Ma'am Cathy, nalilito na ako kung ano po gusto nyo mangyari.. I support you sa feelings mo kay crush pero at the same time it makes you sad din.. Based sa description mo kay crush, slight naiinis na ako sa kanya.. Sya yung isang version ng guy na ayaw ko..
Yung guy na too nice sa lahat ng tao dahil craving sya lagi na maganda tingin sa kanya ng tao.. Lahat na lang tutulungan kahit wala na sa lugar.. Nakakainis! Dahil sa kabaitan na yan parang na misled ka.. Kung di niya mareciprocate yung "I miss you" mo isa lang ibig sabihin niyan.. Mabait sya ayaw nya sabihin directly na hindi kayo same ng feelings kaya tinatawanan ka lang.. Ayaw ka lang nya magalit.. Pero di ba mas nakakalungkot na di mo alam kung ano ibig sabihin vs. kung naging honest na lang sya..
Tsaka kung alpha sya Ma"am Cathy.. I"ll be honest po.. Harsh na kung harsh.. Yung past nyo po past na yun sa kanya.. Once na nag move on na alpha there's no going back.. Natuto na sya sa experience na yun bakit niya pa babalikan..
Ito na lang po huling advice ko.. Iwan mo na yang lingering feelings na yan.. Instead hope for someone na mamahalin ka for what you deserve.. Hindi siya worth it.. Ang dami naman dyan na alpha din naman na tingin ko interested din na mahalin ka.. Natural sa atin na mga babae ang madevelop sa taong nagki-care satin.. Kaya look for a guy na head over heels sayo not the other way around.. Masyado mo lang iniisip na good catch si crush.. Pero ikaw good catch ka din naman.. Kaya move on ka na lang.. Bahala sya pinakawalan ka pa niya ulet.. Kapag nag move on ka hinabol ka nya then dun ka na lang mag-isip ulet..
Move on and be happy.. Dahil hindi ka na mabibigo sa expectations na habang tumatagal nagapahirap at nagpapalungkot sayo.. Napaka ikli ng buhay para mag focus sa bagay na parang walang patutunguhan.. Wag ka na umiyak Ms. Cathy... Ayoko umiiyak ka ng dahil lang kay crush.. Ang tagal na nyan.. Di ka ba napapagod?