1.3J
1.3E
1.3G
1.5G
1.5 XX
1.5S
1.5SE
I don't own a VIOS.
Pareho tayo, Chiks. Never ako magpapa-engine wash. Nakakatakot, eh. Engine detail nga ayaw ko patusin. Pero yung sa Speedlab, oo... waterless naman daw.
Yup, well.. before ha sa loob ng speedlab. Ewan ko nalang ngayon since nagpalit sila location.
Ayaw mo homeservice? Yung sa PCI ba yun..
Mahal doon eh naffeel ko. Plus sa Pasig pa ata sila, malayo sila sakin and they might charge a lot pag home service.
Just changed the battery. Motolite Enduro. P3100 ang damage. P2700 lang to 2 years ago. Okay naman na. Di na tinotopak yung right projector. Baterya talaga problema.
Ewan ko kay erpat. :bwahaha: Di bale sa susunod yun issuggest ko. Dami lang kasi gastusin ngayon. Ok din naman yung Enduro.
Ahh. Siya nga pala, sa lagayan ba ng coolant pwede lagyan ng mineral water if ever bumaba na yung coolant level? Sabi kasi sakin, dun padaanin yung coolant.. Huwag sa may radiator mismo. Eh pano pag tubig lang ilalagay ko? Dun pa rin?
Tuwing PMS lang naman kasi ako naglalagay ng coolant.
Wala akong idea dyan eh. Never pa namin kasi pinakielaman yung coolant. Although sabi sa manual 5 years daw bago palitan yung coolant so within the year papalitan na namin yan.
question everytime ba nag papafull tank kayo nagpapalagay kayo tubig sa radiator? kasi ako ganon. full tank wait mag 1 bar full tank ulit sabay na palagay ng tubig pero tubig ko ha distilled.
usually dapat hindi lalo na everytime mag pa gas. ano auto mo at taon?
Basing sa old car ko,
Hindi naman everytime magpa-gas. I usually check my coolant/water level bago ako bumyahe ng malayo. Or the least, every 2 weeks or so.
*autotekz: Saan mo pinadadaan yung tubig, sa radiator mismo o sa lagayan ng coolant?
ilang liters of oil pala ang kailangan ng 1.3 engine ng vios?
3.5L lang ba? kasi parati 3.5 lang nilalagay namin e. hehe sa casa 4 parati charge pero hindi binabalik yung excess
Siya nga pala, anong oil pwede ko ilagay for the first 1k & 5k PMS?
Parang nabasa ko kasi dito regular oil lang dapat ilagay ko. Huwag muna synthetic. Mas ok daw pag ganun.
78kms na kasi yung Vios... malapit na mag-1k. :bwahaha::hysterical: