Pinalaki kami nang parents ko na hindi obligasyon nang anak ang magulang. Ibig sa sabihin obligasyon na nang anak ang kanyang pamilya hindi kasama ang magulang.
Pagnag asawa na daw ako kailangan ko na bumukod sa kanila at asikasuhin ko ang aking responsibilidad ang aking bagong family. Dahil sila tapos na din ang obligasyon nila sa akin. They have there own money and property na magagamit nila sa pagtanda nila.
Ibig sabihin hindi ako pwede umasa sa kanila pag may sarili na akong pamilya... Ako mismo ang dapat pagpursigi na magkaroon nang sariling bahay, kotse at sariling ipon sa bangko. Hindi nila ako inobliga na magbigay nang pera sa kanila buwan buwan ang katwiran ang dapat ko sustentuhan ay ang aking sariling pamilya,
Pagnangailangan ako nang pera pag nangutang ako sa kanila may tubo yun at kailangan ko bayaran nang monthly sa kanila... Natuto ako maging responsable dahil alam ko na hindi ako pwede umasa sa parents ko dahil BAWAL.
Nung namatay sila naenjoy nila ang pinagpaguran nila... mga pera na naipon nila dahil maalwa ang kanilang buhay... RETIRED living kung baga. Nung nagkasakit mother ko at kailangan nang malaking halaga hindi namin pinoblema dahil may pera sila dun na lang sa huli na kinakapos na.
May mga property pa din kami namana... yun nga lang may istorya pagkatapos.


Reply With Quote
could you pm me sir kung saan sa paranque? im looking for an apartment din. 
