New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 72

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    117
    #1
    Question is: Ayaw magstart / saka tinirik ako

    Scene 1: from home mga 1km palang takbo ko bigla ako namatayan. tapos ayaw na magstart and may redondo naman
    have it checked sabi fuel pump daw, so di ko muna pinagalaw. Dinala na sa bahay yung van. Kinabukasan
    tinawag ko sa manong suki, nagstart na bigla yung van inadjust lang niya ang timing..

    Scene 2: pauwi from office mga 14km pag dating sa village namin namatayan ako, ayaw magstart. May redondo naman
    after a few minutes siguro mga 15min nagstart na ulit siya and nakauwi. DInala ko kay manong suki inayos may bulutong
    daw yung contact point so kumpyansa na ulit gamitin

    Scene 3: just two weeks ago, whole day nasa parking ang van pag dating ng gabi ayaw magstart, redondo lang ng redondo
    tinulak namin, ayaw pa din. after mg 30min try uilt ayaw padin magstart puro redondo lagn, plan na sana iwanan pero nag
    last try ako siguro mga after 15min more, ayun nagstart na ulit. okey naman takbo and okey naman bilis na ulit magstart

    Scene 4: from another village after starting pag andar ko mga 5 blocks biglang parang nawalan nanaman aprang nalulunod bigla tapos
    hindi namatay na siya, ayaw magstart ulit, tumawag mekaniko. check niya yung high tension may daloy naman daw ng kuryente
    sabi kagad sakin fuel pump daw, so sabi ko balik ko nalang. tinawagan ko ibang mekaniko. suggest naman madumi
    carburador and adjsut lang daw. tapos nag consult ako sa ibang mekaniko pa. condenser daw and check ignition coil. nai uwi ko
    din pala yung van after mga 20min nagsart na pala siya

    Scene 5: nasa kay manong suki na yung van, tune up niya ulit, tapos binuklat yung contact point pinalitan yung condenser. tapos
    replace ng fuel filter. sabi kasi ni manong hindi naman sira fuel pump (dapat daw pupugak pugak siya muna), suggest ko kay
    manong yung ingition coil, hindi naman daw kasi sira. iinit daw yun kung nagloloko

    ayun lang po, please help di ko magamit sa malayo ang van baka sa edsa ako abutan. anything na pwede ko pa ipacheck?
    need ko ba palitan ang fuel pumP? any suggestion sa ignition coil?.. bakit intermittent yung sira pero pag tumakbo okey naamn


    Thanks in advance.

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    606
    #2
    intermittent problem , medyo mahirap yan

    the best iwan mo sa trusted mechanic mo para maobserbahan ng husto

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #3
    TS: we have the same problem. Kaya nga ayoko munang gamitin yung 97 Accord ko, mahirap na baka itirik pa ko sa daan. Daming gustong mangotong ngayon, malapit na kasi Pasko.

    Anyway, try mo check yung spark plugs baka nababasa ng langis. Kaya pag natuyo, ok na i-start ulit. If so, baka sira na ang spark plug seal. (I checked mine, ok naman ang plugs. Bad trip). Hope others can come up with other ideas

  4. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,725
    #4
    sa hinabahaba ng kwento hindi man lang nabanggit ng TS yung type ng VAN nya or engine model man lang para at least may idea na agad..

    anyway, same scenario happened to me sa Nissan Vannette gas engine carburetor.. minsan okey tuloy tuloy ang takbo tapos pag pinatay mo at nag start ulet biglang parang nalulunod tapos mamatay na.. intermittent talaga yung problem..

    dinala ko na sa ibat ibang mekaniko at sa nissan service center pinalitan ng condenser, contact point, ignition coil, high tension wires, tapos nag overhaul pa ng carburetor ganun pa din problem minsan ok tuloy tuloy walang problem tapos bigla na naman mamatay..

    so ako na gumawa ng paraan suspect ko talaga fuel pump, so i removed it from the gas tank since electronic sya and not mechanical gaya sa mga old gas engines.. pag tanggal ko ng gas tank, i removed the pump - inspect and test - ok naman umaandar.. binalik ko ulet so okey sya for 1 week, then bumalik ulet problem.. so tinanggal ko ulet yung fuel pump ayun na sakto ko hindi sya umandar nung pag test ko, tapos nung kinatok ko ng unti umandar,,, stuck-up na pala...buy ako ng pump 2,500 ayun tapos ang problema...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #5
    must be a fuel pump problem

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    117
    #6
    thanks sa mga inputs..
    specially to yapoy.. vanette gas engine pala sorry,

    kakapalit lang ng fuel filter, tapos tune up and condenser.
    observe ko pa daw muna, di naman daw sira yung ignition coil ko and fuel pump.

    pero based sa diagnostics mo i will consider replacing the fuel pump pag tinigil ako ulit, so di muna ako lalayo sana lang magparamdam na agad na tipong ayaw magstart kesa nasa highway.


    salamat

  7. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    1
    #7
    Parang ganyan din nangyari sa nissan pulsar ko. namamatay makina pro malayo na natakbo mga more than 30KM na. Pro namamatay lang makina pag naka on ung Aircon at matraffic. Pag namatay ayaw mag start redondo lang. Mga after 15 mins na nakarest start na ulit at tuloy tuloy na hanggang maka-abot ako sa destinasyon about 80KM pa.

    Siguro sa 10 beses ko na nagbiyahe e 2 times na nangyari sakin at during traffic at nakasindi Aircon. Pag hindi nakasindi aircon at matraffic e d naman nagyayari.

    Isa pa ay mahirap cya start pag umaga pro pag na start na one click nalang khit sa hapon ko pa cya uli start.

    Napansin ko dn pag nagbibyahe ako e nag flufuctuate ung rpm na parang binobomba ko gas pedal. minsan e ayaw gumana naka point lang sa zero pro umaandar naman makina.

    Ano kaya mga dude problema ng pulsar ko?

    Thanks in advance sa mga reply nyo.

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #8
    ^^^ Kung namamatay lang ang makina pag naka-ON ang aircon, baka idle-up controller (IACV) or servo ang may problema.

    Hmmm, yung kaso ko baka nga fuel pump ah.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,256
    #9
    Galactus and Vanity --> change the fuel pump. Yun na yun mga bro

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #10
    yun mga ginawa ng mechanico ng TS ay wlang kinalaman sa namamatay na makina ng wala sa oras. Pag may bulutong ang contact point o sira na condenser di ka mamamatayan ng engine pero medyo mahina lang ang hatak o masama ang idling. yun ignition coil pag sira na mamamatay ang engine mo pag mainit na mianit na siya, basang basahan lang ang katapat niya. di rin ito ang sira kasi sinabi mo may times tuloy ang takbo. tinulak ninyo pero di pa rin umandar diba? it means walang gas na pumapasok sa carb mo. ganyan talaga pag fuel pump o fuel filter ang sira, the engine could die on you anytime and given a rest mag start ulit. palitan mo na para di ka maperwisyo.

  11. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #11
    All fuel pumps have spec pressure , you need that info, then get a pressure gauge and hook them into your diag connector on your car with testing tool at a repair shop or in your garage and see the pressure. If it's a older car you will need a pressure gauge and hook it up to the pump and crank over the engine, check hoses to make sure there is no any leaks, make sure there is fuel in tank if it's elec check for power & ground at pump--- check fuses also.

    Another way to test the pump(lumang style)
    Unhook the fuel line put that sucker in a bottle and start up see how much of a flow you have, then take it from there this is the poor mans test but it will give you an idea as to how much pump pressure you have.

  12. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    443
    #12
    *Arlmi2000,

    Problema mo ignition coil.

    Quote Originally Posted by Arlmi2000 View Post
    Parang ganyan din nangyari sa nissan pulsar ko. namamatay makina pro malayo na natakbo mga more than 30KM na. Pro namamatay lang makina pag naka on ung Aircon at matraffic. Pag namatay ayaw mag start redondo lang. Mga after 15 mins na nakarest start na ulit at tuloy tuloy na hanggang maka-abot ako sa destinasyon about 80KM pa.

    Siguro sa 10 beses ko na nagbiyahe e 2 times na nangyari sakin at during traffic at nakasindi Aircon. Pag hindi nakasindi aircon at matraffic e d naman nagyayari.

    Isa pa ay mahirap cya start pag umaga pro pag na start na one click nalang khit sa hapon ko pa cya uli start.

    Napansin ko dn pag nagbibyahe ako e nag flufuctuate ung rpm na parang binobomba ko gas pedal. minsan e ayaw gumana naka point lang sa zero pro umaandar naman makina.

    Ano kaya mga dude problema ng pulsar ko?

    Thanks in advance sa mga reply nyo.

  13. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    42
    #13
    Good am.

    Ung 96 mitsu lancer ko ayaw magstart pag malamig. redondo lang. after the distributor was removed or reset, nagsta-start. pero ganun pa rin ayaw mag-start pag malamig. Palit distributor ok na.

    Also have a prob with my toyota corolla 98 recently. Pag nag-menor from high gear biglang merong "klug-klug" sound tapos patay makina. Mag-start lang uli after 15 minutes. D siya patay pag low gear lang. Carburetor repair kit done, ignition coil replaced, ayaw pa rin po. Help please! Thanks.

  14. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #14
    Quote Originally Posted by kudil View Post
    Also have a prob with my toyota corolla 98 recently. Pag nag-menor from high gear biglang merong "klug-klug" sound tapos patay makina. Mag-start lang uli after 15 minutes. D siya patay pag low gear lang. Carburetor repair kit done, ignition coil replaced, ayaw pa rin po. Help please! Thanks.
    Parang may problema sa fuel delivery. Check kung ok pa ang fuel pump, baka nahihirapan na magdeliver ng fuel mula tank papunta engine. Check or replace na din ang fuel filter, baka barado na.

  15. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    117
    #15
    Update on my Intermittent Problem: (vanet gas engine Still Stalling)

    Found out last weekend na gasoline problem, after 30minutes of driving namamatay na siya and will start after 3-5 minutes. Check the tension wire and may karga naman ng kuryente upon checkin.

    Already replaced the following accordingly:
    -Fuel pump
    -Fuel Filter
    -Ignition Coil
    -Distributor Cap
    -Tension Wires
    -Cleaned the carburetor
    -removed strainer going to carb
    -Newly tunedup and adjusted the contactpt/condenser


    Parang nawawala bigla ang gasolina and sudden stall will happen.
    What else to check other than this:?
    -Fuel lines
    -Fuel pump relay
    -rotor distributor
    may kinalaman din kaya itong mga ito?


    what could be the EXACT problem. Suggest pa kayo, nakakaiyak na ito.

intermittent namatayan / start