New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 77
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Iimplementa na sa buwang ito ang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga sasakyang second-hand, ayon sa Customs Memorandum Circular No. 241-2006 na nakapetsa noong Oct. 17.

    Ang Bureau of Customs ang pangunahing opisinang magpapatupad ng kautusan na nauna nang binigyan ng ‘go signal’ ng Korte Suprema noong Feb. 20 nang sabihing legal ang Presidential ban sa pag-i-import ng segunda-manong sasakyan.

    Nauna nang nagpalabas ang Malacañang ng Executive Order 156 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga used motor vehicles papasok sa Pilipinas sa rasong ito’y hindi lang mapanganib sa kalikasan, kalusugan at kaligtasan ng mga Pinoy, nakapipinsala rin ito sa mga kababayang negosyante sa industiya ng lokal na pagmamanupaktura ng sasakyan.

    Tuluyang ipatutupad ang kautusan sa buwang ito kung saan inaasahang tatanggapin ng malugod ng lokal na industriya ng sasakyan sa pangunguna ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI).

    Sinabi ng Malacañang na mapanganib ang imported second-hand vehicles sapagkat sa kanilang pinagmulang bansa, nakapagsilbi na sila ng itinakda nilang lifespan kaya posibleng magdulot lang ito ng problema o sakit pag dinala sa ating bansa.

    Basura na sa ibang bansa at gagamitin pa lang bilang sasakyan dito kung saan karaniwan wala nang available na mga bagong parts para sa mga lumang modelo, ani pa ng Palasyo. Karamihan pa sa segunda-mano ay right-hand drive na kailangan pang i-convert para magamit sa bansa, at sa kasamaang-palad, hindi pa nakatutugon ang mga nagko-convert sa vehicle safety standards.

    Lahat ng ito’y kapwa isinatinig ng local carmakers sa pangunguna ng CAMPI, bukod pa sa mas maingay na katotohanang pinapatay ng segunda-manong sasakyan ang mga Pinoy na nag-aasembol ng sasakyan.

    Ayon sa local automakers, mahigit kalahati ng nakarehistro sa Land Transportation Office noong isang taon ay mga imported second-hand cars.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Buti pa sa U.S. and Canada pwede ka mag-import ng Japan surplus. Hindi mo pa kailangan i-convert to LHD. Naka ex-JDM GEN II Pajero SWB TDi yung kakilala ko sa Canada.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    625
    #3
    sa mga cars vans, and suvs ba lang ito o pati sa mga trucks...i wonder kung pati yung mga cargo, dump 10wheelers and trailers and even elf, canter, forward 6 wheelers e kasama sa mga di na papayagan...? sobrang mahal kasi ng mga trucks na ito pag bibilhin ng brandnew... isa pa parang wala akong alam na brandnew na 10wheeler trucks dealers dito sa pinas yung elf meron sa isuzu pero yung mga giga series i doubt kung meron and kung meron super mahal siguro, di siguro kayang e afford ng mga hauling, trucking and forwarding businesses. IMHO.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #4
    Swerte ng mga nauna at nakapagpayaman.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    141
    #5
    Sayang naman kung ibaban n yung importation of vehicles

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    34,284
    #6
    That surplus-vehicles-are-dangerous spin has been used by car manufacturers to lobby for a ban for a number of years na.

    their concern is their sales, not public safety.

    If they are truly concerned about public safety, they should also ask the govt to ban dilapidated local used cars. Rusted, barely running 1970's/80's cars still seen on the streets. Wonder if their brakes still work. why just single out imported used cars?

    they should also ask the govt to ban all vehicles assembled in backyard workshops like owner type jeeps and PUJs. Those vehicles are lightly regulated by the govt. There is no production standard. Anyone can assemble one according to his own taste and budget.

    Do they undergo quality or safety inspections? Many of those vehicles are not even equipped with standard equipment. Do all owner type jeeps and PUJs come with a handbrake/emergency brake? How about signal lights and side/rearview mirrors? seatbelts? Forget airbags and crumple zones and 5kmh impact bumpers.

    Point is, the car manufacturers are protecting their interests and disguising it as a concern for public safety. it's so obvious. they just single out imported used vehicles.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    If local manufacturers are concerned about safety, why is the L300 still on sale?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #8
    Ang UK tambakan din ng Japanese surplus ... madalas, mas maganda pa sa local version. Kahit mid-90's na surplus, marami pa rin bumibili dito. Convert ka lang ng MPH speedo at dagdag ng rear fogs kung wala. Pasensya ka kung hindi mo mabasa yung owner's manual.

    Meron namang annual safety test (MOT ang tawag) para sa lahat ng local at imported na sasakyan at kasama na dun ang emissions test, kaya "safe" pa naman siguro mga tao dito

    OT: Magkano kaya tsikot sa Japan, kumpara sa sweldo, at ang dami nilang surplus na ikinakalat?

  9. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #9
    Quote Originally Posted by cyrusblutrooper
    parang wala akong alam na brandnew na 10wheeler trucks dealers dito sa pinas
    Wala talaga gawa nga ng sobrang mahal. Ung mga nabibili namin ranging from 1-2.5m na, paano pa kaya ang brand new? Simula nung namimili kami ng truck pang-negosyo wala pa akong nakikitang fresh from the factory na 10 wheeler dito. Lahat talaga chop-chop na ino-overhaul at inaassemble lang kaya mamabutihin mo talagang maghanap ng matino.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    663
    #10
    everytime things like this happen, I smell something rotten going on. is it just me or do they really make it hard for us to trust politicians and lobbyists that even their noblest of ideas would seem for us to be just a mere farcity.

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Goodbye na sa Imported Second-Hand vehicles