Results 1 to 10 of 72
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 117
October 19th, 2008 09:49 AM #1Question is: Ayaw magstart / saka tinirik ako
Scene 1: from home mga 1km palang takbo ko bigla ako namatayan. tapos ayaw na magstart and may redondo naman
have it checked sabi fuel pump daw, so di ko muna pinagalaw. Dinala na sa bahay yung van. Kinabukasan
tinawag ko sa manong suki, nagstart na bigla yung van inadjust lang niya ang timing..
Scene 2: pauwi from office mga 14km pag dating sa village namin namatayan ako, ayaw magstart. May redondo naman
after a few minutes siguro mga 15min nagstart na ulit siya and nakauwi. DInala ko kay manong suki inayos may bulutong
daw yung contact point so kumpyansa na ulit gamitin
Scene 3: just two weeks ago, whole day nasa parking ang van pag dating ng gabi ayaw magstart, redondo lang ng redondo
tinulak namin, ayaw pa din. after mg 30min try uilt ayaw padin magstart puro redondo lagn, plan na sana iwanan pero nag
last try ako siguro mga after 15min more, ayun nagstart na ulit. okey naman takbo and okey naman bilis na ulit magstart
Scene 4: from another village after starting pag andar ko mga 5 blocks biglang parang nawalan nanaman aprang nalulunod bigla tapos
hindi namatay na siya, ayaw magstart ulit, tumawag mekaniko. check niya yung high tension may daloy naman daw ng kuryente
sabi kagad sakin fuel pump daw, so sabi ko balik ko nalang. tinawagan ko ibang mekaniko. suggest naman madumi
carburador and adjsut lang daw. tapos nag consult ako sa ibang mekaniko pa. condenser daw and check ignition coil. nai uwi ko
din pala yung van after mga 20min nagsart na pala siya
Scene 5: nasa kay manong suki na yung van, tune up niya ulit, tapos binuklat yung contact point pinalitan yung condenser. tapos
replace ng fuel filter. sabi kasi ni manong hindi naman sira fuel pump (dapat daw pupugak pugak siya muna), suggest ko kay
manong yung ingition coil, hindi naman daw kasi sira. iinit daw yun kung nagloloko
ayun lang po, please help di ko magamit sa malayo ang van baka sa edsa ako abutan. anything na pwede ko pa ipacheck?
need ko ba palitan ang fuel pumP? any suggestion sa ignition coil?.. bakit intermittent yung sira pero pag tumakbo okey naamn
Thanks in advance.
-
THE AUTO SPECIALIST
- Join Date
- Mar 2006
- Posts
- 607
October 20th, 2008 04:06 AM #2intermittent problem , medyo mahirap yan
the best iwan mo sa trusted mechanic mo para maobserbahan ng husto
-
October 21st, 2008 10:00 AM #3
TS: we have the same problem. Kaya nga ayoko munang gamitin yung 97 Accord ko, mahirap na baka itirik pa ko sa daan. Daming gustong mangotong ngayon, malapit na kasi Pasko.
Anyway, try mo check yung spark plugs baka nababasa ng langis. Kaya pag natuyo, ok na i-start ulit. If so, baka sira na ang spark plug seal. (I checked mine, ok naman ang plugs. Bad trip). Hope others can come up with other ideas
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 4,726
October 21st, 2008 07:11 PM #4sa hinabahaba ng kwento hindi man lang nabanggit ng TS yung type ng VAN nya or engine model man lang para at least may idea na agad..
anyway, same scenario happened to me sa Nissan Vannette gas engine carburetor.. minsan okey tuloy tuloy ang takbo tapos pag pinatay mo at nag start ulet biglang parang nalulunod tapos mamatay na.. intermittent talaga yung problem..
dinala ko na sa ibat ibang mekaniko at sa nissan service center pinalitan ng condenser, contact point, ignition coil, high tension wires, tapos nag overhaul pa ng carburetor ganun pa din problem minsan ok tuloy tuloy walang problem tapos bigla na naman mamatay..
so ako na gumawa ng paraan suspect ko talaga fuel pump, so i removed it from the gas tank since electronic sya and not mechanical gaya sa mga old gas engines.. pag tanggal ko ng gas tank, i removed the pump - inspect and test - ok naman umaandar.. binalik ko ulet so okey sya for 1 week, then bumalik ulet problem.. so tinanggal ko ulet yung fuel pump ayun na sakto ko hindi sya umandar nung pag test ko, tapos nung kinatok ko ng unti umandar,,, stuck-up na pala...buy ako ng pump 2,500 ayun tapos ang problema...
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 117
October 22nd, 2008 02:32 PM #6thanks sa mga inputs..
specially to yapoy.. vanette gas engine pala sorry,
kakapalit lang ng fuel filter, tapos tune up and condenser.
observe ko pa daw muna, di naman daw sira yung ignition coil ko and fuel pump.
pero based sa diagnostics mo i will consider replacing the fuel pump pag tinigil ako ulit, so di muna ako lalayo sana lang magparamdam na agad na tipong ayaw magstart kesa nasa highway.
salamat
-
Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 1
October 22nd, 2008 03:21 PM #7Parang ganyan din nangyari sa nissan pulsar ko. namamatay makina pro malayo na natakbo mga more than 30KM na. Pro namamatay lang makina pag naka on ung Aircon at matraffic. Pag namatay ayaw mag start redondo lang. Mga after 15 mins na nakarest start na ulit at tuloy tuloy na hanggang maka-abot ako sa destinasyon about 80KM pa.
Siguro sa 10 beses ko na nagbiyahe e 2 times na nangyari sakin at during traffic at nakasindi Aircon. Pag hindi nakasindi aircon at matraffic e d naman nagyayari.
Isa pa ay mahirap cya start pag umaga pro pag na start na one click nalang khit sa hapon ko pa cya uli start.
Napansin ko dn pag nagbibyahe ako e nag flufuctuate ung rpm na parang binobomba ko gas pedal. minsan e ayaw gumana naka point lang sa zero pro umaandar naman makina.
Ano kaya mga dude problema ng pulsar ko?
Thanks in advance sa mga reply nyo.
-
October 24th, 2008 04:53 PM #8
^^^ Kung namamatay lang ang makina pag naka-ON ang aircon, baka idle-up controller (IACV) or servo ang may problema.
Hmmm, yung kaso ko baka nga fuel pump ah.
-
-
October 25th, 2008 02:22 AM #10
yun mga ginawa ng mechanico ng TS ay wlang kinalaman sa namamatay na makina ng wala sa oras. Pag may bulutong ang contact point o sira na condenser di ka mamamatayan ng engine pero medyo mahina lang ang hatak o masama ang idling. yun ignition coil pag sira na mamamatay ang engine mo pag mainit na mianit na siya, basang basahan lang ang katapat niya. di rin ito ang sira kasi sinabi mo may times tuloy ang takbo. tinulak ninyo pero di pa rin umandar diba? it means walang gas na pumapasok sa carb mo. ganyan talaga pag fuel pump o fuel filter ang sira, the engine could die on you anytime and given a rest mag start ulit. palitan mo na para di ka maperwisyo.
Meanwhile, LC80s that are much older than modern expeditions are still fetching for close to a...
2021 Toyota Land Cruiser LC300