good day fellow tsikoteer
tawagin nyo na lang ako jaguar
hihingi sana ako tulong sa pag pili ng saksakyan ng pamilya ko
kwento ko lang ng kaunti bakit nag decide na kami ng asawa ko bumili ng sasakyan magagamit para mapicture nyo
minsan kasi pumunta kami sa birthday ng kapatid ko sa makati kasama ko pamilya ko
inabot kami ng gabi sa pag uwi nagkataon umulan nun gabi pauwi na kami di ko lam uulan kasi maaraw nun umalis kami dito sa cavite hangang sa makati di ko inexpect ganun
inabot kami sa baclaran ng malakas na ulan halos wala kami masakyan dami din nag iintay basang basa kami lahat
ayaw na kami isakay sa taxi kasi basa na daw pati sa bus sa jeep lang kami nakasakay
nilagnat anak ko bunso 5yrs old kinabukasan
kwento ko na din trabaho ko saka misis para matansya nyo kung kaya ko ba ganun sasakyan
ex marines ako ngyon personal close in bodyguard driver ng isang mayor sa metro manila, dati ako sa tatay nya for 9yrspero mas mataas na position nya ngyon kaya pinasa nya nako sa anak nya mayor
si misis ay isang teacher sa isang public school dito sa dasmarinas cavite
sweldo ko nasa 24k take home pay ko my kaunting tip pag ginagabi kami ni mayor
si misis 15k
3 anak ko 13 , 11, 5yrs old
wala nako pinag gagastusan bayad na bahay ko maliban pag aaral ng anak ko 3
ito na po mga nagugustuhan ko saksakyan pag pasenyahan nyo nako wala ko alam ni isa sa sasakyan maliban sa pag drive yun lang kasi trabaho ko kay junjun
ang pera ko pala napagipunan namin mag asawa nasa bangko ngyon P312,590 dugo pawis namin hindi galing kay negro
ang criteria namin sa sasakyan:
1.syempre matipid po sa gas ordinaring empleyado lang kami di namin kaya gumastos kagaya ng ni mayor negro
2.maintenance yun mura parts syrmpre 2nd hand na
3.ayaw ni misis maingay na sasakyan yun naririnig yun tunog ng gulong sa edsa
4.syemrre yun hindi naman sirain
5.saka pwede sa mabibigat dalahin meron kasi taniman kapatid ko nakakahingi ng kaunti
ito na yun nagugustuhan ko saka ni misis
karamihan mga kakilala at nasasabi binibenta na yun sasakyan dito sa loob ng subd namin
1. lancer 2003 sa kumpare ko ito seaman binibenta na nya nabasa ko dito sa forum ay cedia ganitong modelo
gustong gusto ko porma nya saka kulay blue mukha pa din bago 290 nya binibenta 1st owner casa maintenance daw
kaso my mga bad feedback sa mga nabasa ko
malakas sa gas totoo ba? nag 6km per ltr lang daw
kalampagin daw mga suspension
sirain yun servo
mahal ang parts parang honda na din daw sabi ng may ari
medyo mahirap pyesa sa suking tindahan daw sabi nya sa casa nya pa binibili
ano pa ang masasabi nyo sa sasakyan ito ok ba o wag na sayang lang pera inipon mo?
pero gustong gusto ko talaga sya
2. starex 2002 medyo gusto ko din ito gustong gusto ni misis kasi malaki daw para sa mga bata maluwag
nakita ko na personal binibenta ng may ari malapit sa gate subd 370 daw rush na bibili daw kasi bago sasakyan
sa nabasa ko lakas daw sa gas nito?
sobrang mahal pyesa? kahit na maliit na pyesa nya saka pagawa
medyo ok skin kasi dami pyesang mabibili sa imus cavite sophia mga surplus
sa mga suking auto suply marami na ba yan ?
lagi daw nag ooverheat ganyan sasakyan saka sirain sabi ng nag runong runongan kapitbahay ko
3.revo gsx di ko nakuha ano model kulay brown plate number XLT nakita ko lang 4 sale dumadaan sa street namin
di ko pa nakita ng personal
balita ko mahina daw makina 7k kaya malakas daw sa gas ?
tahimik ba yun loob? bilin skin lagi ni misis
ok pa ba ganitong model
4. toyota gli 96 saka civic 2001
isa may ari nabangit skin minsan naka inuman ko tropa ka lugar ko din
nakita ko ok naman mukha pa din bago lalo na yun corola gli bihira daw gamitin yun civic madalas gamitin
nabasa ko sa honda ok na ok ganitong model wag lang 2003 model pataas kasi matigas suspension
ano tingin nyo ok ?tipid mura pyesa di sirain saka tahimik loob kalampagin ba ok ba pang ilalim
yun kapit bahay ko nag sugest sabi ipon n lang daw ako para yun medyo bago bago pa mga 2007 up daw
medyo my punto sya di ganun nagmamadali
o kaya daw mag instalment na lang daw ako idown ko daw pera ko siguro maliit n lng daw mothly ko
sugestion ng mga kasama ko sa trbaho kung naghahanap daw ako matipid na saksakyan ito daw bilhin ko
kia picanto 2011 nakita ko pic nya maganda porma nya sa pic sa sulit nagustuhan ko agad
chevrolet spark 2011 nakita kn din pic mas pogi nga ito. ito daw yun sa transformer
hyundai i10 di ko gusto porma malaki ulo pero sa nabasa ko ok na ok daw
suzuki celerio ito rin pogi ok skin
vois parang ordinary na lang pero ok lang skin basta matibay maasahan at matipid
sa mga nabangit ko sasakyan tulungan nyo naman ako ano ok dyan
kakasya ba kami 5?
tahimik daw ba sabi lagi ni misis?
sino kaya pinaka matipid?
patibayan saka dami ng pyesa sino nakakalamang?
marami na bang pyesa yan sa suking auto suplly?
baka sirain pa ito ? mga bago pa kasi di perfect puro trial n error pa
ayoko pa kasi ng hyundai mga bago parang di pa subok na matibay my mga sira agad tulad accent ba yun
mahaba na pala pasenya pasenya na sana pagtyagaan nyo ako kasi wala talaga kami pamilya ko alam sa sasakyan.
yoko kasi maniwala sa mga tropa ko madalas inaahente nila ako sa saksakyan ok daw ito ok daw yun
dami ko kasi naiisip hehehe ayoko kasi masayang pera namin ilan taon ko inipon ito makakabili kami sirain
kaya humihingi ako ng payo sa inyo mga expert




Reply With Quote
Ako kasi, nahihirapang mag-ipon sa panahon ngayon. kung wala sana kaming loans, e, gross income namin ni mrs., e halos 70K per month, pero ang net income/take home namin ngayon e halos 40K na lang dahil sa loans and salary deductions like taxes, gsis/sss contributions, tapos, wala pa kaming sariling house and lot. 2 pa lang ang anak namin. 8 saka 3 years old. Pero nakapagpa-graduate na rin kami ng 3 bros. ni mrs. sa college. Sabagay, 32 pa lang naman ako ngayon and 31 si mrs. OT na, pero naki-share na rin ako ng pang-maalaala mo kaya story mo. (joke lang bro.) 

