sa hinabahaba ng kwento hindi man lang nabanggit ng TS yung type ng VAN nya or engine model man lang para at least may idea na agad..

anyway, same scenario happened to me sa Nissan Vannette gas engine carburetor.. minsan okey tuloy tuloy ang takbo tapos pag pinatay mo at nag start ulet biglang parang nalulunod tapos mamatay na.. intermittent talaga yung problem..

dinala ko na sa ibat ibang mekaniko at sa nissan service center pinalitan ng condenser, contact point, ignition coil, high tension wires, tapos nag overhaul pa ng carburetor ganun pa din problem minsan ok tuloy tuloy walang problem tapos bigla na naman mamatay..

so ako na gumawa ng paraan suspect ko talaga fuel pump, so i removed it from the gas tank since electronic sya and not mechanical gaya sa mga old gas engines.. pag tanggal ko ng gas tank, i removed the pump - inspect and test - ok naman umaandar.. binalik ko ulet so okey sya for 1 week, then bumalik ulet problem.. so tinanggal ko ulet yung fuel pump ayun na sakto ko hindi sya umandar nung pag test ko, tapos nung kinatok ko ng unti umandar,,, stuck-up na pala...buy ako ng pump 2,500 ayun tapos ang problema...