Kung bibili ka sa 2nd hand car dealer huwag mo base ang condition ng kotse sa mileage nya. Marami naman pwedeng basis, tulad ng steering wheel ang shift knob. Kapag pudpud na mga ito malamang 100k na mileage nito. Also don't expect a low mileage on a 10year old car. Marami rin kasi na buyer's na gusto low mileage makikita nila, nakakalimutan nila na average milage ng isang kotse if daily use ito is around 20k/year. Kung 5yrs old na kotse mo that is 100k mileage na. Kung well maintain naman ang kotse balewala lang ang ganitong mileage.