New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 31 to 40 of 60
  1. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #31
    Tsk, tsk. Halos lahat tau may story ukol d2.

    Pede kayang igawa ito ng map. Or useless kasi theyre everywhere?

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,264
    #32
    not entirely related, pero experience lang ng wife ko sa enforcer ng maynila. 1st time nyang mahuli (without a clear violation) sabi ng wife ko "sige ticketan nyo na ko", ignorante pa kasi wife ko sa hulihan na ganyan, alam nya pag hinuli eh ticket at tutubusin nya sa lto or city hall.

    wife: "sige ticketan nyo na ko"

    enforcer: "ma'am mag-sesminar pa po kayo sa city hall nito, laking abala sa inyo."

    wife:
    "ok lang, sige ticketan nyo na po"

    enforcer:
    "mahigit P1,000 po ang tubos ng lisensya nito, medyo mahal"

    wife:
    "ah, sige po, ticketan nyo na"

    enforcer:
    "san ba kayo ma'am? naku cavite pa pala kayo, ang layo ng manila city hall, masyado kayo maaabala nyan"

    wife:
    "oo nga, (my wife starts to wonder bakit ayaw ticketan) ano po ba dapat gawin?, alam ko pag hinuli ako eh titicketan ako at tutubusin ko sa city hall? sige ho ticketan nyo na"

    enforcer:
    "baka gusto nyong pagusapan ma'am"

    wife:
    "ah lagay?"

    enforcer:
    "ah ma'am wala akong sinasabing ganyan ha"

    wife:
    "ano ba talaga? sabi ko ticketan mo na ko ayaw mo kong ticketan, tapos hindi rin lagay, eh ano ba talaga manong? di ko alam eh."

    by this time my wife realizes that its forbidden to say the word, basta magabot ka na lang, so inabot na lang nya yung last money nya that time, P100. para matapos na yung hulaan blues :lol:

  3. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    244
    #33
    Quote Originally Posted by BratPAQ View Post

    dapat nag hysterical or inandar nalang yung car after getting the damned person's name hehe

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    173
    #34
    Nakakalungkot talaga ang mga nangyayari sa Pilipinas madami ng patay gutom pero susyal naka uniforn na sila. Wala nmn silang alam na violation kung hindi swerving. Karamihan nmn ng mga enforcers walang mga driver's license and doesn't know how to drive. Kahit tanungin nyo pa sila siguro 2 out of 3 di marunong mgdrive. Papano nila mapapatupad ang traffic rules kung sila mismo di motorist.

    Ewan ko ba, kung saan saan lng kasi nila napulot un mga enforcers nila basta marunong lang ma ngotong qualified na. Sabagay wala namang matinong tao mg tyatyaga na maging enforcers kung wlang ibang gusto. Sabi nila di nmn lahat ganun.... well lets dare any enforcer n di kumuha ng kotong to step forward. Palagay ko wala lalabas kasi baka tamaan pa ng kidlat.

  5. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    806
    #35
    Para sa kin dapat mag lagay ng camera sa mga intersection...tapos dun na lang ticketan...wala ng tanong tanong. Isang lugar lang bayaran...main office ng LTO...kung di maka bayad eh di wag i-renew ang lisence with additional late fees.

    Pwede din...10% na lang ang sa gobyerno, tapos 90% ng fees sa pulis na humuli ng violation. Tapos required na ireport ng driver na nahuli sya. Sibak kagad sa trabaho yun pulis kung tumangap ng lagay.

    Sorry...in advance...pero dun sa mga nahuli...I doubt na wala kayong kasalanan. Ang ayoko lang eh yun nag lalagay...kaya lalong nawiwili yun mga yan.

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    173
    #36
    Quote Originally Posted by cktlcmd View Post
    Para sa kin dapat mag lagay ng camera sa mga intersection...tapos dun na lang ticketan...wala ng tanong tanong. Isang lugar lang bayaran...main office ng LTO...kung di maka bayad eh di wag i-renew ang lisence with additional late fees.

    Pwede din...10% na lang ang sa gobyerno, tapos 90% ng fees sa pulis na humuli ng violation. Tapos required na ireport ng driver na nahuli sya. Sibak kagad sa trabaho yun pulis kung tumangap ng lagay.

    Sorry...in advance...pero dun sa mga nahuli...I doubt na wala kayong kasalanan. Ang ayoko lang eh yun nag lalagay...kaya lalong nawiwili yun mga yan.
    Matatalino mga Pinony, kahit anong gawin nating sistema sa umpisa lang effective pero later on magagawan din nila ng paraan kung pano sila kikita. Kung di magawan ng paraan papabago nila un system na pwedeng ma adopt un gusto nila.

    Sa 10%-90% na hatian, sa tingin ko mas lalaganap un panghuhuli nila ng walang violation. Mas madaming huli mas siguradong maraming kita (90% ata sa kanya dun). Ang purpose ng multa is to discourage ang motorist to commit violation hindi para kumita ang government at un enforcers. Medyo nasesentro sa kita ang labanan hindi pag aayos ng lansangan. Nandun ba ang LTO at mga enforcers para ayusin ang traffic o para kumita.

    OO nga karamihan ng nahuhuli may violation but the problem is naglalagay sila (well for me huli kung huli pero di ako nag lalagay). Dapat nga tlagang wlang percent un mga enforcer sa huli nila at di dapat sila binibigyan ng kotong para matigil na ang maling systema. Kung mang yari un wlang kotong, percent at sweldo lng nila ang makukuha nila baka 2 months lng wla ng enforcers sa kalsada.

  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    85
    #37
    Mahirap na pala magdrive sa manila ngayon. Daming kotong boys!
    Paano kung hindi saulado yung way? swerving ang violation pag nagkataon.
    Taga laguna pa naman ako.

  8. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,339
    #38
    Quote Originally Posted by Xti_Soon View Post
    Mahirap na pala magdrive sa manila ngayon. Daming kotong boys!
    Paano kung hindi saulado yung way? swerving ang violation pag nagkataon.
    Taga laguna pa naman ako.

    ayos lang yan sir basta marunong ka mang sindak dont use "po" pag kausap mo sila, isipin mo criminal ang kausap mo

  9. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    652
    #39
    Quote Originally Posted by lonerunner View Post
    Guys, nakita ko maraming violations sa Pasay ng SWERVING, totoo ito. Napaka-rami na huhuli sa Pasay (intersection ng World trade cnter, Macapagal going to MOA, Buendia U-turn malapit sa Roxas at yung malapit sa Taft). Ang definition nila ng Swerving ay: kung ka-kanan ka dapat nasa right-most lane ka, regardless kahit 2,3 o 4 lanes yung kalsadang lilikuan mo.

    May sariling description sila ng SWERVING.

    Sino may alam paano ma-ireklamo ito sa Pasay?
    e, sir, papano iyan kung meron yellow lane sa kanan mo? di ka rin pwede pasok dahil bus lane iyan?

    As far as my experience regarding this hulihan goes, kung talagang nangongotong lang talaga ang intention, which nangyari na sa akin,e traffic light change from yellow to red. airport road going left to tramo (wala pa harang noon), hinuli ako beating the red light daw.

    Folks, ayun sa LTO, there is no violation as beating the red light Sabi sa akin ng pinsan kung pulis, motorists are given at least 15 seconds grace period to allow those na na- alangan when the traffic light changed from yellow to red.
    Sa case ko, I told the apprehending office, "sige tiketan mo ako, pero lalagyan ko ito ng under protest, dahil mali ang pagkahuli mo sa akin.
    It was explained to me later by a friend na talaga hassle din pala sila pag merong "under protest" ang TVR na na-issue nila dahil kelangan din pala nila mag personal appearance. So wala nagawa ang traffic aide but to let me go.

  10. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    27
    #40
    totoo, hassle talaga sa kanila pag nag "under protest" di sila maka quota...

    OT: kwento ko lang experience ko:

    nahuli ako sa ayala ave. ng MAPSA, sa ayala kasi pag rush hour na pinapatay na nila ang stop light...naka motor ako that time kasi coding kotse ko, nag pa GO yung nag tatraffic sa gitna nung makatawid na ako sa kabila may naka abang pala na isa pa, sabi beating the red light daw...eto script ayun sa akin pagka alala...HE HE HE

    MAPSA: Sir, magandang gabi po, bakit umabante na kayo di pa kayo pina aabante nung enforcer. Tignan nyo wala kayong kasunod...

    ME: Sir anong violation ko?(tpos kunwari nadukot ng lisensya)

    MAPSA: Beating the red light sir.

    ME: Huh?Beating the red light?eh patay nga ang stop light panong beating the red light. di ako aabante kung di kami pina abante nung enforcer(totoo naman kasi baka mahagip ako).

    MAPSA: Patingin ng lisensya(galit na si sir)

    Inabot ko lisensya ko, sabi dadagdagan daw ang violation ko, ano pa idagdag nyo?(todo ngiti pa ako) obstruction at resisting to give Driver's license daw...sabi ko sir bakit ang dami ang mahal na nyan...madami ba?wag na natin paabutin sa tubusan kung gusto mo...DUN NAGPANTING TENGA KO, gusto pala ng lagay di pa ako dinerecho sa inis ko pinalo ko ng helmet sa ulo sabay kuha ng lisensya ko sabay harurot pabalik ng opisina(di aabot yung motor nya na big bike kuno!!(125cc na janski ata yun kahit same ng akin na 125cc honda wave)...iniwan ko na yung motor ko sa parking lot ng opisina nag commute na lang ako pauwi...di na tuloy ako makadaan dun(ayala ave/makati med. intersection)

Page 4 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Kotong Alert