bro jut got my license na (last monday). paid 2077 for the speeding ticket. arrived around 10:15am and was done by 5:20pm. i am proud to say I WAITED and endured the long process, and did not succumbed to the fixer offers
but honestly around 12nn, it did crossed my mind. anyway, nakakatuwa yun ibang drivers doon na dinadaan nalang sa tawa at kwentuhan yung matagal na pag iintay. dami nilang kwento about locations na need talagang magbigay kungdi hulihin or impound yung trucks nila. unpaid yung day off nila para tumubos ng license, kahit na yung violation nila (madalas overloading) ay di nila alam or di sinasabi sa kanila. yun iba naman around 500 a day ang sweldo, tapos halos 5k ang multa dahil sa mga dinagdag ng TE after initial violation e.g. seat belt, busted tail light etc.
btw you're correct siguro mga 5 lang yata kami doon ang di driving ang profession (probably less).
Nagmahal na ba ang multa? O depende sa speed mo nuong mahuli?
Just about the same time frame I spent there a few years ago.... Mabagal pa rin ang proseso...
Natutulog pa rin ba ang mga patabaing bab*y sa adjudication department?
Palabas pa rin ba sa pirated na DVD ang Asiong Salonga sa seminar/test/waiting room?
Marami pa rin bang nagtitinda ng mga seafoods (alimango, sugpo - na sangkaterba ang mga aligi),- para sa mga empleyado at hepe ng LTO?
"The measure of a man is what he does with power" LJIOHF!
25.9K:branch:
not sure kung depende sa speed bro, but i think di naman kasi si bro jut 140ish yung speed nya.
pag pasok sa loob ng adjudication, mabilis naman na process ang mga speeding, seat belt violations. yung iba matagal dahil umaga pa lang sila andoon sa loob. mga pagkain nilalako doon ay tubig, gatorade, sandwich lang.
Sabi ng friend ko na nag ttrabaho sa nlex. This holy week daw, intense daw ang paghuli nila sa mga speeding. Madami daw silang ikakalat na tauhan. Lalo n daw pag dating ng sunday kung saan mag babalikan mga tao pa manila.
Di n na niya inelaborate kung saan mga pwesto eh. But sabi nya sa bocaue southbound tiyak yun.
May mahuli kaya sila? Traffic kasi malamang nyan. Baka pwede yung gagamit na lang ng median ang huliin. Ang alikabok kasi
Wifey's driver was caught at 120kph in nlex. Usually between 730-930 am sila nag aabang.
Ganyan din sa tplex/sctex ang time window ng kanilang operation.
Bago ako na-tag sa tplex noon, napansin ko na sa sctex nung nag uumpisa pa lang sila mag set-up ng kanilang equipment (malapit na sa toll booth). I really thought na lalagpas na ako sa tplex before they can complete of their own set-up but was dead wrong.
Ewan ko ba kasi kung bakit lagi akong inaantok with that speed limit up to 110kph. Siguro dahil masyadong smooth and straight ang tplex at konti lang ang sasakyan
In my case, sobra pa sa 2k ang damage ko dahil galing pa ako ng La Union just to claim back my dl![]()
nahuli ako kanina sa nlex overspeeding.
i lost my license before so i was able to get a duplicate copy (affidavit of lost). then i found the one that i lost.
i gave that old license sa nlex officer.
pag hindi ko tinubos lalabas ba sa record ko pag renewal na meron akong pending violation?
Sa SCTEX minsan dapat aware din tayo sa kasalubong, kasi last time yung 5 star bus flash ng flash ng high beam, tapos napansin ko sumesenyas yung konduktor. Ayun may namamaril pala, buti na lang nagmabagal ako.
Ano po ba speed limit ng mga hi way na ito?? Di ko alam ha. Hinahataw ko ng 100 to 140 EON ko dito. Hehe.
It's better to claim your license than wait for the alarm on you. If they have a picture of your car over speeding. they have proof that it was you. I suggest not to complicate things that might compromise your license or your cars registration anyway you know what you did sir.
If NLEX, most probably may picture yan with the plate number very visible. You can send an email to customer_service*tollways.net.ph and request for the picture. Just indicate the following:
Date:
TOP number:
Car make & Model:
Plate number:
Location:
buti na lang di ako natyempuhan. mukang mahirap manubos. last april kasi nung nagbyahe ako pa norte, kala ko walang speed limit sa sctex. sa nlex kasi 100kph lang takbo ko. pero nung nasa sctex, dun na ako napahataw. napatakbo ko yung optra ng tropa ko ng 170kph. sabi kasi ng tropa ko wala daw nanghuhuli ng overspeeding. di ko na uulitin yun. tama na yung 100kph para safe driving lang.