Wala akong kotse. Di pa ako nakakabili ng sarili kong kotse. Nasa college pa lang ako, wala pang trabaho.
Pero nagsimula ako magdrive nung 1994. 5 years old ako nun. Yung pinsan ng ermats ko pinahawak sa akin yung manibela ng Mitsu Canter na pang-deliver ng ice cream. Coney Island pa nun! Ako nagliliko tapos sya sa pedals at kambyo. Si erpats din minsan pinapahawak sa aking yung manibela ng '83 Ford Laser (I miss that car) nya. Syempre sa loob lang ng subdivision yun. Sa now-infamous Valley Golf.
Sinanay na ako magdrive ng erpats ko nung 1998. 9 years old na ako. Nung una, nakaupo ako sa center console box ng Nissan Eagle na service nya sa opisina. Ako nagliliko. Nung 10 years old na ako, ako na mismo ang nagmamaneho. Pati pedals at kambyo. Tapos nun, kung ano-anong sasakyan na pinagpraktisan ko

. Isa yung Daewoo Racer ng kumpare ng erpats ko, Isuzu Gemini ng kaklase ko, tsaka Honda City, Corolla big body, tsaka Altis na lahat naging service ni erpats.
Yung Altis laging pinapadala sa akin dati ni erpats. Halos araw-araw kasi pinapa-carwash nya yun. Kaya ako inuutusan magpa-carwash. 3rd year highschool yata ako nun. Dun ako nasanay. Yun nga lang, automatic kaya hindi masyadong challenge

. Yun ang unang kotse ni dad na nadrive ko ng may lisensya. Student pa lang nun, tapos kumuha ako ng non-pro license.
Nung nalipat ng destino erpat ko, Lancer na box-type naiwan dito sa bahay. Matagal ko rin ginamit yun, si lolo kasi ako na ang laging pinagmamaneho. Ok lang, excited pa kasi ako nun. Tiniis ko nga yung kotse na yun. Pawis steering, mahina ang aircon, mabagal umarangkada, tsaka parentally-limited speed. Yung box-type lagi namin ginagamit papuntang mall, sa mga kamag-anak, sa ospital, tsaka sa airport. Dito pa kami nanggagaling sa Plaridel, Bulacan! Pang-NLEX na kotse talaga yun. Pero nung bandang huli, nagkaproblema na rin sa makina. Minsan nag-ayos ako ng PC sa bahay ng kaibigan ko, medyo malapit lang naman. Nung pauwi na ako, ayaw mag-idle! Traffic pa naman! Ayun, racecar driver style, heel-and-toe ako sa brake at accelerator. Minsan handbrake pa pampreno ko. Sa ngayon wala na dito yung box-type. Andun na sa kapatid ni lola. Lalong naging kawawa yung kotse. Yung kaha marami nang butas, yung makina minsan hard-starting, tapos butas yung exhaust. Pag nagkapera ako babawiin ko yung kotse tsaka papa-restore ko.
Nitong mid-2007 naman, bumili si dad ng Innova. Nagulat na lang ako meron na pala kaming kotse. Nasa family reunion ako tapos lumabas kami dun sa building kasama kapatid ko. Naka-park dun sa sidewalk yung Innova. Di ko makakalimutan yun kahit hindi akin yung kotse. Ito ngayon yung family car namin. Ako ang official driver. Si dad kasi basta available ako eh ako ang pinagmamaneho. Ang dami na nyang ipinakabit dun sa kotse. J variant yung sa amin kaya pinakabitan nya ng mags na pang-Innova. Nadagdagan na rin ng amplifier at 3-way speaker para sa rear passenger doors. Masyado nang hahaba kung ililista ko lahat...
Since last sem ko lang nagagamit yung Innova mag-isa paminsan-minsan papuntang school. Natatakot kasi silang ma-carjack ako. Ayokong sabihin na akin yung kotse, pero parang ganon na rin. Ako kasi ang nagmamaneho tsaka nag-aalaga. Yun nga lang, di ako nagbabayad sa casa ng monthly tsaka sa maintenance kaya ayoko angkinin. At least ako ang nagpapa-gas! Kaya eto, di ko ginagamit...hehehe...
Sa haba ng kwento ko, eto lang ang importante. Siguro parang ako na ang 19-y.o. na pinakamahilig sa kotse simula pagkabata. Pero wala akong kotse! Sa listahan ng mga ambition ko sa buhay, isa sa mga priority ko ang magka-kotse na ako mismo ang bibili at magbabayad. Pangarap ko talaga yun from day one. I appreciate your effort in reading my story...