Results 51 to 60 of 72
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 27
August 11th, 2011 11:12 PM #51
maraming marami salamat gti
binigyan mo pa ako ng link sipag mo kahit forum lang ito nag bibigay ka ng panahon sa tulad ko walang alam sa sasakyan
salamat talaga
napansin mo din pala sa mga hanap ko saksakyan si misis lang naman kasi medyo lam mo na ako naman kuntento nako sa motor ko
saka nag kakataon lang na pasok sa budget saka gagamtin ko naman sya habang buhay pako kaya susulitin ko na ngyon lang ako magkakasakyan syempre medyo masarap ng gamitin saka masaya anak ko at asawa ko
ito gusto ni misis at mga anak ko starex
sa tingin mo bro hindi ba madugo ang presyo ng pyesa nya saka pag mintina? pwede kaba bigay sampol tulad ng aircon halimbawa bumigay yun compresor nya ... mas mahal paba sya sa mga ginagamit ng toyota ?
nakita ni misis yan carnival ok din sa kanya una nya natanng meron pa ba yan pyesa dito ? di kasi sya pamilyar saka ako na din
maganda ba makina nya matibay? ano yun tdic?
mura ba pyesa nyan mukhang mamahalin na sasakyan yan eh
tipid ba sa gas ganito?
lagi tannong ni misis diesel pa naman yan tahimik ba loob nyan daw baka daw ma vibrate kasi diesel?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 27
August 11th, 2011 11:25 PM #52salamat ulit gti
sa sabado malamang paguusapan namin pamilya yan sila naman kasi napili ako lang taga hanap
pasensyahan mo na magulo isip namin excited kasi sila lalo na mga bata turo dito turo dun pagnaghahanap dito sa internet marami ako nakikitang magagandang sasakyan kung marami lang tyu pera tulad ng boss ko si negro isang puindot lang
una gusto nila talaga starex naging vios tapos crv
sarili ko gusto ko yun lancer cedia ford lynx parang RS saka honda civic parang sir saka ford explorer pick up
o down ko na lang 300k para sa brandnew?
habang buhay namin sasakyan ito
-
Tsikoteer
- Join Date
- Apr 2008
- Posts
- 6,235
August 11th, 2011 11:59 PM #53Ang TDIC is shortcut for turbo diesel intercooler sa pagka-alam ko. Malamang na malamang na mas madami talaga ang piyesa ng Starex pero hindi din naman kaunti ang piyesa ng Carnival since madami din naman ito sa Pinas at binenta itong model hanggang sa mga early to mid 2000s pa kaya medyo bago bago. Nasa decision niyo na kasi yun. Ang Carnival ginawa para sa Amerikano kaya malawak ang loob, mataas na mataas ang safety standards, comfortable ang suspension at yung makina niya mas malakas talaga kumpara sa Starex. Yun nga lang dahil Kia siya at maraming issues ang automatic transmission niya, nadamage ang reputation niya at mababa ang resale value. Ang parts marami sa mga Korean parts shops sa Banawe kaya hindi problema yan, hindi lang talaga kasing mura nung Starex.
Ang Starex naman, mas lumang year model ang makukuha mo as compared sa Carnival for the same amount of money dahil mas mataas ang resale value niya. Comfortable and spacious din naman eto pero di tulad ng Carnival since ang original purpose sa paggawa nito sa Korea is pangharabas talaga. Mas mahina makina neto as compared sa Carnival lalo na kapag matic yan, mahina na malakas pa sa gas.
Kaya ayun, parehong refined Korean vans. Mas bata, mas malakas at mas kumportableng sasakyan + mas mahal na parts o mas luma, less refined na sasakyan + mas murang parts.
-
August 12th, 2011 09:40 AM #54
kung kakayanin mo naman ang monthly payment.. magandang option din yang brand new.. pang down mo yung 300T.. madaming choices.. toyota vios, hyundai accent, honda city, honda jazz.. kung 5 yrs to pay.. mga less than 10T ang monthly mo.. kagandahan pag brand new.. walang masyadong sakit nang ulo kasi may warranty..
-
August 12th, 2011 03:44 PM #55
Dragonical aka Jaguar, kung ano man ang mapili mong sasakyan basta alam mo sa sarili mo na gustong gusto mo ok na yun. Ang maintenance madali yan matutunan kapag nasa iyo na ang sasakyan, kung pyesa naman karaniwan sa mga local na modelo marami ka makikita andiyan naman ang evangelista at banawe.
Yung diesel na carnival naman wag mo alalahanin ang vibrations sa loob ng sasakyan dahil halos wala talaga at di pa matagtag gamitin luxurious pa kung tutuusin. Kung pagpapagawa naman dami na may alam gumawa niyan kasi medyo matagal nang meron sa pinas at medyo madami na rin ang may ari. Tandaan mo lang na dapat meron kaing ititira sa budget mo para sa initial na pagpapagawa ng kung anuman kasi syempre second hand yan kahit pa sabihin ng may ari na sasakyan na lang mas maganda pa rin ang may extrang pera.
-
August 12th, 2011 10:48 PM #56
maganda rin ang starex bro., pang-pamilya. pwede mo pang pang-side line, kung gusto mong gawing passenger van kahit na specialan lang.
ginagawang pangpasahero ang mga ganyan dito sa Bicol, example Naga City-Legaspi City.
maganda rin ang CRV, yon nga lang, malakas ata sa gas.
kung kukuha ka ng brandnew bro, halos maubos ang savings mo and imagine na may monthly payment ka na 10-20K or more for 3-5 years, depende sa sasakyan na mapipili mo. alalahanin mo bro na nag-aaral pa ang mga anak mo, e, magka-college pa.
Base sa experience ko sa 2nd hand car, hindi naman ako gumagastos ng 10-20K a month sa repairs, ang pinakamalaking gastos ko lang e nong bagong bili ko pa lang kasi marami akong parts na pinalitan at biniling accessories, plus transportation expenses, bale inabot ng 79,000. tapos yong ibang repairs, mga 15,000-25,000, pero yong mga pinaayos ko, e aabot naman ng ilang taon. ex: timing belts, papalit ka every 70,000 kms, more or less. yong lower suspension arms ko, inabot lang ng 1 & 1/2 years kasi inabuso ko naman ang driving ko dati, at replacement lang. sabi nga ng mekaniko, pag napalitan mo na ang mga lumang parts e, para na ring bago yan.
yong ibang minor na sira, pwede pang makapaghintay ng ilang buwan o taon habang wala ka pang budget pangpaayos, samantalang kung kukuha ka ng brand new at medyo nagkaroon ng financial problems, e baka ma-repossess pa ang car mo. baka masayang lang ang down payment mo at monthly payments, marami na pong naka-experience ng ganito.
pero tama yang ginagawa mo na mukhang di ka naman masyadong nagmamadali.
pag-isipan mo ng mabuti kung brand new o 2nd hand ang bibilhin mo, baka makatulong tong thread na to:
http://tsikot.com/forums/car-compari...new-car-77709/
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2008
- Posts
- 944
August 13th, 2011 01:03 AM #57kung lilimitahan ko from the choices
sana makakuha ka ng murang starex at sana diesel. kung masira man yung ibang pyesa, at least meron ka pang matitirang pera na pwede magamit -yun eh kung makakuha ka nga ng murang crdi.
revo - good another option than the starex. can haul many people (5+ passengers). masakit sa pwet yung 3rd row seats sa lubak kapag di maganda pagkatama mo sa lubak/humps. pero aside from that, this is also capable of hauling many items which i believe is also essential to every family. di ko sure about fuel consumption pero sa tingin ko naman eh reasonable. another thing that you could love for this AUV eh yung ground clearance niya lalo na kapag may slight na baha sa dinadaanan niyo.
vios - sub compact, fits 5. pero i suggest don't use this for long trips ng puno kayo, 4 would be good. short trips, 5 ok naman. efficient and madami mabibilihan parts dahil masyado marami meron nito sa kalsada. add to that eh ample cargo space but this is not good for hauling so many heavy stuffs.
i10 celerio picanto or any other kei cars = a big NO. they're so small that they're efficient. though they are good, 4 lang ang comfortable diyan in the long run. buying i10 / celerio or even the new picanto (just incase) means that malaki laking cash out iyan. if you're capable then go, pero size lang talaga problema mo diyan. small wheels nila might not be good for heavy passengers din. pero if this would only be used as a personal car? they're one of the best choice on your list.
since pera niyo sa bank eh eh around 300k+, i'd suggest not to use all of them. why? ilang years mo rin kasi inipon yan... isipin mo na lang kapag ginamit mo na tapos bigla kayong nagkaroon ng something urgent na kailangang bayaran diba?
buy something around 200k+ para may matira pa kayong savings
madami maganda din isuggest na ok sa family niyo kagaya nga rin nung avanza for example but i decided to stick muna sa options niyo since di na ko nag back read ng 4 pages...
EDIT: i prefer something big for your family and not sedans lalo na kung madalas family ang sasakay or main purpose. pero kung may halong personal trip, sedans would be good din...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2010
- Posts
- 301
August 14th, 2011 12:50 AM #58TOYOTA AVANZA - one of the cheapest among the line of cars in toyota, definitely a perfect family car. 1.5 G for me. ((Something I heard na 50k - 80k lang daw ang d/p nito, correct me if i'm wrong.)[/QUOTE]
Sir Zap kung Avanza 1.3 J para kay sir dragonical and fuel efficient din. May idea ka sa pros and cons ng 1.3 Avanza. Or stick pa rin sa 1.5 G?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 27
August 16th, 2011 10:43 PM #59salamat ulit sa tips
nagustuhan ni misis kia carnival sa pic
pare matanng ko lang kasi nun sunday my nakita sa parking alabang filinvest na ganun itsura kia carnival yun pala kia sedona
parehas ba yun? parehong local asemble dito?
nakita ni misis saka mga bata personal kia sedona ok sa kanila porma saka mukhang malaki mukhang kasyang kasya
parang kotse din malamang ok sa byahe ito komportable ka
nasabi ni misis kaso kia yan mahinang klase (naaala nya kia pride na sirain) ok ba yan matibay ba? kaya ba yan 3 sako bigas saka ibang tanim inani baka bumigay agad yan
ano tingin mo bro kayanin kaya nya baba taas cavite to tanay rizal
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 27
August 16th, 2011 10:59 PM #60yan nga hinahanap ko starex na diesel para sa hatak saka akyatan lalo na pag my dala ako bigas sa ani saka laman ng paninda sa palengke saka sa pyesa ng computer shop ko
isa din purpose ko yun maarkila yun sasakyan yun sundo sundo lang sa airport saka swiming dagdag kita din kahit paano
na dismaya na ko sa spark maliit smin
hangang 2nd hand lang muna saka na brandnew importante my magamit kami pamilya
salamat pare sa advice
if you are desperate, try SM city hall, taking the LRT to and from vito cruz. Manilamed public...
Recommended Parking Near De La Salle (Taft)