New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 72
  1. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    27
    #1
    good day fellow tsikoteer
    tawagin nyo na lang ako jaguar
    hihingi sana ako tulong sa pag pili ng saksakyan ng pamilya ko
    kwento ko lang ng kaunti bakit nag decide na kami ng asawa ko bumili ng sasakyan magagamit para mapicture nyo
    minsan kasi pumunta kami sa birthday ng kapatid ko sa makati kasama ko pamilya ko
    inabot kami ng gabi sa pag uwi nagkataon umulan nun gabi pauwi na kami di ko lam uulan kasi maaraw nun umalis kami dito sa cavite hangang sa makati di ko inexpect ganun
    inabot kami sa baclaran ng malakas na ulan halos wala kami masakyan dami din nag iintay basang basa kami lahat
    ayaw na kami isakay sa taxi kasi basa na daw pati sa bus sa jeep lang kami nakasakay
    nilagnat anak ko bunso 5yrs old kinabukasan

    kwento ko na din trabaho ko saka misis para matansya nyo kung kaya ko ba ganun sasakyan
    ex marines ako ngyon personal close in bodyguard driver ng isang mayor sa metro manila, dati ako sa tatay nya for 9yrspero mas mataas na position nya ngyon kaya pinasa nya nako sa anak nya mayor
    si misis ay isang teacher sa isang public school dito sa dasmarinas cavite
    sweldo ko nasa 24k take home pay ko my kaunting tip pag ginagabi kami ni mayor
    si misis 15k
    3 anak ko 13 , 11, 5yrs old
    wala nako pinag gagastusan bayad na bahay ko maliban pag aaral ng anak ko 3

    ito na po mga nagugustuhan ko saksakyan pag pasenyahan nyo nako wala ko alam ni isa sa sasakyan maliban sa pag drive yun lang kasi trabaho ko kay junjun

    ang pera ko pala napagipunan namin mag asawa nasa bangko ngyon P312,590 dugo pawis namin hindi galing kay negro

    ang criteria namin sa sasakyan:
    1.syempre matipid po sa gas ordinaring empleyado lang kami di namin kaya gumastos kagaya ng ni mayor negro
    2.maintenance yun mura parts syrmpre 2nd hand na
    3.ayaw ni misis maingay na sasakyan yun naririnig yun tunog ng gulong sa edsa
    4.syemrre yun hindi naman sirain
    5.saka pwede sa mabibigat dalahin meron kasi taniman kapatid ko nakakahingi ng kaunti
    ito na yun nagugustuhan ko saka ni misis
    karamihan mga kakilala at nasasabi binibenta na yun sasakyan dito sa loob ng subd namin
    1. lancer 2003 sa kumpare ko ito seaman binibenta na nya nabasa ko dito sa forum ay cedia ganitong modelo
    gustong gusto ko porma nya saka kulay blue mukha pa din bago 290 nya binibenta 1st owner casa maintenance daw
    kaso my mga bad feedback sa mga nabasa ko
    malakas sa gas totoo ba? nag 6km per ltr lang daw
    kalampagin daw mga suspension
    sirain yun servo
    mahal ang parts parang honda na din daw sabi ng may ari
    medyo mahirap pyesa sa suking tindahan daw sabi nya sa casa nya pa binibili
    ano pa ang masasabi nyo sa sasakyan ito ok ba o wag na sayang lang pera inipon mo?
    pero gustong gusto ko talaga sya

    2. starex 2002 medyo gusto ko din ito gustong gusto ni misis kasi malaki daw para sa mga bata maluwag
    nakita ko na personal binibenta ng may ari malapit sa gate subd 370 daw rush na bibili daw kasi bago sasakyan
    sa nabasa ko lakas daw sa gas nito?
    sobrang mahal pyesa? kahit na maliit na pyesa nya saka pagawa
    medyo ok skin kasi dami pyesang mabibili sa imus cavite sophia mga surplus
    sa mga suking auto suply marami na ba yan ?
    lagi daw nag ooverheat ganyan sasakyan saka sirain sabi ng nag runong runongan kapitbahay ko

    3.revo gsx di ko nakuha ano model kulay brown plate number XLT nakita ko lang 4 sale dumadaan sa street namin
    di ko pa nakita ng personal
    balita ko mahina daw makina 7k kaya malakas daw sa gas ?
    tahimik ba yun loob? bilin skin lagi ni misis
    ok pa ba ganitong model

    4. toyota gli 96 saka civic 2001
    isa may ari nabangit skin minsan naka inuman ko tropa ka lugar ko din
    nakita ko ok naman mukha pa din bago lalo na yun corola gli bihira daw gamitin yun civic madalas gamitin
    nabasa ko sa honda ok na ok ganitong model wag lang 2003 model pataas kasi matigas suspension
    ano tingin nyo ok ?tipid mura pyesa di sirain saka tahimik loob kalampagin ba ok ba pang ilalim

    yun kapit bahay ko nag sugest sabi ipon n lang daw ako para yun medyo bago bago pa mga 2007 up daw
    medyo my punto sya di ganun nagmamadali
    o kaya daw mag instalment na lang daw ako idown ko daw pera ko siguro maliit n lng daw mothly ko

    sugestion ng mga kasama ko sa trbaho kung naghahanap daw ako matipid na saksakyan ito daw bilhin ko
    kia picanto 2011 nakita ko pic nya maganda porma nya sa pic sa sulit nagustuhan ko agad
    chevrolet spark 2011 nakita kn din pic mas pogi nga ito. ito daw yun sa transformer
    hyundai i10 di ko gusto porma malaki ulo pero sa nabasa ko ok na ok daw
    suzuki celerio ito rin pogi ok skin
    vois parang ordinary na lang pero ok lang skin basta matibay maasahan at matipid

    sa mga nabangit ko sasakyan tulungan nyo naman ako ano ok dyan
    kakasya ba kami 5?
    tahimik daw ba sabi lagi ni misis?
    sino kaya pinaka matipid?
    patibayan saka dami ng pyesa sino nakakalamang?
    marami na bang pyesa yan sa suking auto suplly?
    baka sirain pa ito ? mga bago pa kasi di perfect puro trial n error pa

    ayoko pa kasi ng hyundai mga bago parang di pa subok na matibay my mga sira agad tulad accent ba yun

    mahaba na pala pasenya pasenya na sana pagtyagaan nyo ako kasi wala talaga kami pamilya ko alam sa sasakyan.
    yoko kasi maniwala sa mga tropa ko madalas inaahente nila ako sa saksakyan ok daw ito ok daw yun
    dami ko kasi naiisip hehehe ayoko kasi masayang pera namin ilan taon ko inipon ito makakabili kami sirain
    kaya humihingi ako ng payo sa inyo mga expert

  2. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    27
    #2
    haba pala ngyon ko lang napansin sinama sama ko na kasi lahat
    sana mapagtyagaan nyo basahin saka ako pagtyagaan nyo as in wala ako alam sasakyan lam ko lang palit gulong lagay tubig sa radiator

    nakikikumputer lang kasi ako dito sa kapitbahay ko kaya sinulit ko na

  3. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    1,463
    #3
    nya ha ha.. kay VP Rambo ka pala. Inis ako sa mga tauhan nya. hawiin ba naman kami nung nadalaw sya sa cembo. Mayor pa siya nun..

    BTT;
    Wag na Revo, pinaka-practical is vios. Or kung ako nasa kalagayan mo- MPV.. (Avanza)..
    Sa mga small hatch, ok rin Picanto.. kung ayaw mo ng i10, try the Getz..

    Bili ka ng Sunday bulletin.. Kahit 250K na budget, makakakuha ka ng magandang "pre-owned" na sasakyan..

    HTH.. antayin mo lang ibang tsikoteers... and maki-computer ka ulit para mabasa mo tong thread mo..


  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    Medyo binilisan ko nalang yung pag-basa ano. So sa choices niyo po I would like to give some of my comments about it, pero consider niyo po ito as an opinion rather than a FACT.

    1. Lancer 2003 - Maayos naman ito. Malakas sa gas ... HMMM. Medyo. Tapos yung aircon hindi siya ganun ka-lakas sobra. Tolerable naman po. Then, kung CASA maintained nga siya, sa 290k po eh okay na yan. Parts naman eh hindi ganun ka-problema pero hindi din naman po ganun ka-rami sa labas. Banawe for sure meron, pero yung mga tabi tabing auto supply hindi ko lang alam.

    2. Starex 2002 - Okay ito. Pero kung yung CRDi po ang kukunin niyo, medyo mag-ingat po dahil posibleng masira na ang injectors lalo na't kung 100,000kms na ang tinakbo nito. Mahal po kasi iyon ipagawa. Pero kung sa TCi naman po ay okay naman siya.

    3. Revo GSX - Gas po ba? Kasi po meron po yung pamilya ko nito. 2.0EFi po A/T. Kung malakas sa gas ay iiklian ko ang sagot ko -- OO. Tapos medyo matagtag po siya sa 3rd row seat.

    4. Toyota Corolla GLi/Honda Civic - Maari po ay kalimutan niyo na ito. Marami po kayo makukuha na mas maganda dito sa dalawang ito sa budget niyo na 300k. Although I own a Corolla, hindi ko na siya irerecommend since it's more than a decade old already.

    Re brand new :

    Kung hindi po sustainable yung monthly income niyo ay delikado po kumuha ng brand new ngayon. Lalo na't maraming gastusin kapag idinaan through financing. Ang chattel mortgage, ang annual insurance at ang monthly na hulugan. Baka hindi niyo po kayanin. At maliit po yung kotse na mga napili niyo. Spark? i10? Small cars.

    Kung ako po sainyo ay titingin ako sa mga kotseng may mababang resale value such as Nissans.

  5. Join Date
    May 2010
    Posts
    1,736
    #5
    Ser, bigyan kita ng mga choices na bagay sa criteria mo (don't worry, family friendly po sila):
    1. Toyota Corolla Altis (2001-2003) - top choice ko.
    2. Nissan Sentra Exalta N13(2001-2003) - Maraming luxury features for its price (forget about the B14 Sentra Exalta, daming electricals na papaayusin for a 10 year old car)
    3. Honda City (2001-2003)
    4. Honda Civic (2001-2003)
    5. Mitsubishi Lancer (2001-2003) - Kung ang Cedia body ang titignan, check the CVT transmission kung worn out ang clutch
    6. Toyota Vios - konti dagdag nalang
    7. Hyundai Getz
    8. Hyundai Matrix - Bagay to
    9. Mitsubishi Adventure - Diesel ang kunin kasi malakas ang gas version
    10. Toyota Revo - Same comment as Adventure.

  6. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #6
    parang "maalaala mo kaya" ang istorya niyo sir, medyo may kahabaan e,

    ok sir, let me begin on evaluating your choices,

    1st The Lancer Cedia - this is NOT a good choice. Period. Why? As what our brother here in tsikot- Renzo says that hindi akalakasan ang aircon, tumpak siya don, isa pa, my professor owns one and I asked him what is the bad side of that car, sabi humihina daw ang hatak ng cedia habang tumatagal di tulad nung, ewan ko lang sa ibang unit but I read a rumor here that also says that na humihina ang engine ng cedia habang tumatagal, may kalakasan sa gas? yes, it's only playing for about 6 - 8km/L ata.

    2nd Toyota Revo - can be considered na rin for me, Actually we have one, yun amin naman po e Toyota Revo 1.8EFi GLvariant M/T, medyo matipid to kasi 1.8 lang saka manual pa kesa sa mga 2.0 revo's , actually the FC of our Revo is playing around 8 - 9 km/L, ok na rin sakin, actually I also used to make it as a rental car, 350php worth of gas can reach from san pedro laguna to naia 1 then back to san pedro again, ay swak na swak talaga. Good things about the Revo are:quiet engine (in and out), easy to maintain/low maintenance, cheap spare parts since it is only a gas engine, aircon is good enough, climbing power is so..so...di ka pababayaan--malakas din kasi yung torque niya yan ang AUV! (kaya ano yun sinasabi nilang mahina daw ang makina?hindi naman, I used to put heavy load on it from my customer dahil nga sa rental business namin, pero di nangangayaw), super lambot steering (so very easy to steer, kahit three fingers lang pang-steer mo), legroom is enough for medium bulit person (kaya kasyang kasya kayo, kahit tumambling pa po mga anak mo sa loob, joke lang!) at spacious.

    If you can stretch your budget, pick a VIOS - it is definitely a good car for your family, even you can get a 1.3 it can already fulfill your travel needs, speed and power is enough for your category, can bring you from point A to point B simply, hassle-free, Good thing is it is fuel efficient, comfort is enough, easy to maintain,

    TOYOTA AVANZA - one of the cheapest among the line of cars in toyota, definitely a perfect family car. 1.5 G for me. ((Something I heard na 50k - 80k lang daw ang d/p nito, correct me if i'm wrong.)

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #7
    Good day Sir! Considering na may tatlo na kayong anak, kailangan siguro niyo yung medyo malaki-laki na sasakyan dahil bukod sa tao, kailangan din po may lugar para sa gamit nila lalo na kung mag-out of town. Kaya hindi ko na i-susuggest ang mga auto. Enumerate ko ang ilan sa mga magandang pagpilian.

    1. Toyota Revo diesel- Meron kaming 2001 Revo GLX diesel at matibay talaga ito. Malawak ang loob, madaling sumingit sa mga makipot-kipot o matrapik na daan dahil hindi siya sobrang laki at mataas siya, at matipid talaga ito sa gas, although hindi talaga ito mabilis na sasakyan. Kung i-mamaintain niyo po ng maayos, maganda naman ang takbo niya although may pagkaingay talaga ang makina lalo na in low rpm at high gear (example: 1200rpm at 4th gear, 30-40km/h approx, masakit talaga sa tenga). Kung Revo ang kukunin niyo, suggestion ko diesel lang ang tingnan dahil ang gasoline version nun wala nang hatak, malakas pa sa gas (esp. city driving, in stop and go traffic) mas lalo na kung matic ang nakuha niyo. At isa pa, ang lamig lamig ng aircon nito!
    2. Isuzu Crosswind- tulad ng Revo ito isa ring matibay na sasakyan, matipid sa gas. Para sa akin mas hindi ganun ka sakit sa tenga ang tunog ng makina neto, pero ako lang yun, hindi ako sure sa iba.
    3. Hyundai Starex- Kung ang habol niyo talaga ay space and comfort, Starex talaga ang kunin. Pero be sure na manual na Turbo Intercooler version ang hanapin para hindi kapos sa lakas at mas matipid sa krudo. Hindi naman mahal ang piyesa nito at maraming mapagbilhan. Kung kukuha nito, tingnan muna ng maigi kung may mga kalawang na dahil ito ang sakit niya.

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,725
    #8
    adventure?? may mabibili na sa ganyan price range.. wag kotse kasi masikip na kayo dun.. ok din yung mga wagon type na car like space wagon, echo verso, or yung toyota BB scion

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #9
    Quote Originally Posted by GTi View Post
    Good day Sir! Considering na may tatlo na kayong anak, kailangan siguro niyo yung medyo malaki-laki na sasakyan dahil bukod sa tao, kailangan din po may lugar para sa gamit nila lalo na kung mag-out of town. Kaya hindi ko na i-susuggest ang mga auto. Enumerate ko ang ilan sa mga magandang pagpilian.

    1. Toyota Revo diesel- Meron kaming 2001 Revo GLX diesel at matibay talaga ito. Malawak ang loob, madaling sumingit sa mga makipot-kipot o matrapik na daan dahil hindi siya sobrang laki at mataas siya, at matipid talaga ito sa gas, although hindi talaga ito mabilis na sasakyan. Kung i-mamaintain niyo po ng maayos, maganda naman ang takbo niya although may pagkaingay talaga ang makina lalo na in low rpm at high gear (example: 1200rpm at 4th gear, 30-40km/h approx, masakit talaga sa tenga). Kung Revo ang kukunin niyo, suggestion ko diesel lang ang tingnan dahil ang gasoline version nun wala nang hatak, malakas pa sa gas (esp. city driving, in stop and go traffic) mas lalo na kung matic ang nakuha niyo. At isa pa, ang lamig lamig ng aircon nito!
    2. Isuzu Crosswind- tulad ng Revo ito isa ring matibay na sasakyan, matipid sa gas. Para sa akin mas hindi ganun ka sakit sa tenga ang tunog ng makina neto, pero ako lang yun, hindi ako sure sa iba.
    3. Hyundai Starex- Kung ang habol niyo talaga ay space and comfort, Starex talaga ang kunin. Pero be sure na manual na Turbo Intercooler version ang hanapin para hindi kapos sa lakas at mas matipid sa krudo. Hindi naman mahal ang piyesa nito at maraming mapagbilhan. Kung kukuha nito, tingnan muna ng maigi kung may mga kalawang na dahil ito ang sakit niya.
    tama sir, and additional to that, Revo Diesel is a good one. About what your doubting for the engine sound, natural naman talaga na mas malakas ang engine sound ng diesel kesa gas, When your in outside noticeable yun pero hindi ganoon ka disturbing (but for the gas engine parang tunog lang ng electric fan) but pagnasa cabin ka na ng isang diesel engine car, you can only hear it normally na mahina and there's a small feeling of vibration and again this is will NOT BE DISTURBING to you sir,

    about sa Isuzu Crosswind- another good option to be consider, actually ilang beses na ako nakasay sa mga GT express na crosswinds, maingay yung makina nila labas pero sa lcabin OK lang, pagnaka-on yung stereo ayun mas ma-ok entertaining, 2.5 diesel, so powerful! diesel-efficient and easy to maintain just like the revo, aircon-sapat lang. Climbing power- never kang ibibitin for sure,

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #10
    Quote Originally Posted by zap.FREEDOM View Post
    parang "maalaala mo kaya" ang istorya niyo sir, medyo may kahabaan e,

    ok sir, let me begin on evaluating your choices,

    1st The Lancer Cedia - this is NOT a good choice. Period. Why? As what our brother here in tsikot- Renzo says that hindi akalakasan ang aircon, tumpak siya don, isa pa, my professor owns one and I asked him what is the bad side of that car, sabi humihina daw ang hatak ng cedia habang tumatagal di tulad nung, ewan ko lang sa ibang unit but I read a rumor here that also says that na humihina ang engine ng cedia habang tumatagal, may kalakasan sa gas? yes, it's only playing for about 6 - 8km/L ata.

    2nd Toyota Revo - can be considered na rin for me, Actually we have one, yun amin naman po e Toyota Revo 1.8EFi GLvariant M/T, medyo matipid to kasi 1.8 lang saka manual pa kesa sa mga 2.0 revo's , actually the FC of our Revo is playing around 8 - 9 km/L, ok na rin sakin, actually I also used to make it as a rental car, 350php worth of gas can reach from san pedro laguna to naia 1 then back to san pedro again, ay swak na swak talaga. Good things about the Revo are:quiet engine (in and out), easy to maintain/low maintenance, cheap spare parts since it is only a gas engine, aircon is good enough, climbing power is so..so...di ka pababayaan--malakas din kasi yung torque niya yan ang AUV! (kaya ano yun sinasabi nilang mahina daw ang makina?hindi naman, I used to put heavy load on it from my customer dahil nga sa rental business namin, pero di nangangayaw), super lambot steering (so very easy to steer, kahit three fingers lang pang-steer mo), legroom is enough for medium bulit person (kaya kasyang kasya kayo, kahit tumambling pa po mga anak mo sa loob, joke lang!) at spacious.

    If you can stretch your budget, pick a VIOS - it is definitely a good car for your family, even you can get a 1.3 it can already fulfill your travel needs, speed and power is enough for your category, can bring you from point A to point B simply, hassle-free, Good thing is it is fuel efficient, comfort is enough, easy to maintain,

    TOYOTA AVANZA - one of the cheapest among the line of cars in toyota, definitely a perfect family car. 1.5 G for me. ((Something I heard na 50k - 80k lang daw ang d/p nito, correct me if i'm wrong.)
    Dun sa Cedia, di kaya dahil hindi minemaintain ng maayos ang kotse kaya humihina ang hatak? Siguro kaya may kailangang linisin o palitan? O ganun talaga ang makina? I've always thought that Mitsubishi should've stuck with the 4G92 found in the Itlog Lancer rather than shifting to the seemingly inferior 4G18 and they should've employed MIVEC in it a long time ago.

    About sa Revo, kumusta naman ang takbo ng 1.8EFI esp. as compared to the diesel? Sa pagkaalam ko kasi mahina ito at ire-rev mo siya ng mataas para magkaron ng torque. How's the fuel mileage in stop and go city driving? Nagiging mababa ba like most gasoline engines do?

    *TS: I would suggest that you get a vehicle that seats more than five people. Sigurado naman paminsan-minsan kakailanganing sumakay ng mga kamag-anak o kaibigan kasama ang pamilya

  11. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #11
    TS, pasok din sa budget mo ang kia carnival. Di naman ito mahirap i-maintain tapos diesel pa. O kaya naman ay toyota liteace, ito kahit saan ka sa pilipinas may mabibilhan kang pyesa.

  12. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #12
    Quote Originally Posted by Bin Diesel View Post
    TS, pasok din sa budget mo ang kia carnival. Di naman ito mahirap i-maintain tapos diesel pa. O kaya naman ay toyota liteace, ito kahit saan ka sa pilipinas may mabibilhan kang pyesa.
    Maganda rin ang Kia Carnival, ginawa ito para sa US market kaya kumportable at may 5 star crash rating pa sa US NHTSA. Yun nga lang, kung kukunin niyo ito, manual lang po dahil matic ang pinakasakit niya, at medyo malakas sa diesel ito kapag matic. Hindi rin kasing tipid ng Starex dahil 2.9L ang engine nito pero mas malakas talaga toh.

  13. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #13
    Quote Originally Posted by GTi View Post
    Dun sa Cedia, di kaya dahil hindi minemaintain ng maayos ang kotse kaya humihina ang hatak? Siguro kaya may kailangang linisin o palitan? O ganun talaga ang makina? I've always thought that Mitsubishi should've stuck with the 4G92 found in the Itlog Lancer rather than shifting to the seemingly inferior 4G18 and they should've employed MIVEC in it a long time ago.

    About sa Revo, kumusta naman ang takbo ng 1.8EFI esp. as compared to the diesel? Sa pagkaalam ko kasi mahina ito at ire-rev mo siya ng mataas para magkaron ng torque. How's the fuel mileage in stop and go city driving? Nagiging mababa ba like most gasoline engines do?

    *TS: I would suggest that you get a vehicle that seats more than five people. Sigurado naman paminsan-minsan kakailanganing sumakay ng mga kamag-anak o kaibigan kasama ang pamilya
    hindi alam, pero sabi nila common daw to sa cedia, maintenance measure ewan, marami din kasing factors para humina ang hatak ng kotse e,

    about sa Revo, worst talaga sa traffic, 4 or 6 km/L something. Pero pagrektahan ayun, bawi ako dyan. Tama ka sir.Gti, Revving high para humatak talaga pero sanay na ako, that's why kapag naahon ako minsan, then mag-ddownshift ako from 3rd gear to 2nd gear, I hit the rpm at 3000 to 4000, then engange the clutch :D para matulin umahon saka magka-torque, then sa straight roads naman, my shifting point must not exceed 3500rpm (to conserve fuel) or playing around 2000rpm to 3000rpm para tipid!

    (kaso, yun nga pag-stop ang go, kailangan may kabigatan ang paa ko, pagbiglang arangkada sa 1st gear I need to step heavily on the gas para umarangkada din, parang yung case din sa innova vvti) mabigat ang kaha para sa makina.

  14. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #14
    Sa tingin ko Avanza J bagay sayo, basic and simple , matipid sa gas, cheap to maintain, can seat more than 5 (7 seater), versatile, big cargo space, cheap parts and widely available, easy to drive because of sleekness and tall rider, rear wheel driven, very practical car. Problema gusto ng mrs mo tahimik eh, walang sound deadening yan similar to sub compact cars dinig mo yung noise sa labas pati vibration ng body during high speed cruising on rough surface, pero kung sa city ka ok lang. Kung gusto mo tahimik yung mga hi-end yun na full sized sedan or SUV

    Meron na ata 320k nyan wag lang white ha baka x-taxi yan.

  15. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #15
    Quote Originally Posted by zap.FREEDOM View Post
    hindi alam, pero sabi nila common daw to sa cedia, maintenance measure ewan, marami din kasing factors para humina ang hatak ng kotse e,

    about sa Revo, worst talaga sa traffic, 4 or 6 km/L something. Pero pagrektahan ayun, bawi ako dyan. Tama ka sir.Gti, Revving high para humatak talaga pero sanay na ako, that's why kapag naahon ako minsan, then mag-ddownshift ako from 3rd gear to 2nd gear, I hit the rpm at 3000 to 4000, then engange the clutch :D para matulin umahon saka magka-torque, then sa straight roads naman, my shifting point must not exceed 3500rpm (to conserve fuel) or playing around 2000rpm to 3000rpm para tipid!

    (kaso, yun nga pag-stop ang go, kailangan may kabigatan ang paa ko, pagbiglang arangkada sa 1st gear I need to step heavily on the gas para umarangkada din, parang yung case din sa innova vvti) mabigat ang kaha para sa makina.
    Share ko lang experience ko sa diesel Revo namin. Alam naman natin lahat na mabagal yung mga ganong kotse. So kapag yun ang dala ko, para akong demonyo. On wide open roads, shifting at 3000rpm is the norm and if I am in a hurry minsan 3500-4000rpm. Tipid mode for me is shifting at 1700-2000rpm as on a pleasant day. But despite the harsh driving, I still manage to get an average of around 9-10km/L! Ang tipid talaga!

  16. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #16
    medyo may konti pagkakaiba lang pala pagdating sa figures ng rpm shiftpoints ang revo diesel saka gas, sa bagay Revos are not intended for racing or high-speed driving, it is just perfect for hauling and perfect for climbing terrains.

  17. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #17
    Very good for hauling indeed. Climbing? Tama lang, just not with a full load. I haven't taken ours out of town personally yet, but the family members who have said that it runs quite smoothly and stably even at speeds over the century mark. It just doesn't give good acceleration. So far the highest speed they have reported using our Revo is 130km/h at SCTEX at may maibubuga pa daw. Since I've only used it in the city, best I've done is 90km/h only, always ran out of road to go faster.

  18. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    27
    #18
    naki computer ulit medyo maluwag tapos na drama ni zubiri sabi ni negro

    ok ba yun ford lynx gsi ba yun nakita ko sa bentahan ng kotse sa pasay minsan naparada kami sa gilid
    yun headlight nya naka dalawa na fog light ba yan parang RS ba ?

    sabi ng kasamahan ko wag yan ford sasakit lang ulo mo parang kang bumili ng bato pupuk mo sarili mo


    yun honda civic 2001 ok ba yun di pa kasi nabebenta malapit smin nakita ko ok naman sa panlabas
    mahal ba talaga maintenance nun kasya toyota ?

    hangang sa muli

  19. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #19
    Quote Originally Posted by dragonical View Post
    naki computer ulit medyo maluwag tapos na drama ni zubiri sabi ni negro

    ok ba yun ford lynx gsi ba yun nakita ko sa bentahan ng kotse sa pasay minsan naparada kami sa gilid
    yun headlight nya naka dalawa na fog light ba yan parang RS ba ?

    sabi ng kasamahan ko wag yan ford sasakit lang ulo mo parang kang bumili ng bato pupuk mo sarili mo


    yun honda civic 2001 ok ba yun di pa kasi nabebenta malapit smin nakita ko ok naman sa panlabas
    mahal ba talaga maintenance nun kasya toyota ?

    hangang sa muli
    Kumportable ang Ford, solid na solid at medyo maporma pa. Ang problema dun medyo may kalakasan ang konsumo sa gasolina at mas mahal ng konti ang parts. Yung Honda Civic maganda rin. Malawak siya for its class at maganda rin at malakas ang makina, matipid rin kapag manual kinuha mo. Yun nga lang mas mahal talaga ang maintenance at parts niya.

    Yun nga lang, hindi ba kayo masisikipan sa compact sedan? Ang dami niyo eh, siguradong masikip yan.

  20. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    3
    #20
    Sir, based sa criteria mo, irerecommend ko na dagdagan mo yung ipon mo tapos hanap ka ng Toyota Hilux 95-99 models 4x4 / Toyota LN106. Wala kang pproblemahin bumaha man, pwede mong ipangkarga ng gamit at kasya yung pamilya mo. Matibay ang mga toyota. Hindi naman kamahalan yung maintenance (sa parts meron naman local at orig. sympre mahal) basta maalaga sa sasakyan.

    Bentahan sa mga good condition na hilux nasa P300,000 - P400,000 pataas. Patulong ho kayo sa mekaniko na nakakaintindi ng mga sasakyan kung bibili kayo ng 2nd hand.

    Isa pa na isusuggest ko, Nissan Frontier nasa ganung price range din po.

Page 1 of 4 1234 LastLast
patulong pag pili ng sasakyan