
Originally Posted by
ronki
Nabasa ko yung 11 chapters ng motor oil 101 sa bobistheoilguy.com
ang sabi nila, 90% ng engine wear eh nasa pag start ng kotse, so dapat daw mas malabnaw ang langis mas maganda.
Kumbaga ang naintindihan kong conclusion eh ganito
Mas ok ang malabnaw na langis kumpara sa malapot, kasi pag malapot xW-50, matagal pa bago lumabnaw para sa optimal viscosity para ma abot yung engine parts sa startup.
Ang pinaka ok daw eh ang mga xW-30, then yung xW-40, in some cases.
Ang advantage lang daw ng mga FS na xW-20 eh kung madalas ka lang na short trip, yung tipong gagamitin mo kotse, patay makina, matagal ulet bago buksan, then andar ulet. Lamang ka dun sa sinasabing 90% of engine wear is at start up. Pero syempre kung madalas ka ba-byahe, hindi natin masabi diba? Mas protektado ka sa xW-30/40 kumpara sa xW-20 habang nasa byahe...
Correct me if I'm wrong ah, medyo antok nako nung binasa ko yun eh haha...