New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 77
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    Iimplementa na sa buwang ito ang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga sasakyang second-hand, ayon sa Customs Memorandum Circular No. 241-2006 na nakapetsa noong Oct. 17.

    Ang Bureau of Customs ang pangunahing opisinang magpapatupad ng kautusan na nauna nang binigyan ng ‘go signal’ ng Korte Suprema noong Feb. 20 nang sabihing legal ang Presidential ban sa pag-i-import ng segunda-manong sasakyan.

    Nauna nang nagpalabas ang Malacañang ng Executive Order 156 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga used motor vehicles papasok sa Pilipinas sa rasong ito’y hindi lang mapanganib sa kalikasan, kalusugan at kaligtasan ng mga Pinoy, nakapipinsala rin ito sa mga kababayang negosyante sa industiya ng lokal na pagmamanupaktura ng sasakyan.

    Tuluyang ipatutupad ang kautusan sa buwang ito kung saan inaasahang tatanggapin ng malugod ng lokal na industriya ng sasakyan sa pangunguna ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI).

    Sinabi ng Malacañang na mapanganib ang imported second-hand vehicles sapagkat sa kanilang pinagmulang bansa, nakapagsilbi na sila ng itinakda nilang lifespan kaya posibleng magdulot lang ito ng problema o sakit pag dinala sa ating bansa.

    Basura na sa ibang bansa at gagamitin pa lang bilang sasakyan dito kung saan karaniwan wala nang available na mga bagong parts para sa mga lumang modelo, ani pa ng Palasyo. Karamihan pa sa segunda-mano ay right-hand drive na kailangan pang i-convert para magamit sa bansa, at sa kasamaang-palad, hindi pa nakatutugon ang mga nagko-convert sa vehicle safety standards.

    Lahat ng ito’y kapwa isinatinig ng local carmakers sa pangunguna ng CAMPI, bukod pa sa mas maingay na katotohanang pinapatay ng segunda-manong sasakyan ang mga Pinoy na nag-aasembol ng sasakyan.

    Ayon sa local automakers, mahigit kalahati ng nakarehistro sa Land Transportation Office noong isang taon ay mga imported second-hand cars.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Buti pa sa U.S. and Canada pwede ka mag-import ng Japan surplus. Hindi mo pa kailangan i-convert to LHD. Naka ex-JDM GEN II Pajero SWB TDi yung kakilala ko sa Canada.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    625
    #3
    sa mga cars vans, and suvs ba lang ito o pati sa mga trucks...i wonder kung pati yung mga cargo, dump 10wheelers and trailers and even elf, canter, forward 6 wheelers e kasama sa mga di na papayagan...? sobrang mahal kasi ng mga trucks na ito pag bibilhin ng brandnew... isa pa parang wala akong alam na brandnew na 10wheeler trucks dealers dito sa pinas yung elf meron sa isuzu pero yung mga giga series i doubt kung meron and kung meron super mahal siguro, di siguro kayang e afford ng mga hauling, trucking and forwarding businesses. IMHO.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #4
    Swerte ng mga nauna at nakapagpayaman.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    141
    #5
    Sayang naman kung ibaban n yung importation of vehicles

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #6
    That surplus-vehicles-are-dangerous spin has been used by car manufacturers to lobby for a ban for a number of years na.

    their concern is their sales, not public safety.

    If they are truly concerned about public safety, they should also ask the govt to ban dilapidated local used cars. Rusted, barely running 1970's/80's cars still seen on the streets. Wonder if their brakes still work. why just single out imported used cars?

    they should also ask the govt to ban all vehicles assembled in backyard workshops like owner type jeeps and PUJs. Those vehicles are lightly regulated by the govt. There is no production standard. Anyone can assemble one according to his own taste and budget.

    Do they undergo quality or safety inspections? Many of those vehicles are not even equipped with standard equipment. Do all owner type jeeps and PUJs come with a handbrake/emergency brake? How about signal lights and side/rearview mirrors? seatbelts? Forget airbags and crumple zones and 5kmh impact bumpers.

    Point is, the car manufacturers are protecting their interests and disguising it as a concern for public safety. it's so obvious. they just single out imported used vehicles.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    If local manufacturers are concerned about safety, why is the L300 still on sale?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #8
    Ang UK tambakan din ng Japanese surplus ... madalas, mas maganda pa sa local version. Kahit mid-90's na surplus, marami pa rin bumibili dito. Convert ka lang ng MPH speedo at dagdag ng rear fogs kung wala. Pasensya ka kung hindi mo mabasa yung owner's manual.

    Meron namang annual safety test (MOT ang tawag) para sa lahat ng local at imported na sasakyan at kasama na dun ang emissions test, kaya "safe" pa naman siguro mga tao dito

    OT: Magkano kaya tsikot sa Japan, kumpara sa sweldo, at ang dami nilang surplus na ikinakalat?

  9. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #9
    Quote Originally Posted by cyrusblutrooper
    parang wala akong alam na brandnew na 10wheeler trucks dealers dito sa pinas
    Wala talaga gawa nga ng sobrang mahal. Ung mga nabibili namin ranging from 1-2.5m na, paano pa kaya ang brand new? Simula nung namimili kami ng truck pang-negosyo wala pa akong nakikitang fresh from the factory na 10 wheeler dito. Lahat talaga chop-chop na ino-overhaul at inaassemble lang kaya mamabutihin mo talagang maghanap ng matino.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    664
    #10
    everytime things like this happen, I smell something rotten going on. is it just me or do they really make it hard for us to trust politicians and lobbyists that even their noblest of ideas would seem for us to be just a mere farcity.

  11. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #11
    Hindi ba pwedeng regulations na lang ang isampa kaysa total ban?

    I mean, di ba pwedeng ung mga "basura" na talaga na 2nd hand ang i-ban lang? Kasi what if 5t kms. lang tinakbo ng makina nung sasakyan, kinonvert ng maigi't lahat-lahat? "Basura" na ba agad yun?

    Or nasa isip nila eh madaling maareglo ang mga taong responsable diyan kaya kelangang total ban na talaga?

  12. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,526
    #12
    *woohoo* Serves us right for abusing the system...







    :fly:


    Edit F*ck those crappily converted vehicles. :sad: for those abused evo's ==> not

  13. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #13
    about time.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #14
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Buti pa sa U.S. and Canada pwede ka mag-import ng Japan surplus. Hindi mo pa kailangan i-convert to LHD. Naka ex-JDM GEN II Pajero SWB TDi yung kakilala ko sa Canada.
    meron ako laging nakakasabay dito ng LHD na skyline r32 sa area namin...baka nga kapitbahay ko lang.hehehe

  15. #15
    simple..lets face it another (personal-->under the table) generating income...

    walang ko tiwala sa most phil laws..they're just there to benefit themselves..daming stupid laws ang pilipinas na taken forgranted, pero magiging way nila para kasuhan ka.

    diba mga lawyers?

  16. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    962
    #16
    Quote Originally Posted by batang_raon14 View Post
    wala pa akong nakikitang fresh from the factory na 10 wheeler dito.
    AFAIK, meron. Isuzu, Volvo, Mack. Dami nito alam ko sa may bandang Boni area, then sa may bandang unahan pa (sa may Suzuki).

    Well, bad news ito sating mga consumers. Nahassle na naman tayo ng mapaniil na gobyerno.

  17. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #17
    Quote Originally Posted by StraightSix View Post
    Ang UK tambakan din ng Japanese surplus ... madalas, mas maganda pa sa local version. Kahit mid-90's na surplus, marami pa rin bumibili dito. Convert ka lang ng MPH speedo at dagdag ng rear fogs kung wala. Pasensya ka kung hindi mo mabasa yung owner's manual.

    Meron namang annual safety test (MOT ang tawag) para sa lahat ng local at imported na sasakyan at kasama na dun ang emissions test, kaya "safe" pa naman siguro mga tao dito

    OT: Magkano kaya tsikot sa Japan, kumpara sa sweldo, at ang dami nilang surplus na ikinakalat?
    Pati HK... kita niyo lahat nung mga Alphard dun, galing Japan yun lahat!

    Sa Japan naman kasi hindi mura ang sasakyan, mahal ang maintenance ng lumang sasakyan dahil sa (unnecessarily) napakalupit na roadworthiness tests sa mga 3-year-old or older vehicles.

  18. #18
    un yong tunay na dahilan! lalo na kung grade A ang sasakyan..halos parang brand-new dito. kaya lang sa conversion nagkatalo.

    ang bulok na napupunta nga dito ay yung galing na sa other bansa, via japan: australia,europe,etc., lalo na ung mga high milage cars, di na sa japan mga un galing, dinaan lang...

  19. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    162
    #19
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Buti pa sa U.S. and Canada pwede ka mag-import ng Japan surplus. Hindi mo pa kailangan i-convert to LHD. Naka ex-JDM GEN II Pajero SWB TDi yung kakilala ko sa Canada.
    huh? are you saying na sa US eh legal ang RHD?

  20. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #20
    My two cents: hinde lahat ng converted vehicles eh dangerous. Ang problema talaga eh wala dun sa mga converted vehicles - kunde sa mga nag-convert and eventually dun sa mga nagmamaneho.

    Bakit? Simple - human factor.

    Kahit anong "vintage" ng sasakyan mo pero responsible and knowleadeable vehicle owner ka, alaga yung sasakyan mo at alam mo kung hinde na sya safe. Sa mga nagco-convert naman, kung maayos ang ginawang conversion eh siguradong maayos ang vehicle. Sa mga converted vehicle owners naman, responsible and knowledgeable ownership din nagkakatalo. For example: alam mong sa left ang bukas ng van mo, eh di wag kang magbaba sa mga places na heavy ang vehicle traffic and/or give a warning dun sa mga alighting passengers na tumingin muna sa kaliwa.

    Wag nyong sabihing kaya maraming namamatay na motorcycle/scooter riders dahil dangerous yung sasakyan nya? While the motorcycle is more dangerous drive that four wheeled vehicles, kay maraming na-aksidente na motorcycle/scooters eh dahil reckless at irresponsible yung mga riders.

    A vehicle, no matter what form or function, is just an ordinary tool. Now, the actual safety of any tool relies on the quality of workmanship nung mga gumagawa and then pag dating sa consumer, the knowledge of the owner on how to responsibly use and maintain the safe operationability of the tool.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Goodbye na sa Imported Second-Hand vehicles