New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 41 to 50 of 60
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    27
    #41
    totoo, hassle talaga sa kanila pag nag "under protest" di sila maka quota...

    OT: kwento ko lang experience ko:

    nahuli ako sa ayala ave. ng MAPSA, sa ayala kasi pag rush hour na pinapatay na nila ang stop light...naka motor ako that time kasi coding kotse ko, nag pa GO yung nag tatraffic sa gitna nung makatawid na ako sa kabila may naka abang pala na isa pa, sabi beating the red light daw...eto script ayun sa akin pagka alala...HE HE HE

    MAPSA: Sir, magandang gabi po, bakit umabante na kayo di pa kayo pina aabante nung enforcer. Tignan nyo wala kayong kasunod...

    ME: Sir anong violation ko?(tpos kunwari nadukot ng lisensya)

    MAPSA: Beating the red light sir.

    ME: Huh?Beating the red light?eh patay nga ang stop light panong beating the red light. di ako aabante kung di kami pina abante nung enforcer(totoo naman kasi baka mahagip ako).

    MAPSA: Patingin ng lisensya(galit na si sir)

    Inabot ko lisensya ko, sabi dadagdagan daw ang violation ko, ano pa idagdag nyo?(todo ngiti pa ako) obstruction at resisting to give Driver's license daw...sabi ko sir bakit ang dami ang mahal na nyan...madami ba?wag na natin paabutin sa tubusan kung gusto mo...DUN NAGPANTING TENGA KO, gusto pala ng lagay di pa ako dinerecho sa inis ko pinalo ko ng helmet sa ulo sabay kuha ng lisensya ko sabay harurot pabalik ng opisina(di aabot yung motor nya na big bike kuno!!(125cc na janski ata yun kahit same ng akin na 125cc honda wave)...iniwan ko na yung motor ko sa parking lot ng opisina nag commute na lang ako pauwi...di na tuloy ako makadaan dun(ayala ave/makati med. intersection)

  2. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #42
    Quote Originally Posted by Xti_Soon View Post
    Mahirap na pala magdrive sa manila ngayon. Daming kotong boys!
    Paano kung hindi saulado yung way? swerving ang violation pag nagkataon.
    Taga laguna pa naman ako.
    Sana nga kasi dinadala sa desired LTO office nung nahuli ang license at hindi sa Makati/main lang. Napipilitan tuloy maglagay dahil sobra abala pag tubos lalo na kung taga province pa gaya ko.
    Last edited by hominid; December 5th, 2009 at 09:59 PM.

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #43
    Quote Originally Posted by burjegol View Post
    "sige tiketan mo ako, pero lalagyan ko ito ng under protest, dahil mali ang pagkahuli mo sa akin.
    Sir paki point out naman sa ticket kung saan ito nilalagay.

    Salamat.

  4. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #44
    Quote Originally Posted by hominid View Post
    Sir paki point out naman sa ticket kung saan ito nilalagay.

    Salamat.
    Sa ticket mismo sa babang baba, may nakalagay dun na blank underlined space before ka pumirma maglagay ka ng under protest na note.

  5. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    806
    #45
    Quote Originally Posted by eryxon View Post
    Matatalino mga Pinony, kahit anong gawin nating sistema sa umpisa lang effective pero later on magagawan din nila ng paraan kung pano sila kikita. Kung di magawan ng paraan papabago nila un system na pwedeng ma adopt un gusto nila.
    Tama ka maabilidad ang Pinoy, pero kasi pag may camera walang lusot lusot. Pag mali mali...therefore multa.

    Quote Originally Posted by eryxon View Post
    Sa 10%-90% na hatian, sa tingin ko mas lalaganap un panghuhuli nila ng walang violation. Mas madaming huli mas siguradong maraming kita (90% ata sa kanya dun). Ang purpose ng multa is to discourage ang motorist to commit violation hindi para kumita ang government at un enforcers. Medyo nasesentro sa kita ang labanan hindi pag aayos ng lansangan. Nandun ba ang LTO at mga enforcers para ayusin ang traffic o para kumita.
    Para sa kin 10% ang cut ng gobyerno at 90% sa pulis o sa huhuli tapos more than 7,000 pesos dapat ang simula ng mga multa para mataas ang hati ng pulis o humuhuli. Di ba katwiran nila kaya sila kumukuha ng lagay eh para kumita...so kung mas mataas ang kikitain nila sa di pag tanggap ng lagay eh di mas maganda para matigil yun lagay lagay.

    Quote Originally Posted by eryxon View Post
    OO nga karamihan ng nahuhuli may violation but the problem is naglalagay sila (well for me huli kung huli pero di ako nag lalagay). Dapat nga tlagang wlang percent un mga enforcer sa huli nila at di dapat sila binibigyan ng kotong para matigil na ang maling systema. Kung mang yari un wlang kotong, percent at sweldo lng nila ang makukuha nila baka 2 months lng wla ng enforcers sa kalsada.
    Mas galit ako dun sa nag lalagay lagay...kaya tuloy lalong humi hingi ang mga yan eh.

    Last week nag pa convert ako ng US license ko para mag ready sa pag bili ko ng auto by next year. Pag baba ko pa lang ng bus sa tapat ng East Avenue eh parang mga suso yun mga FIXERS. Sinabi ko na ako na lang ang mag lalakad ang kulit. Tapos after ko mag medical...nan dun pala yun mga FIXERS at ina ayos na pala ako sa setup, tanong ko...

    mag kano po bayad ko sa medical? 400 pesos daw at 2500 sa FIXER...

    TUMAAS KAGAD BOSES KO! .... HA! ANO AKO PAPA-UTO SA INYO!

    Ang total na gastos ko eh...
    100 pesos sa drug test
    400 pesos sa medical...na kahit ako na lang pumirma pwede...pirma lang pala ng Doctor eh.
    625 pesos sa convertion ng USA to Pinas license.

    AT WALANG PILA SA LOOB NG LTO!....NUMBER 3 AKO SA PILA. Inabot ako ng isang oras at kalahati...tapos lahat.

    There was a humongous sign outside the LTO office "BAWAL ANG FIXERS", unfortunately I did not understand the word FIXERS until I got home and told the story to my Aunt. I could have gotten the number to report them...anyone know what that number was?

  6. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    27
    #46
    Quote Originally Posted by cktlcmd View Post
    Ang total na gastos ko eh...
    100 pesos sa drug test
    400 pesos sa medical...na kahit ako na lang pumirma pwede...pirma lang pala ng Doctor eh.
    100 drug test?400 medical?

    di po ba baliktad to sir?

    kasi last na renew ko is 350 ang drug test 100 ang medical....

  7. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    27
    #47
    Quote Originally Posted by cktlcmd View Post
    Ang total na gastos ko eh...
    100 pesos sa drug test
    400 pesos sa medical...na kahit ako na lang pumirma pwede...pirma lang pala ng Doctor eh.
    100 drug test?400 medical?

    di po ba baliktad to sir?

    kasi last na renew ko is 350 ang drug test 100 ang medical....

  8. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,264
    #48
    Quote Originally Posted by MaxAJ View Post
    dapat nag hysterical or inandar nalang yung car after getting the damned person's name hehe
    update lang sa istorya ng misis ko, yung lane daw nya eh left turn (2nd lane from inner most), at dumiretso misis ko. kaso pagbalik nya sa lugar na yun eh may nakalagay na arrow na padiretso. so di pala dapat violation. maybe they sense na babae driver and bago palang driver kaya nabiktima.

  9. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,264
    #49
    Quote Originally Posted by cktlcmd View Post
    Para sa kin 10% ang cut ng gobyerno at 90% sa pulis o sa huhuli tapos more than 7,000 pesos dapat ang simula ng mga multa para mataas ang hati ng pulis o humuhuli. Di ba katwiran nila kaya sila kumukuha ng lagay eh para kumita...so kung mas mataas ang kikitain nila sa di pag tanggap ng lagay eh di mas maganda para matigil yun lagay lagay.
    excuse me lang sir, pero ilang taon ko na? mukhang di ka pa aware kung gaano kagahaman ang tao. kahit magkano pa ibigay mo sa corrupt, basta corrupt magnanakaw pa rin yan. kikita sila ng 6k sa unang huli, pag wala nang mahuli na violator maghahanap yan ng mga mabibiktima sa imbentong violation. masyadong malaking opportunity ang 6k para idadaan mo lang sa tamang violation.

    isa pa pala sa kotong alert, sa macapagal highway, yung kanto na may mcdo at mercury drug, southbound ka at nag u-turn ka sa intersection eh huli ka. may naka-indent na lane for left turn, pede ring mag left turn. kaso bawal ang u-turn. pero bat ang daming nag-u-uturn at may tumatambay na enforcer sa petron? kasi ang no uturn sign eh nakalagay sa pagtawid na intersection. so kung balak mo mag uturn eh di ka na aabot sa kabilang intersection at naturally di mo mababasa yung sign.

  10. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    806
    #50
    Quote Originally Posted by edilat View Post
    100 drug test?400 medical?

    di po ba baliktad to sir?

    kasi last na renew ko is 350 ang drug test 100 ang medical....
    Ayyyy ... OO ....hehehe

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Kotong Alert