Quote Originally Posted by Chikselog View Post
Next time siguro sir wag ka na magbigay sa mga yan kung alam mong wala ka namang vina-violate na traffic rules. Argue your way out in a nice manner, bibigay din yan, makukulitan sayo at pakakawalan ka na. Gaya naman ng sabi mo pag may violation ka, nagpapaticket ka naman. Hingin mo rin pangalan nya at mission order. Kapag inangasan ka, ibang usapan na yan.
Advice taken, sir. Usually pag nakikipagusap naman ako sa TE, magalang ako at di ako nagaangas. Yun lang nung hinuli ako neto, mainit na ulo. Mahirap rin kasi minsan lang ako napadpad sa Cubao kaya di rin ako sigurado kung may violation nga ako dahil yun nga, kakaiba ang mga violation sa EDSA. Parang gawa-gawa lang mga violation. DI ko tuloy alam alin yung totoo at hindi.