman kako nakasulat ng sign na bawal kumanan pag galing e.rod, tsaka pumunta na ako sa pinaka-right lane. Nung kumanan ako bigla ako hinuli, eh yung nasa likod ko nun na galing din ng e.rod kumanan din tapos hindi niya hinuli, ayun nakarinig siya saken sabay taas bintana at alis ako.
Sent from my iPhone using Forum Runner
hinuli din pala ako sa may area paglagpas ng unti ng gateway via aurora.
kunwari papunta ka ng marikina, nasa left lane ako dahil trafic yung right lane gawa ng mga jeep. pinara ako ng TE, yung left lane daw pang PUJ lang.
ayus!
what??? kelan pa naging PUJ lane ang left lane? yung right lane nga parang nabili na nila,.. sakupin pa para sa private vehicles?ok ah!!! or maybe they should always be reminded na private vehicle owners usually are the tax payers and whom their salaries are coming from!
im from the area at matagal kuna napapansin yan... nasa unahan ng mercury drug yun road sign/ na hindi talaga kapansin pansin dahil nasa taas at malimit natatakpan ng vendors. madami talaga na-trap dyan (tapat jolibee) napaka stupid nga kung tutuusin dahil pabor ka lang sa daloy ng traffic? right side turning-----> right--->to edsa
so regarding this problem, is it the jurisdiction of MMDA or the local gov't which is QC? kaso malamang magtuturuan lang sila pag problem ang dala mo sa kanila hayyyy!!![]()