Results 111 to 120 of 217
-
BANNER BANNER BANNER
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 1,439
January 9th, 2009 06:06 PM #111Wala akong kotse. Di pa ako nakakabili ng sarili kong kotse. Nasa college pa lang ako, wala pang trabaho.
Pero nagsimula ako magdrive nung 1994. 5 years old ako nun. Yung pinsan ng ermats ko pinahawak sa akin yung manibela ng Mitsu Canter na pang-deliver ng ice cream. Coney Island pa nun! Ako nagliliko tapos sya sa pedals at kambyo. Si erpats din minsan pinapahawak sa aking yung manibela ng '83 Ford Laser (I miss that car) nya. Syempre sa loob lang ng subdivision yun. Sa now-infamous Valley Golf.
Sinanay na ako magdrive ng erpats ko nung 1998. 9 years old na ako. Nung una, nakaupo ako sa center console box ng Nissan Eagle na service nya sa opisina. Ako nagliliko. Nung 10 years old na ako, ako na mismo ang nagmamaneho. Pati pedals at kambyo. Tapos nun, kung ano-anong sasakyan na pinagpraktisan ko. Isa yung Daewoo Racer ng kumpare ng erpats ko, Isuzu Gemini ng kaklase ko, tsaka Honda City, Corolla big body, tsaka Altis na lahat naging service ni erpats.
Yung Altis laging pinapadala sa akin dati ni erpats. Halos araw-araw kasi pinapa-carwash nya yun. Kaya ako inuutusan magpa-carwash. 3rd year highschool yata ako nun. Dun ako nasanay. Yun nga lang, automatic kaya hindi masyadong challenge. Yun ang unang kotse ni dad na nadrive ko ng may lisensya. Student pa lang nun, tapos kumuha ako ng non-pro license.
Nung nalipat ng destino erpat ko, Lancer na box-type naiwan dito sa bahay. Matagal ko rin ginamit yun, si lolo kasi ako na ang laging pinagmamaneho. Ok lang, excited pa kasi ako nun. Tiniis ko nga yung kotse na yun. Pawis steering, mahina ang aircon, mabagal umarangkada, tsaka parentally-limited speed. Yung box-type lagi namin ginagamit papuntang mall, sa mga kamag-anak, sa ospital, tsaka sa airport. Dito pa kami nanggagaling sa Plaridel, Bulacan! Pang-NLEX na kotse talaga yun. Pero nung bandang huli, nagkaproblema na rin sa makina. Minsan nag-ayos ako ng PC sa bahay ng kaibigan ko, medyo malapit lang naman. Nung pauwi na ako, ayaw mag-idle! Traffic pa naman! Ayun, racecar driver style, heel-and-toe ako sa brake at accelerator. Minsan handbrake pa pampreno ko. Sa ngayon wala na dito yung box-type. Andun na sa kapatid ni lola. Lalong naging kawawa yung kotse. Yung kaha marami nang butas, yung makina minsan hard-starting, tapos butas yung exhaust. Pag nagkapera ako babawiin ko yung kotse tsaka papa-restore ko.
Nitong mid-2007 naman, bumili si dad ng Innova. Nagulat na lang ako meron na pala kaming kotse. Nasa family reunion ako tapos lumabas kami dun sa building kasama kapatid ko. Naka-park dun sa sidewalk yung Innova. Di ko makakalimutan yun kahit hindi akin yung kotse. Ito ngayon yung family car namin. Ako ang official driver. Si dad kasi basta available ako eh ako ang pinagmamaneho. Ang dami na nyang ipinakabit dun sa kotse. J variant yung sa amin kaya pinakabitan nya ng mags na pang-Innova. Nadagdagan na rin ng amplifier at 3-way speaker para sa rear passenger doors. Masyado nang hahaba kung ililista ko lahat...
Since last sem ko lang nagagamit yung Innova mag-isa paminsan-minsan papuntang school. Natatakot kasi silang ma-carjack ako. Ayokong sabihin na akin yung kotse, pero parang ganon na rin. Ako kasi ang nagmamaneho tsaka nag-aalaga. Yun nga lang, di ako nagbabayad sa casa ng monthly tsaka sa maintenance kaya ayoko angkinin. At least ako ang nagpapa-gas! Kaya eto, di ko ginagamit...hehehe...
Sa haba ng kwento ko, eto lang ang importante. Siguro parang ako na ang 19-y.o. na pinakamahilig sa kotse simula pagkabata. Pero wala akong kotse! Sa listahan ng mga ambition ko sa buhay, isa sa mga priority ko ang magka-kotse na ako mismo ang bibili at magbabayad. Pangarap ko talaga yun from day one. I appreciate your effort in reading my story...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2009
- Posts
- 8
February 6th, 2009 10:12 PM #112my first car was a 91 box type sentra,bought it second hand,had it repaired and repainted and fitted it with bbs 15 inchers with nankang rubbers..sold it to my aunt last 2005..she used it for 3 years and last year na trade in niya sa kia motors for a new picanto..trade in value by the way was 70k..i guess it was not bad,it served me well..farewell my nismo..thanks for the memories.
-
February 27th, 2009 09:58 PM #113
my 1st car was a 1984 ford laser. we bought it for 50k. bulok na body nya but it has a very good engine. i can make it run at 180kph for about 20 minutes dun sa my parteng albay, bicol. after which i went down to 70 kph kasi baka magkalasan yung gulong nya. bulok na kasi body nya. hehehehe....sadly,though, we sold it at a junk shop 4 6k. hehe. right now i am planning to buy a mitsubishi strada. i heard good things kasi about this pick up here.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2008
- Posts
- 25
March 14th, 2009 11:27 AM #114My first car was a 1982 2-door starlet with a 4AGE engine, twin webber 50 semi-full race set up. I love that car!!! marami kaming kotseng binaboy together, even named him Bal after Bal David who was so fast and uncatchable at the time. Sold it nung 1999. So sad.....
-
-
April 10th, 2009 11:40 AM #116
mine was a 96 Civic Vti that was passed on to me by my mom. 3rd yr hs ako nun when i got the car. daming memories ko dun. kaya lang nabenta na. wish ko nga na sana makita ko pang tumatakbo sa kalye yung auto na yun. inalagaan ko pa namang mabuti yun. i miss that car..
-
April 22nd, 2009 08:04 AM #117
my 1st car is my corolla 1990, hand me down by my dad... dun ko nalaman lahat ng dapat at hindi ko dapat malaman regarding on driving and a college boy having a car..
-
May 5th, 2009 03:59 AM #118
My First Car was Toyota Corolla XL, nung 1992 pa, sa bayaw ko yun, then pinasa lang nya sakin kasi nasa abroad sya madalas, almost two years ko din na ginamit yun then binenta na, then nag Toyota GLi ako after that, upto 1997, then yung unang masasabi kong oto ko e yung galing na talaga sa bulsa at pawis ko.. ito ay 1997 Mitsubishi Lancer ( Pizza pie ), msarap sya gamitin at ok naman imodify kasi sports look sya..pero now im using a 2001 Lancer GLS...
-
May 6th, 2009 12:42 PM #119
ganda ng kwento mo bossing... parehas pala tayo mahilig sa auto since 5yrs old,dati ako taga carwash ng mga jeep ng lolo ko, limang ARMAK jeeps ito daily carwash ko,I still remember 5 pesos per jeep ang bayad sakin ng lolo ko jajaja... til now nagkaroon narin ng sariling family at nakapag abroad...heto meron naring auto pati si mrs. Mahilig din sa auto mrs. ko halos compatible kami pagdating sa auto,sabi nga ng panganay ko,mabagal daw akong magdrive...mas mabilis pa daw mrs ko jajaja...hay buhay!!!
-
BANNER BANNER BANNER
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 1,439
May 8th, 2009 01:56 PM #120
It is repairable. But as oj88 mentioned, it is messy (when repaired) and best used as a last resort.
Liquid tire sealant