Quote Originally Posted by Chikselog View Post
^Tingin ko yung galing E. Rodriguez then onto Aurora crossing EDSA ka nahuli sir? Yung intersection na yun? Nahuli rin ako dyan galing ako ng ERod kakanan ako pa-EDSA. Although matagal na to ewan ko kung ganun pa rin doon. Maingat akong kumanan unti unti kasi diba may fence pa dun, nakasignal rin ako. Aba hinuli ako, MMDA din. Sinabi no swerving daw at may signage daw dun which is wala naman akong nakita. Sablay talaga dyan. Bat di nila hulihin yung mga PUV na binabara yung intersection dahil ayaw magsi-abante.

Wag ka magpatiket dyan. Obvious naman na pera lang habol sayo dyan. Nung nahuli ako nagkunwari akong may tatawagan, nilayasan agad ako nung MMDA. Guilty, your honor. Di pa nagmemeryenda.
Yun nga ata yun, sir. Tama, sinabi ko wala namang sign na nakalagay. Yun yung argument ko. Ang sabi sakin nung matabang superior "sana di ka na nakikipagtalo, para wala nang problema". Ang argument ko, hindi ako galing sa left lane, nasa right lane na ako kanina pa dahil nga di gumagalaw tong mga jeep na nanghaharang naman ng intersection. Di naman problema magkanan dahil nga nakaharang mga jeep. Di ako nagpaticket pero no choice, kinotongan ko. Ako kasi pag may clear violation, nagpapaticket ako. Yun lang sinusulat na pangaln ko sa ticket pero di rin tinuloy. Ang inaalala ko lang, baka pagrenew ko ng license, may balance ako na di nabayaran. Sana hindi dahil wala akong pinirmahan at binalik license ko.