New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
Results 31 to 40 of 77
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #31
    naku kawawa naman yun mga small scale businesses saka yun mga nasa trucking business pati na rin construction, pati na rin transportation business, pati na rin yun mga nag-oofer ng tours... di ba mostly mga second hand surplus mga truck, bus, heavy equipments ang kinukuha ng mga importers? ngayon lang naman umusbong ang second hand na vans, suv's, cars.... hmmm ayaw ng mga car dealers ng kakumpitensya??? parang mali yata ah... kung safety ang reason, they should inspect every vehicle being registered at the LTO meticulously and not impose another runaround legislative action... Di ba trabaho ng LTO yun?

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,277
    #32
    Tama ka dyan kapatid direktang matatamaan talaga ang mga small scale businesses.

    Yung brand new na bus nga daw 6M pataas na pero yung galing ng Korea 400K lang.

  3. #33
    sinu bang tatangi sa bago? kung magkasing presyo/matters of 10-100 thou difference lang ng bago sa importyed na surplus, with a wide variety of choice, saan ka?

    pero kung ang local ay bare na halos, at 2-3x the price of a grade a japan specimen, aba sa surplus na ako, pera ko eto, pinaghirapan, at siyempre saan ako, siyempre sa CASH na!

    and dont tell me na may installment, kung gusto at kaya mo magbayad ng monthly w/ interest, pwes ako hindi.

    maiipit nito kaming mga pinoy na gusto magkasasakyan pero limitado ang budget...saan kami? may surplus nga pinoy, pero amin ko, maslaspag pa gumamit ang pinoy kaysa sa mga hapon!

  4. #34
    edit: double post because of lag

  5. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,848
    #35
    Wahhh lagot paano yung ek ko converted pa naman yun..

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,298
    #36
    Quote Originally Posted by slamtaz View Post
    pardon me sir, when you said "hindi lahat ng converted vehicles eh dangerous" and kung "maayos ang pag-convert", do you take it to mean that even the stock headlights and windshield wipers of RHD's are also converted for LHD purposes?

    kasi po, kung hindi kasama mga ito then i beg to disagree with your point..

    please correct me if i'm wrong pero ang pagkakaalam ko po kasi eh iyon lang steering mechanism ang usually ginagawa, and required for LTO registration, sa RHD to LHD conversion in the Philippines.

    :peace:
    Kapatid, like what I said: depende. May mga nagco-convert din naman na full conversion ang ginagaw using the proper equipment/conversion kits. Yung isa sa sasakyan ko eh converted [b]pero[b] hinde lang conversion sa steering ang ginawa: pati headlights at wiper orientation. Pang ilalim nun, pang 1st gen Pajero na hinde pang JDM - pang local market.

    Ang akin lang eh yung vehicle per se hinde inherently dangerous: nagiging dangerous sya kung hinde naco-convert ng properly, safely and securely. Tapos, pag dumating na sa kamay ng consumer, yung hinde pagmamaneho ng tama by using common sense, defensive driving, obeying the law and taking in mind hinde lang yung safety nya at ng mga sakay nya kundi yung mga sasakyan at tao sa paligid nya.

    What I'm saying is this: it is the manner how man designs tools, manufactures tools and eventually use tools that make the tool dangerous.

    Anyway, OT na ako.

  7. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,526
    #37
    And since almost all men are stupid might as well take away his dangerous toys.











    Edit sucks when good drivers are in the minority.



    Edit2 efficient public transport for all.

  8. #38
    cases na tumaob na delica starwagon 4wd or hilux/lc70 prado.. natanong ba why tumaob? baka hinahataw ung sasakyan, then clip-turn! mga sanay sa kotse, ngayon palang nakpagdrive ng 4wds na matataas...now tumaob, sisisihin ang sasakyan.

    and aparently, 99% masmabilis at masmaganda manakbo ang properly converted and maintained JDM kaysa sa local counterpart nito!

    kung pinagbabawal ang 2nd hand imports dapat, ipagbawal na LAHAT ng JEEP, BUS, AT ASSEMBLED NA SASAKYAN as they also "threats to safety".

    malaki lang talaga nabayad ng kung sinu man nagpanukala nyang stupid bill na din nayan...

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,526
    #39
    Yummy envelopes on the way...












    Edit chill

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,298
    #40
    BTT na ako: Ako, wala akong kinakampihan. On the side of automotive manufacturers, yes - karapatan nila na i-protect ang investments nila and when this law is implemented, they sales may go up. Whay did I use the word "may"? Kasi walang namang assurance na tataas ang vehicle sales nila eh when this law is passed. Admit it: mas maraming may may-ari ng 2nd hand vehicles compared sa brand new. Bakit? Kase mas maraming hinde (pa) kayang bumili ng brand new. I said "pa" kase hinde naman natin alam ang magiging financial future nila. Kasi, in my personal opinion, kung ang lahat ng motorista na may 2nd hand/converted vehicles at kung ang lahat ng taong gustong magka sasakyan eh kayang bimile ng bago abay puro cars less than three years old ang makikita natin sa roads ngayon.

    It's like this. Correct me if I'm wrong but a lot (take note: a lot, hinde ko sinasabing lahat) of the people who buy converted SUVs or vans are consumers who are the the middle income and upper-middle income bracket. Most of them don't have enough resources to buy the SUV or van that they like. Bakit? Kase kulang budget nila. So what do they do? They get converted SUVs or vans. Now, with this argument comes the question? "Bakit na lang hinde bumili ng 2nd hand na dito sa 'Pinas gawa?" Most of the time ang answer eh pera pa rin: di ba mas mahal ang 2nd hand na Pajero na dito gawa compared sa Subic converted Pajero?

    Okay, maaring sabihin ng marami sa atin na mag-ipon na lang muna tas tsaka bumili. Good point pero may mga issues din dito. For example, hinde ganun kadaling mag-ipon ng malaking halaga lalo na pag wala kang extra income or maliit lang ang extra income mo. By that time na nakaipon ang pobre, manghinayang syang bitawan ang ganun kalaking halaga lalo na pag may identified sya na mas pressing need. So, what does the person do? Hinde na sya bibili. Kung minsan, naka-ipon nga pero matagal naman ang inabot, say ten years, aba'y baka by that time eh yung mabibili lang ng naipon nya dilapitated or very old vehicle na lang.

    Ako, I earn good pero I don't have the capacity to buy a new vehicle - atsaka ang tingen ko sa vehicle eh liability, hinde asset. So what am I doing with a motor vehicle? It's, unfortunately, a necessary liability in these times for me - and for a lot of us. My vehicle doesn't earn me money. In fact, loosing ako sa kanya kase gastos ka ng gastos pagpapagawa tas nag-de-depricate lagi ang value.

    Anyways, for me - hinde pa rin solusyon ang pag ban ng Subic converted vehicles sa pag increase ng sales ng mga car manufacturers locally. Kahit i-ban pa ng government ang pag-benta at pag-bili ng 2nd hand vehicles na gawa sa 'Pinas, hinde pa rin tataas ng ganun ang sales ng mga car manufacturers dito sa 'tin - kase malaking porsyento ng motoring public eh walang pangbile ng bago.

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
Goodbye na sa Imported Second-Hand vehicles