Mga sir, would you agree with other people saying that mas mahirap magstart ng sariling family sa panahon ngayon compared nung let say mga 80's or even 90's...Grabe kasi mahal ng cost of living nowadays...
yes, i think so too.
if i remember it right too, nung namatay erpats ko, nakita ko yun mga lumang payslips nya habang naglilinis ng gamit.
his semi-monthly take home pay is only 175 pesos.
pero buhay kaming tatlong magkakapatid...
pero teka.... 70s ito ha? hehehehehe.
but then again, when i was in college.
my allowance was only 40 pesos per day... complete na yun, may pagkain and pamasahe na.
ngayon my kid's allowance is 200 pesos per day... and malapit pa ang school nya sa bahay....
pero.... lahat tayo dadaan dyan...
iba ibang levels nga lang.
Last edited by 1D4LV; March 11th, 2013 at 04:19 PM.
mahirap talaga ngayon... pansinin nyo na lang sa mga kotse.. noong araw walang aircon ang sasakyan namin na assembled auv pero hindi hassle mag byahe kahit walang aircon kasi presko pa noon... try mo ngayon bumiyahe ng walang aircon...
dati pag pasok ng ber month.. ramdam mo na malamig ang simoy ng hangin.. ngayon kulang kulang 2 buwan lang malamig.. mainit na naman ngayon.. aircon ulet.. gastos kuryente...
I was about to attach the idea of the number of kids as example...kami nga dito sa office, pinaguusapan namin kung papano kami napagaral ng mga parents namin sa mga exclusive schools eh sa lagay namin financially ngayon, mukhang hindi namin kayang papasukin sa mga mamahaling schools if ever ngyaon magkakaanak...kaya sa mga gustong yumaman dyan, magtayo tayo ng school!
my aunt owns a school.
hindi daw ganung kadali.
maski mura pa din ang tuition mo, may mga parents pa ding hirap magbayad.
plus you have to budget everything from the start of the school year, to include, salaries, taxes, utilities.... depende sa dami ng enrollees mo. pag lower than expected ang enrolles, it does not equate that you can lower your teachers' salaries, or cut down on electrical consumption.
kaya sila, naghahanap sila ng additional raket, like personalized notebooks, specialized uniforms na dun lang pwedeng bilihin sa loob. pangdagdag ng kita.
tapos minsan daw sakit din sa ulo ang mga teachers.
Last edited by 1D4LV; March 11th, 2013 at 04:43 PM.